Chapter 23: Ten

53.9K 1.3K 104
                                    

Chapter 23: Ten

 

“Ang sakit na nga ulo ko.”

“Iinom-inom ka tapos hindi ka makabalik sa kwarto mo! Paano nalang kung nakita mo si Jeling sa sala?! Baka kung ano pa gawin mo sa apo ko.”  Kagigising ko lang at ang sermon ni lola kay D ang naririnig ko. Alam nilang nandito na ako sa kusina pero hindi nila ako pinansin.

Bakit ba kasi sa kusina pa napiling pagalitan ni lola si Damian? Nagtimpla nalang ako ng gatas at hinayaan sila.

“Wala naman po akong ginawa. Natulog lang.” Narinig kong sagot ni D kay lola. Dapat hindi na siya sumasagot. Pinapainit lang niya ang ulo ni lola.

“Sumasagot pa!”

“Sorry na. Nagkatuwaan kasi kami ng mga kaibigan ko kagabi.” May paglalambing sa boses nito kaya naman hindi ko mapigilang huwag tumingin sakanila. Nakayakap pa si D ngayon kay lola. Hay naku! Kaya gustong-gusto siya ni lola, e. Sipsip!

“Kumain ka na nga!” Tinulak ni lola papalayo sakanya si D at saka ito lumabas ng kusina. Ngiting tagumpay naman si Damian ngayon dahil sandali lang siya pinagalitan.

“Good morning.” Hindi ko pinansin ang bati niya saakin at uminom lang ako ng gatas. I wonder kung may nagpapainom ba ng gatas doon sa pusang nakita ko sa daan kagabi. Kawawa naman talaga siya. Dapat yata ay magdala ako ng pagkain ngayon para in case makita ko siya ay pakakainin ko nalang siya.

“Sorry sa inasal ko kagabi.” Kumuha ‘to ng plato at umupo sa harapan ko.

“Oh. So natatandaan mo pala.”

“Oo, lahat. Aah! Nakakahiya ako.” Nakasuot siya ng salamin ngayon at bagong shower lang siya.

“Bakit hindi mo nalang balikan si Pauline? Halata naman na gusto niyo pa ang isa’t-isa. Umiyak siya dahil sayo tapos ikaw naman ay naglasing ng dahil sakanya. Mga katulad niyong dalawa ang masarap pag-untugin.”

“Hindi ako naglasing dahil sakanya.” Kumuha siya ng egg at saka ng kanin. “Nagkayayaan lang talaga kami ng mga barkada ko. Isa pa, bakit naman ako maglalasing ng dahil sakanya? Wala na akong nararamdaman para sakanya. Matagal na kaming naghiwalay at hindi ko nga alam kung bakit siya bumalik ng pilipinas. Aalis din naman siya.”

“Ang sabi mo saakin, sobrang nasaktan ka. Gusto mo pa siya.” Pagpupumilit ko naman sa theory ko.

“Hindi na nga. Patimpla nga ako ng kape.” Ang kapal talaga ng mukha! Pero kapag nakasuot naman ako ng sexy halos hindi na niya ako kausapin!

“Duh! Magtimpla ka mag-isa mo.” Sagot ko pero ngumiti lang siya at tumayo para magtimpla.

“Pero seryoso, wala na talaga akong nararamdaman para sakanya. Hindi rin ubra ang LDR saamin kung nagkataon.”

“Edi sundan mo siya.” Tumayo rin ako at nagtoast ako ng bread.

“Ayoko. Wala rin akong mapapala. Ayaw kong umalis dito.”  

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon