Nong una'y kilala ka.
Mata mo'y puno ng diwa.
Mapupulang mga labi,
At mga matatamis na ngiti.Sa pagdaan ng panahon.
Kilos mo'y nagpapahiwatig ng kasamaan.
Ika'y nagbago na walang dahilan.
Isip at puso'y puno ng galit sa akin.Kaluluwa ng kabaita'y nagsisialis.
At napalitan ng isang malansang isda na puno ng kaliskis.
Mga kaibigang tinaniman mo ng galit,
Nais mo'y mataas pa sa langit.Ika'y nagtungo sa akin,
Humihingi ng tulong sa gawain.
Nais mong mabilis itong tapusin.
Para magawa ang masamang balak sa akin.Ako'y iniwan mo ng mag-isa.
Umiiyak na walang luha.
Pagod na makita ang matang pula.
Sinasaktan ang sariling mukhaUmupo sa kilid na mag-isa.
Pinamasdan ang sarili sa salamin na isa,
Nagsisisi na nakita at nakilala ka.
Bugkos na mahal ka pa sa sariling niluluha.