Thursday, night
Jerome's Pov
Tinakpan ko ang mukha ko at napasandal sa sofa at napatingin sa katulong ni Jea.
"Saan po kasi siya pumunta?" tanong ko.
"Sir, bigla na lang po siya lumabas ng bahay." sagot naman ng katulong nila. Agad naman ako napatayo.
"Salamat po." Tumakbo naman ako papalabas ng bahay at napatingin sa paligid.
Saan ba kasi iyon pumunta?
Baka nagalit siya sa akin.
Baka narinig niya yung pinag-uusapan namin ni daddy.
Baka iniwan niya na ako.
Nagsimula naman ako lumakad papunta kahit saan ako dinadala ng mga paa ko.
Natatakot ako. Baka sa isang iglap, mawawala na siya. Sa isang iglap, hindi ko na siya makikita ulit, baka sa isang iglap, hindi niya na ako kilala.
Napailing ako sa naiisip ko. Masyado akong praning. Napahinga na lang ako ng malalim at pinatuloy ang paghahanap kay Jea.
*ilang oras ang nakalipas*
Napaupo na lang ako sa bench at ininom ang tubig na nabili ko kanina.
Dalawang oras. Dalawang oras pero hindi ko siya mahanap. Ilang beses ko na siyang tinext at tinawagan. Hindi man lang niya sinasagot.
Nababaliw ako.
Napatayo ako kaagad at nagitla sa nakita ko.
Hindi pwede. Hindi ito totoo.
Kinuha ko kaagad ang phone ko at dinial yung number niya. Ring ng ring ang telepono sa kabila at nakita ko rin na napatingin siya sa phone niya.
Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone ko.
"Hello."
Sa wakas, nakasagot din siya.
"Nasaan ka?" tanong ko habang tiningnan ang dalawang anino dito sa park.
"Nasa bahay ako." sagot niya. Napahigpit ang hawak ko phone ko. Napamura ako sa isipan ko at gusto kong itapon itong cellphone ko.
"Nasaan ka?" madiin na sabi ko habang nakatingin pa rin sa dalawanag anino. Gumalaw ng konti ang babae at parang may hinahanap.
"Sa kwarto ako Jerome." sabi niya. "Kung iyan lang itatanong mo, ibababa ko na ito." Agad niya naman binaba ang tawag kaya napakagat ako sa labi ko.
Lalapitan ko na sana siya. Na kasama niya yung Marlong iyon pero napatigil kaagad ako nang
Niyakap ni Marlo si Jea at niyakap din pabalik ni Jea si Marlo.
She lied.
Nagsinungaling siya.
She said that she's at home pero hindi, kasama niya yung Marlo na iyon.
-+-+-+-
A.N.
Hey! Thanks sa pagbabasa. ^_^