Sembreak na pala ngayon, di ko manlang namalayan."Pink. Bukas na lalabas ang resulta." Niyakap ko lang si Daddy bilang sagot.
"I love you Dad. Thank You for everything and for always be there for me." naramdaman kung tumulo ang luha ko.
"I'm your Father. I will do everything just for you. I love you more daughter."
Kusa nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pang gusto pakawalan pero di ako umiyak sa harapan ni Daddy dahil gusto kong makita niya na matatag at malakas ako.
" She's Dying. "
" She's Dying. "
"Her heart is completely damaged."
"Her heart is completely damaged."
Parang sirang plaka na pabalik-balik sa isipan ko. Noon ko pa 'to alam, pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit ang sakit sa damdamin?
"Doc, please gawin mo lahat. Pahabain mo pa yung buhay ng anak ko. "
Hindi. Hindi. Bakit hindi ko pa rin matanggap? Nadala ako ng mga paa ko sa chapel ng hospital. Nakaluhod akong naglalakad papunta sa altar. Nagdasal ako sa isip.
"Lord. Bakit ang sakit? Alam ko pong matagal na po akong mayroong sakit. Sakit sa puso. Lumala ito ngayon pero bakit ngayon? Hindi ko matanggap?" tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.
"Dahil ba may isang tao sa puso ko na ayokong iwan?" humagulgol na ako sa pag iyak.
"Sabi nila, mas mabuti kung iiyak mo lahat ng hinanakit mo. Lord, iiyak po ako ha." para akong baliw. Umiiyak na naka ngiti.
"Lord. Mahal na Mahal ko po siya. Patawad sa pag sisinungaling sa taong iyon. Nagtago ako sakanya ng isang sikreto, na may sakit ako na may taning na ang buhay ko. Nag sinungaling ako sa kanya na hindi ko siya mahal. Na minahal ko lamang siya bilang isang kaibigan. Hindi. Hindi. Lord. I love him. You know how much I love him. You know how much I want to be with him forever. Lord. Why? I'd seen my future with him pero imposible yun diba? Loko ata ang may sabi na walang impossible sa mundo."
"Lord. Tanggap ko po noon na iiwan ko ang Daddy ko. Tanggap ko pong mawawala ako pero bakit nagpakita siya ulit sakin? Dumating siya, binigyan niya nang pag asa ang buhay ko pero ngayon ang tanga ko kasi iniwan ko siya, I let him go at ngayon nasasaktan ako. He's miserable right now because of me. I hurt him. I badly hurt him. Ang sama ko. Ang tanga lang Lord diba? Ang sama ko na nga, tanga tanga pa. " masakit na ang mata ko dahil siguro sa kakaiyak .
"Lord. Gusto ko po sanang bigyan niyo nang lakas si Daddy. Alam ko pong nasasaktan siya ngayon malungkot at natatakot sa posibleng mangyari. Gabayan niyo po siya at Mahal na Mahal ko siya.
Si Blue po, kung nasaan man siya ngayon sana po mahanap na niya ang babaeng para sa kanya, na di siya iiwan at sasaktan. Yung mamahalin siya ng lubos at yung aalagan siya ng mabuti. Ibigay niyo na po sakanya yung babaeng makakapagpasaya sa kanya habang buhay." pinunasan ko ang mga luha ko."At lastly po. Salamat po sa taong nagbigay nang kanyang puso, alam ko pong sa pagkawala nang puso niya ay ang pagkawala ng buhay niya. Salamat po sa oppurtunity na ito na mabubuhay pa ako kung sakali man. Kung ano mang mangyayari bukas . Ma successful man o hindi ang operasyon.. I'm greatful to witness and saw your world. Masaya akong nakita ang iyong mundo. Masaya akong nakasama ang mga taong mahal ko sa malungkot man o masayang pangyayari. Masaya po ako kahit hindi halata." tumawa ako ng konti pero ramdam ko paring panay agos ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Mako kasi Mahal Ko
Non-FictionMasaya ako dahil akin ka. Masaya ako kasi pinangiti mo 'ko muli. Masayang masaya ako kaya natatakot ako sa posibleng mangyari sa hinaharap. Please hold me tight Mako. Don't surrender! Wag mo kong pakinggan kung sasabihin ko mang di kita gusto. Pleas...