Hindi na sila magkaibigan ni Drew. Iyon lang ang sinabi ni Sabrina sa mga kaibigan niya nang magtanong ang mga ito sa kanya. Nabigla man ay wala na na siyang narining pa mula sa mga ito. Bumalik naman sa normal ang buhay niya, trabaho-bahay-kaibigan, minus Drew of course. Hindi niya alam kung matatawag niyang normal iyon sapagkat malaking kawalan sa buhay niya si Drew.
Ilang beses sinubukan ng binata na kausapin siya matapos nang huling pag-uusap nila. Humingi pa ito ng saklolo sa mga kaibigan nito ngunit wala namang nagawa pa ang mga iyon nang sabihin niyang tigilan na siya sapagkat walang mapapala ang mga ito sa kanya.
“Sab, busy ka ba?” tanong ni Brittany sa kanya.
Kumpleto ang mga kaibigan niya nang gabi na iyon. Nasa likod siya ng counter nang lapitan siya ng mga ito. “May magyayaya sana sayo na mag-date, kung pwede ka raw,” dagdag ni Brittany sa naunang sinabi nito.
Napabuntong-hininga na lang siya. Kilala na niya ang mga ito at alam niyang may pinaplano ang mga kaibigan niya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan na siya ni Dionne.
“Huwag kang mag-alala. Hindi naman si Drew.” Parang sinaksak ang puso niya nang marinig ang sinabi nito. Hindi pa man siya makapag-isip ng tamang sasabihin ay napansin niyang papalapit si Francis at may dalang isang tangkay ng puting rosas. Nakangiti itong lumapit sa kanya at kasunod pa ang mga kaibigan nito. Hindi napigilan ng kanyang mga mata na hanapin si Drew kahit pa alam niya na malabo iyon. At dahil doon ay nalungkot na naman siya.
“Hi, Sabrina. Pwede ka bang mayayang mag-date?” Nalaglag ang kanyang panga sa narinig na tinuran na iyon ni Francis nang tuluyan na itong makalapit sa kanya.
“W-what…?” Hindi niya alam ang sasabihin niya rito. Ngumiti lang ang binata sa kanya at inilapit ang hawak nitong bulaklak. Ni hindi niya magawa na tanggapin iyon sa labis na pagkalito.
“Ipinagpaalam na pala kita kay Drew,” nakangiti pa ring saad nito.
Ang susunod na eksenang nakita niya ay ang muntikan na pagbalandra sa sahig ni Francis matapos itong suntukin ni Drew. Hindi niya namalayan ang pagdating nito at paglapit sa kinatatayuan nilang dalawa ni Francis. Napasinghap ang lahat ng taong nandoon at mabilis naman niyang nilapitan si Francis. Dumudugo ang gilid ng labi nito. Inis na binalingan niya si Drew na masama pa rin ang tingin kay sa kaibigan nito.
“What the hell is wrong with you?!” singhal niya kay Drew.
“Tarantado ka, Francis! Ikakasal ka na! Bakit nilalapitan mo pa rin si Sabrina?!”
Ngayon lang niya nakitang galit si Drew. Nagulat man siya sa sinabi nito ay hindi niya iyon binigyan ng pansin. Hinawakan na lang niya braso si Francis at aalalayan sanang maupo sa bakanteng upuan nang biglang hinablot ni Drew ang braso niya.
Drew kissed her passionately, not giving a damn about the people who can see them. Pilit niyang itinutulak ito palayo hanggang sa wala na siyang lakas at naramdaman ng binata ang pagsuko niya. Huminto na si Drew sa paghalik sa kanya at niyakap siya ng buong higpit.
“My god, Sabrina. I missed you so much.” Patuloy ang paghagod nito sa kanyang likuran. “Baby, please… Please talk to me,” nagsusumamong wika nito. Inipon niya ang kanyang natitirang lakas upang maitulak ito. Isang sampal sa pisngi nito ang sinalubong niya rito matapos itong maitulak.
“Hindi ko alam kung ano ang drama mo pero pwede bang tigilan mo na ako?”
“No, I can’t. Hindi pwede. Ayoko. Hindi ko kaya,” sunud-sunod na sagot nito. “Alam kong nasaktan ka nang makita mong kausap ko ang mama mo pero maniwala ka sa akin, sinabihan ko lang siya na huwag ng magpakita sayo o subukan man lang na kausapin ka. That was the first time I saw her at kinumusta ka lang niya. Hindi ako nakikipagkita sa kanya behind your back tulad ng inaakala mo. Maniwala ka naman sa akin, please,” mahabang paliwanag nito at alam niya sa sarili niya na naniniwala siya rito. Kilala niya si Drew, kilalang-kilala. Naunahan lang siya ng galit noon at idagdag pang nalilito siya sa ginawang hindi nito pagpaparamdam pagkatapos siya nitong halikan.
BINABASA MO ANG
Her Own Happy Ending
RomanceMatagal nang best friend ni Sabrina si Drew. Madalas man silang asarin ay hindi nila iyon pinapatulan, lalong lalo na siya. Isa pa, babaero kasi ang best friend niya. Kaya lang isang araw, nawindang ang mundo niya nang basta na lamang siya hinalikan...