CHAPTER 09

112 5 3
                                    

Uminit ang ulo ni Sabrina nang makita ang natapon na palabok sauce sa sahig ng kusina ng Steamin' House. Ibinagsak niya ang dalang clipboard at calculator. Nahulog pa ang calculator mula sa pinagbagsakan niya. Pinulot niya iyon at sinubukang i-on ngunit hindi na ito gumana kahit ilang beses pa niyang pinagpipindot iyon ng mariin.

“Argh! Peste! Wala ng magandang nangyari ngayong araw na ‘to! Bwisit talaga! Lahat na lang!” Tuloy-tuloy lang ang paghihimagsik niya. Dumating si Hershey at nasa mukha nito ang pagtataka. Nakita niya ang pagsenyas nito sa kanilang mga kitchen crew upang linisin ang sahig bago siya hinawakan sa braso at hinila palabas. Iniupo siya nito sa bakanteng mesa, malayo sa iilang customers na nandoon.

“Ano bang problema, Sab? Ilang araw ng mainit ang ulo mo,” anito bago umupo sa tapat niya.

“Wala,” mariin niyang sagot.

Tama naman si Hershey, nitong mga nakaraang araw ay mabilis maubos ang pasensiya niya kahit sa mga maliliit lang na bagay. Isa lang ang dahilan— si Drew. Ilang araw na itong hindi nagpaparamdam o nagpapakita man lang sa kanya. Ang damuho!

“Si Drew ba?” Naningkit ang bilog niyang mga mata sa sinabing iyon ni Hershey.

“Huwag na huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng lalaking iyon. Masama sa negosyo.” 

“I knew it.” Hershey sighed. “Bakit hindi mo siya kausapin?” Uminit na naman ang ulo niya.

“At bakit ko naman gagawin iyon?” Pigil na pigil niya ang pagtaas ng kanyang boses. Hindi siya ang unang makikipagusap sa lalaking iyon. Magmumukha siyang cheap kung siya ang hahabol dito. No way!

“Para matahimik ka na at ang mga crew natin dito? Kung hindi mo kasi napapansin, ingat na ingat silang gumalaw ngayong mga nakalipas na araw. Natatakot silang magalit ka at baka tumaas na naman ang boses mo.” Pinagsusuntok naman siya ng konsensya niya dahil sa narinig.

“I’m sorry,” aniya sa mababang tinig.

“Puntahan mo na si Drew para makapag-usap na kayo,” payo ni Hershey sa kanya.

“Nasa trabaho pa ‘yon. Mamaya na lang,” tanggi niya. “Atsaka anong sasabihin ko?”

“Ano ba ang nagpapagulo sa isip mo?”

Hindi niya masabi kay Hershey ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Drew. Hangga’t maari ay ayaw sana niyang may makaalam. Paano kung tanungin siya ng kung anu-ano? Ano ang ibibigay niyang paliwanag sa mga ito samantalang ni hindi nga niya mabigyan ng matinong paliwanag ang sarili niya? Ni hindi nga niya alam kung mayroon ba talagang pag-asa na tumino ang kung anong mayroon sila ni Drew.

“Be honest with me, Sabrina. Paano kita matutulungan kung wala kang sasabihin? Paano ko malalaman ang problema mo kung tutunganga ka lang sa harapan ko?”

Napabuntong-hininga siya at nanatiling nakatingin sa namayapa niyang calculator. “Best friend kami ni Drew at hindi kami talo,” aniya. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata ni Hershey dahil sa tagal ng panahon na magkaibigan sila ng dalaga ay hindi pa nila kailanman napag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yon.

“Sinong nagsabi niyan?”

“It’s an unwritten, unspoken rule.”

“Naniniwala ka ba sa rule ninyo na ‘yan?”

“Oo,” mabilis niyang sagot. “Noon,” dugtong niya.

“Anong nangyari?”

Noon lang siya tumingin kay Hershey. “Nagbago na ang paniniwala ko dahil hinalikan niya ako.”

Nagulat man si Hershey sa isiniwalat niya ay nanatili naman itong kalmado. Iyon si Hershey, hinding-hindi ito makikitaan ng panic. Madalas ay napakalumanay nito at naramdaman niyang tama ang desisyon niyang sabihin dito ang lahat.

Her Own Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon