Lagi mong tatandaan, habang hindi ikaw yung nagtatrabaho para magkaroon ka ng sariling pera, kapag hindi ikaw yung nagpapaaral sa sarili mo, wala kang karapatang tamarin o mawalan ng ganang mag-aral dahil hindi ka lang crush ng crush mo, dahil nagbreak lang kayo ng karelasyon mo, dahil mas okay pa yung panonood ng sine at pagtambay sa mall.
Isipin mo yung mga nagpapaaral sa’yo. Yung mga nagtatrabaho, mabigyan ka lang ng sapat na pera para sa pang-araw-araw mong gastos. Halimbawa, sa isa’t kalahating oras mong panonood ng sine, yung 200 pesos na bayad mo, halos apat na oras na pinagtrabahuhan ng mga magulang mo, o kapatid o ng kahit sinong nagtatrabaho mabigyan ka lang ng pera. Isipin mo na lang yun perang binibigay sa’yo, hindi yun galing sa nakaw, pinaghirapan yun, kaya sana sa magandang bagay mapunta.
Hindi naman nila hinihiling na bayaran mo yun eh. Ang nais lang naman nila ay makapagtapos ka ng pag-aaral. Na yung paghihirap nila ay may patunguhan. At saka, para rin naman sa’yo yun eh. Kaya sana sulitin mo.
Kaya sa mga magulang, kapatid, kamag-anak at ibang taong nagpapaaral sa inyo, saludo po ako sa inyo. Maraming salamat sa pagsasakripisyo, sa pagtulong at pagmamahal. :)
- Marcelo Santos iii