Chapter Seven - Sanggol

164 8 0
                                    

Chapter 7

Isang mabahong palaboy na nga si Ulysses sa kaharian ng mga engkanto. Nagawang tanggalin ni Haring Regadon ang parehas nilang alala ni Prinsesa Dana. Kapwa na nila hindi maalala ang kanilang pagmamahalan. Kung saan saan sa kaharian dumadako si Ulysses. Kung saan siya abutan ng ulan at init doon siya natutulog.

Nanglilimahid sa sobrang dugyot ang dating mapormang si Ulysses. Sa mundo ng mga tao nililingon pa siya at tinitilian ng mga kababaihan. Sa mundo ng mga engkanto ay isa siyang nakakadiring nilalang na may pinakamabahong amoy na nakakasuka. Walang may gustong lapitan niya dahil sa kakaibang mabahong amoy na meron siya.

"Layuan mo ako mabahong nilalang", bulyaw na sabi ni Prinsesa Dana kay Ulysses. Wag kang tumayo dyan sa aking daraanan dahil hindi ko masisikmura ang iyong amoy. Masasakit na panlalait ang parating lumalabas sa bibig ng prinsesa tuwing nakikita si Ulysses. Kung bakit ba kasi tuwing nakikita siya ni Ulysses meron bahagi sa puso ni Ulyyses ang waring nag uudyok na lapitan ang prinsesa. Kaya nagtangka itong lumapit nang nakita niyang dadaan ito. Mula noon naging mapag-isa si Ulysses. Hindi na ito nakikihalubilo sa ibang engkanto. Mas pinipili nito ang magtago sa lahat. Nasa ilalim ng puno si Ulysses ng may lumitaw sa kanya na engkantong may kapangyarihan.
"Ikaw ay aking lahing anak, ako ay natutuwa sa iyong taglay na kabutihan. "Dahil ikaw ay mabait aking anak bibigyan kita ng mahika sa iyong boses. Lahat na iyong sasabihin ay mangyayari", mahiwagang turan ng engkantada. Nabalutan ng ginintuang liwanag si Ulysses. Nawala sa isang iglap ang makapangyarihang engkantada. Nagtataka si Ulysses sa sinabi ng engkantada dahil mukha namang walang nabago sa kanya. Naalala niya na boses niya ang biniyayaan ng mahika.

Hindi muna lumabas at nagpapakita sa kapwa engkanto si Ulysses. Nanatili siya sa kaparangan ang lugar kung saan noon pinaka paboritong puntahan ni Prinsesa Dana. Para sa kanya doon na lang siya sa kaparangan na walang gaanong engkantong nakakakita sa kanya. Malayo siya sa mapanglait na tulad ni Prinsesa Dana.

Naging masungit si Prinsesa Dana. Lahat ng dating nakakakilala sa kanya ay nadismaya sa kagaspangan ng kanyang naging ugali. Hindi siya ang dating Prinsesa na masayahin , matulungin at maunawain.

Nalungkot din ang Hari sa naging ugali ni Prinsesa Dana. Hindi niya lubos akalain na maging magaspang ang ugali nito. Walang kahalintulad ang ugali ng prinsesa.

"Prinsesa Dana makibagay ka sa kapwa nating engkanto. Makihalubilo ka sa ating mga panauhin na nasa bulwagan", utos ni Haring Regadon. May salu- salong dahil sa kanyang pagbabalik ng kaharian. "Ayaw ko ama, ayaw ko ang nakikisalamuha sa mga pobreng engkanto. Baka mangati lang ang balat ko kung dumikit sila sa akin", magaspang na salitang wika ng prinsesa.

"Dama Ase halika, gusto kong mamasyal. Saan ba ako pwedeng pumunta? Iyong malayo sa mga pobreng engkanto." Masungit at masakit na salita ni Prinsesa Dana.
Naaalala ni Dama Ase noon ang nakakagawiang pasyalan ni Prinsesa Dana. Sa kaparangan, doon niya isasama ang prinsesa.

