Hikbi | unang tula na isinulat ko
Naramdaman niyo na bang gusto niyo na lang umiyak
Ngunit ayaw tumulo
Kasi alam mo pag tumulo na ito hindi na ito titigil
At lalo pa itong bumuhos
Ng naalala mong wala kang masyadong pakinabang
Sa mata ng mundo, sa nanay mo at ikaw
Tipong pag pinakita mo sa iba mag mumukhang nag aalala
Yun pala para lang kumuha ng chismis
Pag nagsabi ka ng problema "iiyak mo na lang yan" ang bukang bibig
Ngunit pag umiyak ka naman puro "itigil mo na yan, walang maidudulot yan" ang hinain
Tama naman sila wala talagang maidudulot yun
Parang buhay mo wala raw dinulot na maganda
Mukha ka raw mahina pag umiyak
Pati pala pag iyak bawal na?
Pag tinatago mo naman ito mahina ka rin daw
Aba ano ba talaga?
Kaya minsan nakakapagod na rin noh
Kahit hindi ka naman tumakbo ng limang kilometro
Para kang tumatakbo sa walang katiyakan kung saan ang katapusan
Lahat nakakapagod na
May mga mas matitinding problema pa raw sa mundo
Kesa sa mga sarili nating problema
Tama naman sila
Napakalaki ng mundo at napakaliit lang natin kompara rito
Pero hindi ba dahil sa mga simpleng luha na ito
Ito pala ang dahilan kaya hindi tayo makabangon
Sa napakalaking mundong ito
Wala ni tunay na isa ang makakapagpunas nitong luha na ito
Madalas sa buhay natin kala natin nakilala na natin siya
Pero siya pa pala ang magiging dahilan sa gabi-gabing paghikbi
8/22/2019
YOU ARE READING
pagpikit ng mata
PoetryDahil sa pagpikit ng mga mata, Dito tayo namumulat, Sa mga katotohan ng araw, Sa mga katanungan ng hapon, Sa mga hikbi ng gabi, At sa bawat paghinga, Mga bagay sa isip natin ay bumabadya, Hanggat sa lubusang pagpikit nitong mata, Upang sumabak ulit...