Kabanata 2

238 5 0
                                    

"I didn't do anything. Kusa siyang lumuhod!" Matigas kong saad kay Harley. Talagang sinadya pa niya ako sa aking kwarto para lamang kumprontahin.

"Hindi 'yon ang sinabi niya! Pinaluhod mo raw siya sa harap mo!" His loud voice echoed inside my room.

"Why would I do that?" I spoke slowly, pilit na nilalabanan ang inis na nararamdaman.


Nakaupo lamang ako sa kama habang nakapamaywang siyang nakatayo sa harap ko, magkasalubong din ang kilay nito.


"Hindi ko alam! Sinabi mo pa talaga sa kaniyang nililigawan na kita! That will never happen, Zimry!" He gasped.


Anong pinagsasabi ni Angel sa kaniya? Ni hindi ko nga siya nakausap nang mabuti!


"Paniwalaan mo ang gusto mo," I gave up.


Kahit anong gawin kong pag-eexplain, hindi naman 'yan maniniwala sa akin. He stood quiet for a moment. But I almost screamed when he stormed out of the room.


I let out a heavy sigh. Sometimes I feel like, no matter how much I try, no matter how much I give, I will never be good enough for him.


Nagpagulong-gulong ako sa kama habang sumisigaw. No one will hear me anyway.


Bumangon na lamang ako nang umayos ang aking pakiramdam. Babalik na muna ako sa apartment.


"Sunday pa lang bukas, ha? Aalis ka na agad?" tanong ni Mommy nang nagpaalam ako.


Dad and Harley are away. Nasa bukid daw ang mga ito. Classmates kami ni Harley ngunit mas gusto niyang pag-aralan ang agriculture. Kaya mas lalong naging magaan ang loob ni Daddy sa kaniya.


"I need to go, Mom. May final practice pa po kami mamaya para sa parent's night." Niyakap ko siya nang tumango ito.

"Okay. Take care," saad nito at niyakap din niya ako pabalik.


Malapit na ang aming graduation kaya kabi-kabilaan ang practice namin. Isa para sa parent's night. Mayroon din para sa graduation ceremony.


Si Daddy ang aattend para kay Harley sa parent's night dahil sa mismong graduation day pa uuwi ang magulang niya.


"Ayan na pala si Harley! Hindi ba't nagpaalam ka rin kanina dahil may practice ka? Magsabay na kaya kayo ni Zimry?" Mariin akong napapikit sa suhestiyon ni Mommy. And she's smiling like an idiot. Hmmm?

"Kung kaya niya po akong hintayin. Maliligo pa po ako." Sagot naman ng isa. As if, hindi siya nanggagalaiti sa akin kanina.

"Hindi na po. Dadaan pa ako sa apartment, Mommy." I firmly said before walking away. Wala na rin naman silang nagawa nang tinalikuran ko sila.


No way! Hindi pa ako handang humarap sa lalaking 'yon... baka maiyak lang ako sa sama ng loob.


---


"Zimry, baby!" I almost rolled my eyes when Johan greeted me. Halos patalon pa itong yumakap sa akin.

MARUPOK GIRLS 2: Zimry CalluengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon