PROLOGUE

829 22 6
                                    

 PROLOGUE

Lahat ng bagay ay may kapalit. Dahil sa mundong ito wala ng libre. Simpleng paggawa ng mabuti, may katumbas na masama. Sa isang taong isisilang, sampu ang nawawala. 

Sa bawat pagbagsak ng buhangin, segundo ang nawawala sa oras niya. Lihim na nadarama, kinikimkim ng pusong nagdurusa. May pag-asa pa kayang ipaalam niya ang bugso ng damdamin? O makikipagsapalaran muna siya sa kapalaran upang makamit ang tunay na kaligayahan?

Kanina pa ko iyak ng iyak. Bakit kailangan pang mangyari to? Ang mawala ang taong mahal mo? At bakit sa dinadaming araw, sa anniversary pa namin? Ganito ba tadhana, ang gusto mong iparanas sakin? Hindi naman ako masamang tao. Wala naman akong nagagawang mabigat na kasalanan. Nagmahal lang ako pero ganito ang ginawa mo. 

“Tristan, wag mo kong iiwan. Diba nangako ka? Magsasama tayo hanggang sa huli. Maganda yung pangarap natin para sa isa’t-isa diba? Wag mo kong iiwan please.” Bulong ko sa kanyang tenga habang umiiyak. Hindi ko kayang mawala siya. Siya ang nagpapaligaya sakin. Siya ang nagkumpleto sakin. Sa makatuwid, siya ang buhay ko.

“Miss, hanggang dito ka na lang po.” Hinarangan ako ng mga nurse para hindi makapasok sa operating room. Sana maligtas nila si Tristan. Gagawin ko ang lahat para lang talaga mabuhay siya.

Lumabas ako ng ospital para magpahangin. Masyado ng masakit ang puso ko. Umupo ako sa bench malapit dito sa ospital. Tumingin sa langit at humiling. “Sana maibabalik ko ang nakaraan para hindi nangyari kay Tristan ang lahat ng ito.” Napaiyak uli ako dahil sa guilt na nararamdaman ko. Ilang sandali ang nakalipas. 

“Miss, ayos ka lang ba?” may lumapit saking isang matandang babae. Maamo ang mukha niya at halatang mabait. Pinunasan ko ang luha ko at tumingin kay lola.

 “Alam ko na ang problema mo hija, isa sa mga mahal mo ang andyan ngayon at hindi ka sigurado kung mabubuhay pa siya.” Tinuro niya ang ospital. Hindi ko alam kung magugulat ako kung paano niya nalaman o halata lang ba talaga sakin. May inabot siyang isang bagay na nakabalot sa isang magandang tela.

“Ano po ito, lola?” tinanggap ko ang bagay na iyon at pinagmasdan..

“Makakatulong yan sayo at sa problema mo. Iyan ang kasagutan sa iyong munting hiling.” Tiningnan ko ang bagay na hawak ko. 

“Pero?” pagtingin ko ay bigla na lang nawala si lola. Weird? Oo at nakakatakot. Pero hindi ko pa din alam kung anong connect ng bagay na ito sa problema ko. Ang nais ko lang naman ay mabuhay uli si Tristan. Binuksan ko ang tela para makita kung ano ba itong bagay na ito. Isang glass na shape na infinity kapag binaliktad at may buhangin sa loob. Isang HourGlass.

Author's Note:

Ito ang isa sa pinakapaborito kong story na nagawa ko (kahit dalawa pa lang talaga ang nagagawa ko :P) Dito muna siguro ako magiging active. Hold ko muna yung TMO. Pinagpuyatan ko ang bawat chapter nito. Sana ay subaybayan niyo yung story na ito. At kung nais niyo pong ipagpatuloy ko ang kwentong ito. I need votes po. Alam kong hindi naman ako sikat na author ahahaha XD pero kahit konting votes lang ng story or even comment. Uupdate ko siya kagad. Promise :* 

Love,

WhenItRain & GirlatTheCorner

Hourglass (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon