Chapter 1

0 0 0
                                    

2007 ng gumraduate sa isang kilalang state university sa Bulacan ang magkaibigang sina Jerome at Lorenzo at ahead naman ng isang taon si Jerwin at naging professor ni lorenzo si Jerald na kalaunan ay naging kaibigan rin niya. Ngunit naunang magkaibigan sina Jerwin at Lorenzo noong kolehiyo sapagkat magkaklase sila sa ibang subjects. At si Lorenzo ay nakabarkada ng magkakapatid.

Dahil sa pagiging jolly ni Lorenzo ay nkapalagayang loob niya ang magkakapatid.. inom dito at inom doon ang ginagawa.. masaya.. puro biruan at tawanan. Walang dull moment ika nga. Walang uuwi ng hindi wasak kapag sila ay uminom. Ibig sabhin ay lasing.

Isang araw ay nagtreat ang ate nila Jerome at Jerwin na nakabase sa Baguio, pinagstay sila sa bahay nya ng ilang linggo..

"Oy pare, sigurado ka bang ayos lang na isama ako sa Baguio? " sabi ni Lorenzo
"Oo naman pre, kilala ka naman ni ate." sabi ni Jerwin.

Nag-aalinlangan kasi si Lorenzo kung talaga bang puwede siyang sumama sapagkat, alam niyang may gastos rin iyon at isa pa ay nakakahiya kay ate Jeraldine nila.

"Sige magpapaalam na ako mamaya kina tatay at nanay. Sasabihin ko kayo ang kasama ko ah.. ." sabi ni Lorenzo.

"Sige pre, sayang rin. Masarap pa naman sa Baguio noon, October na kasi yon." sabi naman ni Jerwin.

At pag-uwi nga ng bahay ay nagpaalam si Lorenzo sa kanyang mga magulang at agad naman siyang pinayagan. Halos parang anak na rin nila kasi ang magkakapatid dahil lagi rin sa kanila at laging magkakasama. Kung kaya't kilala na ng mga magulang ni Lorenzo ang magkakapatid.

Anong nangyari sa ating pagkakaibigan? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon