Singing in Disguise: Stell

41 1 1
                                    

"Sis, tara na kasi. Samahan mo na ako sa bar ngayon." Pilit ng kaibigan kong si Sofia sabay hatak sa dalawa kong kamay.

"Pwede ba, Sofia. Tumigil ka dyan. Alam mong hindi ako nag ba-bar. Mas gugustuhin ko pang manood ng dance practice ng mga favorite kong k-pop groups kaysa sayangin ang oras ko sa ibang bagay." Tinalikuran ko na siya sabay balik ulit sa panonood ng dance practice video.

"Gaga ka ba? Hindi naman lahat ng bar eh yung iniisip mong may kachuk-chukan." Sambit nito kaya pinindot ko ulit ang pause button ng laptop ko.

"Kung hindi katulad ng naiisip ko, eh ano?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Agad naman itong ngumiti ng nakakaloko na para bang sinasabi na "Thank you, Lord hindi na siya bobo."

"Bar. As in may tumutugtog. May kumakanta. May banda. Yung ganon. Chill na bar lang at hindi yung iniisip mong may makikita kang condom sa sahig at sofa."

Sabi niya sabay lagay ng pulang lipstick sa labi. Napapikit na lang ako sa naging sagot niya.

"Sige ka, magtatampo ako sayo kapag hindi ka sumama. Tsaka malay mo, isa pala doon yung magiging jowa mo. Aba teh! Inaamag na yang perlas mo lahat-lahat wala ka pa ring boyfriend!"

"Bwiset ka!" Pinandilatan ko siya habang iniisip kung pwede nga kayang amagin 'to. Ay ewan.

***
"Let us all now give a round of applause for our next performer. He is our newest recruite here in the Sound Break Bar. Hope you enjoyed his performance."

Umalis na ang host sa harapan at namatay ang lahat ng ilaw. I was about to shout but then I realized the dim light in the stage.

Along with that dim light and a dancing spotlight is a tall guy wearing pants, oversized hoody, with a cap and a pair of converse shoes.

His cap is too low to the point that half of his face is only the evident.

"Ay bakit ganon sis nakatakip yung kalahati ng mukha niya? Baka wala siyang mata ah."

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagmasid sa lalaking nasa entablado. Pinanood ko kung paano niya ayusin ang mic.

"My name is Vester. I have a heavenly voice. Hope you like it."

Napairap ako sa kawalan habang naririnig ang mga palakpakan ng tao. Eh ang hangin naman pala ng isang 'to e. Heavenly voice my ass. Baka boses palaka 'to ah?

Nagsimula nang tumunog ang minus one. Uminom na lang ako ng cocktail ko dahil nayayabangan ako sa isang 'to. Heavenly voice? Tss.

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Shit! Muntik ko nang mabuga yung iniinom ko! Narinig ko ang mahinang pagtili ng crowd kasama ang pagsigaw ng Sofia.

"Sana all may heavenly voice!" Sigaw niya at kita ko naman ang pagngisi ni Vester kahit natatakpan ang kalahati ng mukha niya.

"Omg, Sabrina! Did you hear that? Ang ganda ng boses!"

Meron pang dalang mga rosas suot nama'y
Maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

Ngumiti na naman siya
dahilan kung bakit nagtitili ang mga sa tingin kong college students.

Napanguso ako. Fine! Maganda nga ang boses niya. Lalong gumanda ang cover song dahil mas mataas ang tono ng kanta niya kaysa original song.

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Singing in Disguise: StellWhere stories live. Discover now