CHAPTER 8 - Say sorry...

30 3 0
                                    

Febby's POV

Nakarating ako sa school ng 11am. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa rearview mirror. Mabuti naman at hindi masyadong mugto ang mata ko. Bwesit na lalaki yun eh! Naiiyak ako sa galit! Arghh! 

Lumabas na ako at pumanta sa Terminal. Block 5 Class C ang klase ko. Pagdating ko sa Terminal ay naka abang na ang shuttle bus. Lima palang kami sa bus. Doon ko napiling umupo sa pinakalikod malapit sa bintana. 30 minutes nalang at aalis na kami.
Ipinikit ko muna ang mata ko. Nakaka stress rin ang araw na 'to. Naramdaman kung may umupo sa tabi ko. Hindi ko nalang pinansin. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Wag nyo kung guluhin!

*poke *poke

Sabi ng huwag akung guluhin eh. Hindi ko parin siya pinansin.

*poke *poke

"What the--" nabitin ang sasabihin ko sa ere kung mapagsino dumidesturbo sa akin.

"Hi!" nakangiting bati niya sa akin. Wait? Nasa langit na ba ako? Ba'y may anghel? WAHAHAHAHA XD OA talaga ako pag siya eh. Pasensya na. *Peace tayoo . Febby, relax okey? Wag masyadong kiligin. Eh sa Nakakawala talaga siya ng bad vibes eh.

"Oh?" sabi ko. Naks. Pataray effect. HAHAHA XD

Nag iba naman agad ang aura niya. Bigla siyang nalungkot actually.

"Okey ka na ba?" concern na tanong niya sa akin. Yaaaaaaaaaah! ^___^ Kinikilig ako eh.

"Uhm, okey lang ako noh, ikaw naman." sabi ko.

"Hayaan mo na si Zach, baka ni re-regla lang yun." sabi ni Rid. Agad naman akung napatingin sa kanya. Na bu-buang na naman 'tong si Rid eh.

Nagtaka naman ako bigla kung nasan ang Bastos na 'yon. Teka? Bakit ko ba hinahanap ang lalaking 'yun. Erase erase!

"Paano na nga pala ang kotse mo?" tanong niya.

Argggh! Ayan na naman ang topic na yan eh. Na e-stress na naman ako,

"Mamaya ko na puproblemahin 'yan" sabi ko tapos itinuon ko ang atensyon ko sa labas.

"Ako na ang mag-aayos ng car mo, libre na" sabi niya. Awtomatikong napalingun ako sa kanya. Pero na isip ko. Baka isipin ng bastos na 'yun na pinagsasamantalahin ko si Rid. At baka naman isipin ni Rid na inaabuso ko siya.

"Uhm, wag na. Ganito nalang sa iyo ko parin ipapayos ang kotse pero ako ang magbabayad" sabi ko para naman hindi siya ma offend.

"Ikaw bahala, basta hindi ako maniningil." sabi niya

Di ko napansin na marami na pala kami sa bus.

"Aalis na tayo huh?" tanong ni Manong driver. Wala namang sumagot. Busy naman kasi sa iPod nila.

"Cge napo kuya-"

"Sandali!" sabi ng kung sino tapos nagkatinginan kami. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad kung binawi ang tingin ko at timingin sa labas. Shit. What's happening to me? Bakit parang na excite ako nung makita ko siya? Ay hindi! Wala 'to siguro nga stress na ako kaya ayun.
Agad siyang na upo sa harap ko since yun nalang ang vacant. Bago siya umupo ay nagkatinginan uli kami. Ewan pero ang awkward lang.

"Aalis na tayo huh?" tanong uli ni Manong driver. This time hindi na ako sumagot. Para bang may bumara sa lalamunan ko.

Sa loob ng bus ay tahimik lang kami. Katabi ko Rid na napaka busy sa cellphone niya. Sino kaya ang textmate niya noh? Na cu-curious ako eh. Kaya naman likod ni Zach ang pinagnanasahan ko ai este tinitingnan ko. Naiinis pa rin ako sa kanya pero alam niyo kahit na ganoon, okey naman siya eh. Baka akalin niyong napaka judgemental ko. Gwapo naman siya eh, kung sa ibang pagkakataon lang siguro kami nagkakilala baka siya na ang crush ko. Nyehehe. Laking gulat ko ng lumingon siya at nagkatinginan ulit kami. Gosh. Bigla namang nag-init ang pisngi ko dun. Agad kung binawi ang tingin ko at tumingin sa labas. Tsk, Nakakahiya yun eh. Febby naman eh. Kaaway mo siya okey? Hindi kayo close.

Sa gilid ng mga mata ko, napapansin kung nakatingin pa rin siya sa akin. Tsk. Mag kaka stiffneck ako eh. Hindi ko nalang siya pinansin. Pero Argh! Nakatingin pa rin siya eh. Bwesit na lalaking 'to. At sa hindi rin ako nakatiis.

"Stop staring..." sabi ko pero hindi ko pa rin siya tinitingnan.

Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya.

"Im sorry..." sabi niya at tinalikuran ako. And what the hell was that? Did he just say sorry to me? Unbelievable Para bang tumalon ang puso ko sa ginawa niya Honestly im not expecting that he do that. Sorry for what? sa pagtitig niya sa maganda kung mukha o yung sinabi niya kanina? Ang gulo rin niya eh.

"Sabi ko sa 'yo eh. Mabait yan" sabi ni Rid. Sasagot sana ako ng mag ring ang phone ko. Its Jade.

"Hi Febby, tapos na second class ko, asan ka?" sabi ni Jade sa kabilang linya.

"Nasa shuttle ako 12pm ang klase ko, why?" tanong ko.

"Wala naman, what time ba matatapos ang klase mo?" - Jade

"5pm" - ako

"Ah sige sabay na tayo sa pag-uwi 4:30 matatpos ang klase ko eh. Hihintayin nalang kita sa labasan okey?" sabi niya.

"Ah sige. Bye"

"Bye febby" End call.

Di ko namalayan na nandito na pala kami sa Building. Kami yung pinakahuling bumaba since nasa likuran kami. Nagsimula ng bumaba si Rid at susunod na sana ako pero hinila ako ni Zach dahilan para ma upo ako sa katabing seat niya.

"Mag-uusap muna kami.." sabi niya kay Rid. Tumango nalang si Rid at lumabas ng shuttle.

"...dito na muna tayo kuya, may pag-uusapan lang kami saglit" sabi naman niya sa driver.

Say something (ON GOING CHAPTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon