Prologue

5 1 0
                                    

Prologue

"Andito na ako sa may tapat ng faculty, punta nalang kayo dito. Bilisan nyo" sabi ko sa mga kaibigan ko sa kabilang linya.

Unang pasukan palang ngayon at myghad Grade 10 na ako mga bes. Una kong goal ay ang maghanap ng gwapo, char. Study first. Pero diba kaya naman pagsabayin ang harot at pag-aaral? HAHAHA charot. Ang harot ko nanaman

"Antagal naman" bulong ko.

"Huuyy!" Panggugulat nila sakin.

"Whoo! Hala grabe nagulat ako!" Pag-akto kong nagulat na may kasama pang paghawak sa dibdib.

"Ulol HAHAHA tara na maghahanap ng room" sabi ni Aliyah.

Umakyat na kami at naghahanap kami ng pangalan namin sa bawat pinto, nasa isang papel ang mga pangalan namin at nakadikit ang mga 'yon sa pintuan.

Meron akong nakita na room, pangalawa sa dulo kaya pinuntahan ko yon.

"Huy mga ugok naandine! Ano baga hinahanap niyo dyan? Andito mga pangalan natin. Yes! Magkakaklase tayo!" Masaya kong tugon.

"Hala kinakabahan ako sa Introduce Yourself" namumutlang sabi ni Jana.

"Gago HAHAHAHA" sabi ni Aliyah.

"Maghahanap ako ng gwapo" bulong ko kay Aliyah.

"Alam ko, e kahit saan naman tayo magpunta ayan linyahan mo e.." natatawa niyang sabi.

Merong pumasok na magandang babae, siguro adviser namin ito

"Good morning. I am your adviser. I'm Ms. Rody Flores.." paliwanag niya at ngumiti. So pretty like me.

"Goodmorning Mama Rody!!" magalang at sabay sabay naming pagbati kay maam. Hindi ko alam kung bakit namin siya tinatawag na mama pero ang cute lang..

"Class, Introduce Yourself muna. Name, Age, Nickname and Your dream" nakangiting sabi ni Maam

Hala eto na nga baga sinasabi ko. Sana nagname tag nalang kami. Hays buti nasa pinakalikod kami hindi agad kami matatawa--

"Magsimula tayo sa likod" sabi ni Maam.

0_O

Ok, I'm confident you know. Char makapagpractice na baka mautal pa ako, magboses kambing pa ako.

"I am Amie Raine Gonzales. Amie is my nickname. 15 years old. Your future accountant" pagpapakilala ni amie

"I am Faye Aliyah Navarro. Aliyah nalang. 15 years old. Future asawa ni Asher Mendoza" pagbanat netong abno kong kaibigan.

"YIEEEEEEE HAHAHAHAHAHA" sigawan ng mga kaklase ko at nakita ko si Asher na namumula ang mukha. Mg4 TaL4nD3...

"I am Cass Theya Briones. Theya is my nickname.15 years old your future F.A." pagpapakilala ni Theya.

"I am Ella Atienza. Just call me Ella. 15 years old. Your future Lawyer." pagpapakilala naman ni Ella.

"I am Jana Perez. Jana ho nickname ko at 15 na ako at future magbobote ahehe.." luh abnormal talaga 'tong kupal na 'to HAHAHAHA

"I am Aika De Leon. Aika nalang po. 15 years old. Your future teacher." Pagpapakilala ko.

Hindi ko na pinakinggan lahat pero may isang cute na lalaki ang natitigan ang mga cute kong eyes.

"I am Cobe Rivera. Cobe is my nickname. 15 years old. Your future lawyer."

Cobe? Ah K.

"Aba, kabilis ah. Nakakita na agad ng gwapo ang bugok." pang aasar ni Aliyah

"Di kaya." sabi ko

"Edi wow, tas mamaya crush mo na.." pangaasar niya

"Ganun na nga.. kaya 'wag kayo magulo nagfofocus ako" sabi ko

"HAHAHAHAHAHA gago" sabi nila sakin

"Walang iyakan kung sasaktan ka nan ha HAHAHA" sabi ni Theya at hinampas ako.

"As if namang iiyakan ko sya. Di sya kawalan, madami akong reserba." sabi ko.

"Nako talaga kapag ikaw umiyak dyan sinasabi ko sayo Aika De Leon sasabog tenga mo kakasermon namin sayo" sabi ni Aliyah.

"Ah K." sabi ko nalang.
••









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now