Tahimik ako buong byahe ng inihatid ako ni Yvo sa tinutuluyan ko, mag-isa lang ako ngayon dahil emergency ang pag-alis ng kasambahay na pinasama sa akin ni Lolo, bukas pa ang dating ng kapalit niya kaya nandito si Kuya Sirius.?
Huminga ako ng malalim at binagsak ang katawan sa sofa ng makita siya.
"Why are you here?" I asked.
Tumaas ang isang kilay niya at tumabi sa akin, hinalikan niya ang noo ko.
"Dati nagtatakbo ka na parang bata kapag ilang araw akong hindi nakikita, ngayon kahit halik lang ay wala.. May problema ba Selena?"
Ngumuso ako. "Alam mo naman kung ano, Nagkita na ba kayo ni Mommy?" pag-iiba ko ng usapan. Hindi pa ako handang sabihin na nakita ko na si Yvo, kahit na siya ang unang-una na gusto kong pagsabihan. Nawala ang excitement at napalitan ng katanungan ang lahat.
"She's so worried Princess, alam kong hindi ka pa handa na makipag-usap. But please, kahit sa text manlang."
Hindi na ako sumagot, lalo pa ng magtanong siya kung sino ang naghatid sa akin. I told him that I'm tired, kaya tumango nalang siya ng magpaalam akong papasok na sa kwarto at matutulog.
Maaga akong nagising at naghanda ng almusal para sa amin ni Kuya, nakailang silip pa ako sa labas ng binatana para tignan ang mga tauhan ni Lolo na nagbabatay sa akin. Natutulog ba sila? Naghanda ako ng kape, alas sais palang. Sigurado akong inaantok sila o walang tulog.
"Goodmorning Kuya." I greeted him.
"Ikaw ang naghanda ng agahan?" Nagtataka niyang tanong ng umupo sa harapan ko.
"Tsss. Sino ba sa tingin mo? Iyong ni-hired ni lolo na guards ko? Isa pa kuya, can you tell him na bawasan sila. Nakakailang na, minsan feeling ko may mangyayari sa akin kapag buntot sila ng bunto. Hindi ako komportable---"
"Kung ayaw mo sa kanila, bumalik ka sa mansyon at doon mag aral ng tungkol sa negosyo. May mga tauhan na kukunin si Lolo para personal na magturo sayo Princess."
Mabilis akong umiling. Lalo lang nila dinagdagan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko kapag naikulong ako doon.
"Susunduin kita pagkatapos ng trabaho mo, Mom and Dad are expexcting to see you. Hindi pwedeng hindi mo sila harapin Princess. Walang ibang tamang oras at panahon."
Tama si Kuya, hanggang kailan ako magiging handa na humarap sa kanila, may karapatan ako. Kaya buong oras ng trabaho ko ay naagaw ng atensyon ang mga nabubuong tanong sa isipan para mamaya, panandaliang nawala sa isipan ko si Yvo kahit pa na pumasok siya sa opisina namin kanina para itanong ang update sa trabaho.
Si Grenny parin ang kasama ko ng tangahalian at pabalik sa office.
"Ang swerte ano, sana ako nalang ang naging anak niya. Bakit kasi sa matandang hindi naman ganon ka mayaman ang pinatulan ni Momm..."
Tumigil ng pagsasalita si Lucy ng mahagip kami niya kami ni Grenny. Wala siyang pinagkaiba kay Kara, anak din siya sa labas.
Ano ngaba ang nararamdaman ng isang tao kung anak siya sa labas? Dapat ba siyang sisihin? Wala naman silang kasalanan. Pero sa sitwasyon ko bilang isang totoong anak, Hindi ko maitangi na pati si Kara ay nasisisi ko narin. Siya ang bunga ng pagkakamali ni Daddy at Mommy. Siya ang nagpapaalala sa akin na niloko ako ni Daddy.
"Bibisita ang mga De la Merced." Si Lucy kay Grenny.
"Sa Conference Room ba?"
Mabilis na tumango si Lucy at Katy, Hinayaan ko naman si Grenny na mag-ayos saglit habang ako ay tulala. Hindi ako pwedeng magdahilan dahil baka lalo lang ako hanapin. Marami na ang staff ng makarating kamj sa conference room. Mabuti nalang at nasa bandang likod na ang upuan ng department namin, medyo malayo sa stage at hindi na gaanong kita dahil narin sa ibang grupo na nasa harap.