(Prologue)

109 1 1
                                    

Maghiwalay na tayo!” sigaw niya sa akin, hindi ko alam kung bakit ganito, lastweek naman, we're okay.

Ha?! Ba—Bakit naman?” gulo kong tanong sa kaniya, hindi niya ako tinitignan, nakakuyom ang dalawa niyang kamay, halatang galit ito na hindi ko maintindihan.

Dahil --- hindi na kita mahal!" sigaw niya s akin, nanlulumo ako sa naririnig ko. "Hindi naman kita talaga mahal e, never kitang minahal. Tanging si Cher lang ang mahal ko, at minahal ko." sambit niya, sunud-sunod niyang sambit sa akin.

Hindi ko alam ang nangyari, masyadong mabilis pero naramdaman ko na uminit ang kamay ko, nanlalabo na ang mga mata ko sa namumuong luha at nakahawak na siya sa kanang pisnge niya.

Nasampal niya ang lalaking nasa harapan niya, hindi niya iyon ginusto, ayaw niya --- ayaw niyang saktan ito, lalo na kung pisikalan, pero wala, tapos na.

Natigilan na siya sa nangyari kaya napahawak nalang siya sa kanyang bibig, halatang gulat sa nagawa niya.

"So—Sorry” bulalas niya, tila hahawakan na sana ang mukha ng lalaki, kaso iniwas nito ang kaniyang mukha.

So—Sorry talaga, hindi ko Sinasadaya” sambit niya ulit sa lalaking kaharap niya, narinig nalang niya itong mahinang nagmura.

Hirap siyang magsalita, pinipigilang umiyak, dahil ayaw niyang makita siya ng lalaking itong umiiyak siya, oo, siya na nga ang kahinahaan niya, baka, kung ano pa isipin ng lalaki kung iiyak pa ito sa harapan nito. Baka isipin na, nagpapa-awa ito. Pero, hindi, halo-halong emosyon na siguro ang nararamdaman niya ngayon.

"This is bullshit. Tapos na tayo. We are done. That's final!" he gritted the words between his teeth. Padabog siyang umalis sa harapan ng babae.

Nakatayo siya sa gitna ng streetwalk, hindi na niya inasam na babalik ito, oo ng naman, tapos na. Wala ng sila. Umalis ang lalaki sa harapan nito, at iniwang luhaan ang babae, sumigaw na lamang siya "AAAHHHH!!Sinusumpa kita Alexis Cyrus Ferrer!

Napaluhod nalamang ito sa daanan, napatingin na lamang siya sa mga kamay niya at napansin niyang tumutulo na ang mga luho nito. Halos hagulgol na nga ata ang gawa niya, mukha na siyang ewan, tanga in short.

Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga taong dumadaraan sa paligid niya. Sa totoo lang, baka dun na nga siya nararapat, halos, naririnig na lamang niya ang mga bulong ng mga dumadaan. Pero, sabi nga niya sa sarili niya, huwag mo ng pansinin.

Pero, cliché nga naman talaga sa lahat ng istorya na napanuod niya, at mga nabasa niya sa mga pocketbook, na mararamdaman ng bidang babae ang pagpatak bigla ng ulan, halos saluhin na niya siguro ang buhos ng lakas ng ulan. Mukha na siyang timang dun sa gitna ng streetwalk na halos nakaupo na sa semento.

Samantalang yung mga tao sa paligid nito ay tumatakbo na at yung iba ay nagmamadaling binubuksan ang mga payong. Samantalang, siya andun nakaluhod at hawak lang ang kaniyang mga tuhod, umiiyak.

Nagtaka siya at wala na siyang nararamdamng mga patak na ulan, pero ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin dala ng ulan. Napatingin ito sa taas, pinapayungan siya, nakangiti, maamo ang mga mata. “Magkakasakit ka niyan, tara, dun tayo sa bahay ko, makakapagpahinga ka

Umiling siya ng hindi. Na para bang hindi siya nagtitiwala sa mga estranghero. "Huwag kang mag-alala, kaibigan ako. Hindi kita gagawan ng masama, Andun ang ate ko, babantayan ka niya.” Sambit pa niya ulit

O—o, si—sige” pangangatol niyang sagot, tumayo ito pero muntikan ng mahulod dahil sa pangangalay na nararamdaman ng kaniyang mga paa. “Ooops” nasalo niya ang lalaki

"Kaya mo ba maglakad?” tanong nito habang inaakay siya, tinitignan lamang siya ng babae, puno ng galit at lungkot ang mga mata nito, tumango naman ito. “Tara na” akay niya “Dun lang ang bahay ko” dagdag pa nito. “Ba—Bakit mo ako tinutulungan?” tanong ng babae habang hinahawakan ito sa braso ng lalaki. “A, kasi magkakasakit ka at hindi maganda ang umiiyak sa babae” sagot niya “Tsaka, bakit ganun ang boyfriend mo? Tinakbuhan ka lang niya?” tanong ng lalaki sa kanya

Napatingin ang babae sa kanya, gulat niyang tinanong ang lalaki “Nakita mo—mo?” “A, eh, Oo eh, pasensya ka na ha?” tatawa tawang sagot nito “Hindi, Hindi ko nam-naman siya boyfriend e.” Mangiyak ngiyak niyang sagot Naalala na naman niya ang mga huling sinabi ng ex-boyfriend niya

Dahil hindi na kita mahal, si Cher ang mahal ko”

“Dahil hindi na kita mahal, si Cher ang mahal ko”

“Dahil hindi na kita mahal, si Cher ang mahal ko”

“Dahil hindi na kita mahal, si Cher ang mahal ko”

 Umiiyak siya. Hagulgol

A, miss? Nakuu, Sorry, Hindi ko naman sinasadya na makita e.” Panic nitong sabi sa babae. Hinarap ang babae, umiiyak na parang bata. “Huwag ka nang umiyak o, o andito na pala tayo sa bahay ko.” Napansin niya din.

Unti-unting tumahan ang babae.

Hello? O, huwag ka ng umiyak, dito na tayo sa bahay ko o.” nakangiting sabi ng binata, mala-anghel ang ngiti, nagmistula talagang anghel ang binata sa harapan ng babae.

Napatingin ang babae sa lalaki, kasabay ng pagtila ng ulan.

O huwag ka ng umiyak diyan. Ako nga pala si Angelo Andrei Santos. Ang bago mong kaibigan.” Nilahad ang kamay nito na nakangiti

Ngumiti ang babae, kinuha ang inalok na kamay ng lalaki, “Geleen Aira Bautista.”

PROLOGUE:

At ayun ang naging kwento ko, ay mali ng lovestory ko. Pagkatapos ng araw na iyon, nakilala ko ang ate niya si Sarah Jane Santos, isang modelo. Mabait tulad ng angel na nakilala ko sa daan. Ako? Ito Masaya naman, 2 months na akong nakapag move on sa nangyari sa akin. Masakit ang nangyari, pero buhat ng hiniwalayan ako ng Alexis, hindi ko na siya nahanap dahil sa nakilala kong anghel. Hindi man maganda ang naging maganda ang first love ko, may bago naming dumating. Siguro, Ito ang New Beginning ng bagong chapter ng buhay ko.

Bagong buhay.

Bagong kaibigan.

Bagong inspirasyon – Angelo Andrei

At baging umpisa.

The End.

✔A New Beginning (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon