2- I'll do what you want me to do

14 5 0
                                    

(Present)

Nakatulala ako hanggang sa makarating sa room. Na-paranoid na ako at panay sulyap sa paligid. Parang bigla nalang papasok at sisigaw sa loob ng room yung Justin na iyon Pati mga kakalse ko napapatingin narin saakin at nagbubulungan. Ayoko talaga yung pinauusapan ako sa likuran ko.

"Kasalanan mo ito." Mangiyak ngiyak na bulong ko kay Jean.

"Kasalanan mo rin!"

Sumubsob ako sa upuan ko at pumikit ng mariin. Dapat talaga hindi ko nalang pinatulan yung siraulong text ng text saakin. Tsaka bad influence din itong si Jean. Nakakatakot na talaga ang mga tao sa paligid ko, tila Pa gusto na nila akong sunggaban at kalmutin. Gaano ba kapopular yung Justin na yun at pati sa pinterest meron siya? Haist!

"Who's Pau Maneja?"

Napamulat ako at nanlaki ang mata nang marinig ko ang pangalan ko at pangalan ko iyon sa fb! Nageexpect ako na lalaki ang maghahanap saakin pero bakit tunog ng maarteng babae. Nagangat ako ng ulo ng siniko ako ni Jean. Napatingin ako sa babaeng naka-halukipkip sa may pintuan.

Napasandal naman ako sa upuan ko ng ituro nila akong lahat.

"Kiara Paceno.." Bulong ni Jean kaya napalingon ako sa kanya.

How did she know all kids in this school? She even memorized their names. Chismosa ba ang kaibigan ko? Anyways! Lumapit saakin yung Kiara na nakahalukipkip parin at nakataas ang kilay, nakakatakot siya.

Ang ikli ng skirt niya at mataas ang heels ng sapatos into. Loose rin ang school necktie niya at mapupula ang labi at kuko. Studyante ba talaga siya? Geez.

"Who the hell are you? Ang kapal ng face mo na i-cover si Just? You're not even popular or something. Not even Just's ideal girl." Umirap ito saakin kaya napalunok ako. Kaya ko namang lumaban e pero not this way. Nag-eexpect talaga ako na may gagawa ng ganito. Gaano ba kagwapo Yang Justin na Yan? Tsk!

"Omg, Justin.."

"Make way!"

"Where's that Pau everyone's  talking about?" Nanlamig ako ng marinig ako ng mababang boses galing sa likod ng Kiara. Bumulong Pa si Jean na nagmura at umupo Pa sa upuan niya. Patay na!

Napatigil ako ng makita ang pagmumukha ng Justin na iyan nang humarap si Kiara sa kanya at gumilid para makita ako nung Justin.

He's a greek god for Pete's sake! Matangkad siya at dahil basketball Player, sabi nga ni Jean. Maputi siya at halatang mayaman ang kutis. Pointed nose, pink lips at mapupungay sa kulay caramel na mata. His hair is color dark ash Grey na sobrang nababagay sa kanya! Damn! Kaylan Pa ako nagkainterest ngayon? Hindi na iyon importante!

His jaw clenched at tila walang ekspresyon ang mata niya. Parang bored na bored siya habang palapit saakin, humikab Pa ito at tumitig saakin ng mariin. Oo, gwapo nga talaga siya. Kaya pala ganito siya kasikat sa school, pero bakit hindi ko siya kilala?

"Hey girlfriend." Sarkastikong sabi niya saakin kaya napaiwas ako ng tingin. Nakarinig rin ako ng mga singhap ay mga bulungan sa room. Luminga linga pa ako at bumuntong hininga. I hate attentions! Lahat sila nanonood saamin na para bang isang magandang movie.

Nakapamulsa siya at mas lalong lumapit saakin kaga napaatras ako ng kaunti, malapit narin akong na out of balance dahil sa upuan sa likuran ko.

"A-ah, hindi ko alam na i-ikaw yun-"

"Oh, cut those nonsense. Girls are too obsessed now days, I understand." Nakangising sabi niya. Halos umusok ang ilong ko at nakaramdam ako ng galit. Wow? Is this what they called ideal? He's the worse!

Nagulat kami lahat ng sipain niya ang upuan sa harap, pero hindi naman malakas. Nakakatakot siya! Wala man ekspresyon ang mukha niya pero ramdam ko ang galit. Napayuko ako at nakarinig ako ng natawang babae. Si Kiara.

"H-hindi ko naman talaga alam na ikaw yun e!"

"Magdadahilan kapa?" Sabat ni Kiara.

"Bakit ba sumasabat ka?" Sabat rin ni Jean pero pinigilan ko na siya.

Tumingin lang ako kay Justin at yumuko, sign na humihingi ng tawad. In the first place, it's my fault. Kung ako rin naman ang nakakita ng ganon ay magagalit rin ako.

"I'm sorry."

Magsasalita palang sana siya pero nag-ring na yung bell. Kaya wala na siyang ginawa kundi umalis kasunod nung kiara. Sino ba yung babaeng yun? Hindi niya naman ata girlfriend.

"Frenny, okey ka lang? Grabe naman sila makapagsalita!" Nagaalalang tanong ni Jean. Tumango nalang ako at nakinig nalang sa teacher naman na nagsimula ng magturo.

Ano kaya gagawin ko para hindi na magalit yung Justin na iyon? Can I just deactivate my account? Maybe that will do.

Natapos ang dawang subject at kahit is a walang pumasok sa isip ko. Lunch na at parang gusto ko ng umuwi. Parang mababaliw naako sa mga tingin nila hindi ako sanay!

"Dai, uuwi nako a. Masakit ata ang ulo ko ngayon. Hehe."

Magsasalita palang sana siya pero nagala ninja ako na palinha linga pang nakayuko habang hawak ang bag na lumabas sa classroom pero halos mapaupo akk ng mau humarang dito.

Darn!

"Going somewhere? Follow me. Tatakas kapa ah."

Parang may sariling utak ang mga paa ko dahil sumunod naman ito sa kanya. Mas lalo tuloy kaming pinagtitignan. Tinakpan ko nalang ng bag ang mukha ko.

"Hoy panggong, ang tagal!"

Mas minadali ko ang paglakad ko ng makarating kami sa may pool area. Malapit ko ng itapon sa ulo ng lalaking to yung sapatos ko. Nakakainis.

"Sorry na nga, okey. Kung gusto mo akong itapon sa pool, wag mo ng ituloy. Nagmamakaawa ako."

Ilang saglit na katahimikan ng bigla siyang nagpakawala ng malakas na tawa. Nakamura Pa siya kaya mas lalong nainis ako, is he making fun of me?

Yumuko siya at hinanap ang tingin ko. Ang tangkad kasi.

"Sa tingin mo may magagawa yang sorry at pagtapon sayo sa pool?"

Tumikhim ako at lumunok. Kinuha ko ang phone ko at tumipa hanggang sa mapunta sa deactivate. Pinanood lang niya akong nakapamulsa.

"Oh, masaya kana?" Pinakita ko ang account  kong naka deact.

"Kahit anong delete or deact mo sa account mo, tapos na! Nakita na ng lahat. Tsk, stupid! Bakit mo ba ginawa yun? Okey sana kung maganda at sexy kang babae, kung may boobs ka. Pero hindi e, ugh!"

Pumikit ako ng mariin. Kayanin mo Pauline, kalma ka lang ha.

"Ganito. I'll do what you want me to do. Kahit ano, basta dito lang sa school."

Feelings Are FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon