Sa Likod ng Uniporme: Kuwarenta'y – Singko
Ni: Ma. Mirasol M. Macapinlac
MAADALING araw na nang makauwi ang batang si Juan sa kanilang barung-barong na tahanan mula sa pagiging takatak sa kalye Intramuros sa siyudad ng Pelgamo. Bata pa lamang siya ng maulila na siya sa ina at ang sabi ng kanyang ama ay namatay ang kanyang ina dahil sa sakit na kanser. Isang ala-ala ang iniwan sa kanya ng ina sa isang kuwintas na kanyang pinakatagu-tago. Panaka-nakang paglalakad ang kanyang ginawa sa pangambang magising kanyang ama na nuo'y natutulog sa papag.
Pumasok siya sa tinuturing na kwarto, isang bahagi ng kanilang tahanan na siya lamang ang nakakapasok, at mabilis na hinubad ang kanyang mga saplot sa pagpapalit ng damit na pantulog.
Bago pa makahiga ang nuo'y labinwalong taong binata, isang putok ng kwarenta'y singkong baril ang kanyang narinig mula sa labas.
Kakaba kabang tumayo ang binata at dahan-dahang sumilip sa maliit na siwang na mayroon ang kanyang kwarto na kanyang ginawa...
Hindi niya mawari kung ano ang kanyang mararamdaman sa nangyari...
Ang kanyang amang nakahimlay kanyang mga bisig at kanyang kalahating katawan ay nakahimlay sa matigas at gawa sa pawid ng kawayan na papag ay naliligo sa kanyang sariling dugo.
"BALDO!" tawag ni Juan sa kaibigang kapwa takatak. Takatak Boys ang karaniwang tawag sa kanila.
"Juan! Kamusta ang benta?"
"Wala pa e, dumami na kasi tayong takatak dito sa Intramuros kaya nagkakaunahan e. Ikaw ba?"
"Sandaang piso pa lang ang kinita ko mula kaninang umaga."
"Buti ka pa. Aalis na muna ako." Paalam niya sa kaibigan.
Tak! Tak! Tunog ng kahon na gawa sa plywood na naglalaman ng yosi, kendi at biskwit na inilalako sa mga pasahero at drayber dito sa Intramuros.
"Kendi kayo diyan! Yosi manong!" alok ni Juan.
"Bata, pabili akong dalawang stick ng yosi!" tawag sa kanya ng isang maskuladong lalaking may suot ng unipormeng iginagalang at kinatatakutan ng mga tao.
Napatawid ng tayo ang binata at kasabay noon ay ang paglaglagan ng kanyang mga hawak.
Gulat...
Takot...
Pagbabalik ng ala-ala...
Isang madilim na gabi na halos di niya ikatulog dahil namutawi na sa kanyang isipan...
Sa likod ng Uniporme
Kwarenta'y-singkong kalidad ng baril
Kulas...
Ang lalaking kanyang nasa harapan...
Dahan – dahang sumilip si Juan sa siwang ng kanyang kwarto.
"Berto! Wala kang silbi! Muntikan muna kaming ilaglag dahil sa kagagawan mo!" sigaw ng lalaking mukhang galit na galit at tinadyak sa tiyan ang kanyang ama.
"Kulas, patawad! Di ko alam na sinet-up nila ako! 'Di ko rin alam na agent pala ang nakausap ko sa bentahan. Patawad Kulas!" garalgal na tinig ng ama na namamalipit sa sakit at takot.
"Lintik naman Berto! Sinabihan kita na may raid na gaganapin at set –up transaction nung gabing iyon pero 'di ka nakinig!" sigaw ng mamang matipuno at muli sinapak ang kanyang ama.
YOU ARE READING
Short Story Compilation
Short StoryNaririto ang mga pinagsamasama kong maikling kwento.