Two over Seven (Exam Moments)

632 56 5
                                    

Zeth's POV:

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Loisa. Bakit parang may naramdaman akong iba? Bakit pakiramdam ko biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Tsss! Ano ba yan Zeth kung ano-ano pumapasok sa isip mo!

Kumalas na sa yakap si Loisa.

"Sorry. Naexcite lang" sabi niya tapos nakapeace sign pa. Haynako bakit ba ang kulit nitong babaeng to. Tumango nalang ako para sabihing okay lang.

Pumunta na siya sa table ko.

"Bro. Turuan ko lang yung Ms.Spiker mo ha." Sabi ko kay Dave.

"Sige bro"

Pumunta na din ako sa table kung nasaan si Loisa.

"Hey. Anong subject ka nahihirapan?" Tanong ko.

"Hmmm. Math siguro kasi i don't like numbers and letters." Sabi niya. Paenglish english pa to haha.

"Okay" sabi ko. Kinuha ko yung math book ko sa bag at binuksan ito.

Nagsimula na akong magturo tungkol sa basic algebra buti naman at nakikinig siya at hindi siya ganon kaingay alam mo talagang gusto niyang makapasa sa exam na yon.

After ng 30 minutes natapos na din kami.

"Hayyy grabe buti nalang matalino ka. Haha!" Sabi sakin ni Loisa.

"Thanks" sagot ko.

"Woooh. Sana makapasa ako! Para to sa nanay ko at sa mga pangarap ko!" Sabi niya. Naantig naman yung damdamin ko sa sinabi niya. Hayyy. Buti pa siya may nanay padin samantalang ako ulila na. Pumikit ako at inalala lahat ng masasayang alaala ng mga magulang ko.

Hayyy. I miss you mom. I miss you dad.

"Good luck" sabi ko sa kanya at bumalik na ko kay Dave para ipagpatuloy yung laban namin.

Loisa's POV:

Nagsisimula na akong magsagot ng exam ngayon. Grabe ang komplikado ng exam. 250 items. Tig-50 sa math, science, english, history at abstract. Feeling ko perfect ako sa abstract hahaha! Napakadali naman kasi hahanapin mo lang yung susunod na shape. Tapos minsan hahanapin yung mali. Haha. Pang-grade one. Tapos yung science grabe ang hirap! Akala ko more on living things, non-living things lang yun pala puro chemicals! Waah! Kapag ako hindi nakapasa dahil sa science nako!!!

After one minute natapos ko na yung exam syempre joke lang yun one minute haha! Mga isang oras din siguro ako nagsagot and wooh! Success! Daig ko pa siguro yung taong nagtatae! Haha

Lumapit ako kela Dave at binigay ko yung papel.

"Oh Mr.Dave owver naman sa dali ng mga tanong dito" sabi ko pero syempre joke lang. Haha.

"Haha! Talaga? Eh bakit ang haggard ng itsura mo? Hahah"

Tumakbo ako papuntang cr at tinignan yung sarili ko.

Gulo gulong buhok at medyo pawisang mukha. Waaah! Minus ganda points to kay Zeth. Hihihi

Speaking of Zeth. Alam niyo ba habang tinuturuan niya ako hindi talaga ako makapagconcentrate. Gusto niyo malaman dahilan? Haha. Wag na! Haha. Joke. Eh kaya hindi ako makapagconcentrate kasi sinisiksik ko sa utak ko yung boses ni Zeth. Ang ganda grabe! Tsaka ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako makapagconcentrate ay dahil nakainhale nanaman ako. Oo siguro mga 30 minutes din akong nakainhale. Hahaha.

"Uyyy bro gala tayo bukas after ng class!" Sabi ni Zeth.

"Hindi ako pwede bro one week akong pinagpapahinga ni dok" sagot naman ni Zeth.

"Ano ba yon. Wag kang magalala hindi naman nakakapagod eh. Magmall lang tayo kasama si Lara. Sige na bro!" Yaya ulit ni Dave.

Lara? Sino yon?

"Sinong Lara?" Tanong ko.

"Nililigawan ko. Bakit selos ka? Haha"

"Heh! Asa! Di kita type no!"

"Hahaha pikon!" Sabi niya. "Uyy bro bukas ha! Isama mo nalang si Loisa. Wag ka ng KJ bro. Labas ka nalang ng bahay! Haha" dagdag pa niya.

Talaga pang isasama ako ha?

"Uy Loisa sama ka ha! Sa ayaw at sa gusto mo!" Sabi ni Dave. Di ko na lang pinansin yung sinabi niya kasi gusto ko din naman eh. Hahaha.

"Sige bro" sagot ni Zeth.

So bukas may lakad kami nila Dave.

Ako, si Zeth, Dave at Lara.

Double date ba ito? Waaaah!!! Hahaha

*****

Hahaha! Double date daw? Assumerang Loisa!

Comment and vote

Si Ateng Makulit at Si Kuyang TahimikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon