Prologue:
Paano ba sisimulan ang story na hanggang ngayon ay wala pang kalinawan kung tapos na? Tapos na nga ba o ako nalang ang umaasa? Pero kanino nga ba dapat magtapos? Sa kanya? Sa kanila? Sa amin? Sa inyo? Isang prinsesang walang prinsipe. Wala nga ba o nawawala?
Chapter 1- The start:
I. Ako nga pala si Leila Mitchelle Jane Chua. Junior student sa isang pilot school. Elementary palang ako, madami na akong alam tungkol sa LOVE. Well, pano ba naman, halos lahat ata ng kaibigan ko e meron ng boyfriend. Ang masaklap? Ako nalang ang wala. Hindi na nga nagsisink-in sa akin yung madalas nilang tanong na hindi ko alam kung insulto o concern,
" Hindi ka ba naiinggit sa amin? Magboyfriend ka na kasi!"
Sabi ni Angelica, sabay tatawa sila lahat.
I don't know what to say! Hindi naman ako obligado sumagot diba but their questions are very Oozing.
And besides, kahit minsan halos mamatay na ako sa sobrang inggit pag kasama nila yung mga"kalove life" nila at minsan all I want is kainin nalang ako ng lupa, I have to concentrate on my studies. Pinangako ko kasi sa parents ko na pag 3rd year college na ako magboboyfriend.
Aba! Pero mas madalas yan barahin ng mga linyang:
"Pwede ka naman mag-aral habang may boyfriend ka! Inspiration pa nga yun e"
Madalas ko kaya yun marinig sa mga gusto manligaw sa akin na hindi pa man lang nakakapagsimula ng panliligaw e basted na kagad.
Oo. Alam ko! Ako ng bitter! :D Kaya nga siguro kahit yung mga classmate kong lalaki noong elementary ay takot sa akin. Galit ako sa lalaki. NOON. Ayoko kasi ng niloloko ako ng mga lalaki, kahit maliit man o mabigat na biro. (sama ng ugali ko! ><)
I am getting used to it, day by day, month by month. Nakasanayan ko na mangbugbog ng lalaki pag ako napipikon. But hindi ako Lesbian. Boyish lang talaga. Mula buhok hanggang sapatos.
---------> Flashback<-----------
II. First day of classes ng Grade-5 SPED (Batch 2008-2009, magbalik tayo sa mga panahon XD) syempre together with other sections yun. May nakaugalian na ako tuwing first day, ang maghanap ng transfer student sa school namin or kung magkataon ay sa section namin. And speaking of transferee? Nakajackpot ako ng may 2 transfer students sa section namin. INC pa nga yung isa. But the other one? Came from a far place, sobrang gwapo. Define gwapo! Sya na!
Siya si Bryan Philip. ( O pangalan palang, bentang benta na! :D ) At dahil nga gwapo siya, maraming nagkakagusto sa kanya, lalo na sa lower section.
Ano pa nga bang hahanapin mo sa isang mukhang am-boy, matalino at talented na tao? Diba! Medyo mayabang nga lang siya pero mapagtyatyagaan na rin. Sa tagal namin sa grade 5, syempre naging kaclose namin sya. Ayun! Nagkacrush ako, kami sa kanya.
Lagi kaya magkalapit upuan namin non! Dumating pa yun sa point ng kantyawan.
" Edi ikaw na ang laging katabi ng heartthrob!"
Mga linya nga naman ng mga inggiterang may gusto sakanya! Kasalanan ko ba yun?
Ayuun. Days go by, 4 days after ng pasukan, habang nakaupo ako sa mataas na patong ng upuan sa Gabaldon namin, (Lunch break kasi) maynakita ako ulit na kakaiba. Sabi ko:
" Ang cute naman nun! Bago?! "
" Anong sabi mo? Sinong kausap mo? "
Tanong ni Mommy Dianne. Sya nga pala yung lagi kong kasama pag lunch break.
Nakakita na ako ng "prince". Another transferee. At ayon sa source ko, supposedly, dapat daw sa section namin sya, pero dahil late enrollee siya, hinanapan nila ng section na may vacant space ang prince ko. And it's not that bad kahit section 4 siya dahil isang room lang pagitan ng room namin.