Sa ngiti mong nagpapanginig ng mundoSa tingin mong nagpapatibok ng puso
Sa presensya mo na inaakit ako
Makita ka lang ay solb na ang araw ko.
Pagdaan mo ay laging inaabangan
Mapaloob man o labas ng paaralan
Masulyapan ka ay puno na ng saya
Sana naman ako ay iyong makilala.
Mga kaibigan ko'y alam ang lihim ko
Kaya bawat daan mo'y abot ay tukso
Natutuwa man sa bawat pang-aasar
Hiling pa rin na ito'y iyong malaman.
Isang araw ay 'di ko inaasahan
Aminin daw ang aking naramdaman
Nakatingin ka ng may tanong sa mukha
Dahan-dahan kong sinabi na CRUSH KITA.
Disclaimer: This was made back when I was in 2nd yr hs for our activity. I will not delete this since it brings back some good memories, and some of you also used this piece of shit for your school works. Please do so. I'm glad to be of help. Cheret.