"Hindi ko akalain na nandito ka mabahong nilalang", bungad niyang lait kay Ulysses. Sa sobrang sama ng loob na naidulot ni Prinsesa Dana nagalit si Ulysses. Nakapagbitaw siya ng sumpang hindi niya pinlalong sabihin. "Mabuntis ka sana at ako ang magiging ama." Wala ng iba pang sinabi si Ulysses. Humalakhak ng sobrang lutong ang prinsesa. "Hahaha sa iyong panaginip lang iyan mangyayari mabahong nilalang", patuloy na lait ni Prinsesa Dana. Hinayaan na ni Ulysses ang sunod na mga tinuran ng prinsesa. Lumayo na lang siya para umiwas . Ayaw na niyang makarinig ng marami pang panlalait.

At nangyari nga ang sinabi ni Ulysses. Nabuntis si Prinsesa Dana. Wala siyang maiturong ama sa kanyang
ipinagbubuntis. "Sino ang ama ng batang iyan" paulit ulit na tanong ng hari. Nabigo ang hari sa kanyang bawat tanong dahil paulit ulit din ang sagot ng prinsesa. "Hindi ko alam mahal kong ama."

Galit na galit si Haring Regadon kaya ikinulong sa palasyo si Prinsesa Dana hindi na ito pwedeng pumunta kung saan saan . Hanggang sa lumaki at nanganak na nga ang prinsesa.

Naalala ng prinsesa ang mga tinuran ng mabahong nilalang na si Ulysses. Pero hindi, hindi niya matanggap kahit sa isip pa lang ay nasusuka na siya. "Imposibleng magkakatotoo ang kanyang sinabi. Isa lang siyang walang silbi at mabahong nilalang", nasabi ni Prinsesa Dana sa sarili.

Dumating ang kabuwanan ng prinsesa. Nanganak siya ng matiwasay. Nakaraos siya na hindi nahirapan. Tinitingnan ng mahal na Haring Regadon ang wangis ng sanggol. Sinusubukan niyang mahulaan kung sino ang maaring ama ng sanggol. Pero kahit anong pilit hindi niya nagawang hulaan. Hindi sakop ng kanyang kapangyarihan ang manghula.

Matagal ng nakarating kay Ulysses ang balita tungkol kay Prinsesa Dana. Ang pagdadalantao nito na walang ama. Nakapag iisip si Ulysses sa sinabi ng makapangyarihang engkanto. Siguro nga meron na siyang taglay na mahika.

Gusto subukan ni Ulysses ang kanyang kakayahan. "Ako ay maging kaaya ayang nilalang", umaasang niyang turan. Sa isang iglap nga nangyari ang kanyang sinabi. Nawala ang mabaho niyang amoy at naging kaayang nilalang si Ulysses na pwede ng magustuhan ni Prinsesa Dana. Mas nagugustuhan ni Ulysses ang anyong hindi kaaya aya. Sanay na siya, hindi rin kasi siya sigurado sa kapayarihan ng mahikang ibinigay sa kanya. Ito ay kanya pang aralin.

Samantalang sa palasyo lalong
naging masungit ang prinsesa. Ayaw nitong mahalin kahit ang sanggol na kanyang iniluwal. Nangangamba na ang mahal na Haring si Regadon sa sukdulang kagaspangan na meron sa asal ng anak. Ibinuhos ng mahal na hari ang pagmamahal sa sanggol. Pag-aaruga na ayaw ibigay ni Prinsesa Dana. Pagkalipas ng taon lumaki din ang sanggol. Tatlong taon na ang lumipas, matulin ng tumakbo si Prinsepe Heron. Lumaki siyang mabuti prinsepe sa turo ng mahal na hari. Walang pakialam sa anak si Prinsesa Dana. Kaya malayo ang loob ni Prinsepe Heron sa kanyang ina.
Nagsimula ng magtanong tungkol sa kanyang ama ang prinsepe. Katotohanang labis na ikinalulungkot ni Haring Regadon. Ibig niyang magkaroon ng ama ang tatlong taon niyang apo. Pinag-iisipang mabuti ng hari kung paano magkaroon ng ama ang kanyang apo. Ibig niyang maging masaya ang panahon ng kabataan ng apo.

Princess Dana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon