Chapter One

312 8 0
                                    

Jimin Park POV

He's my best friend,

Kasama,

Katunggali,

Karamay sa problema ko,

Pamilya,

Special sa puso ko,

At ang nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ko....

Kaso may isa akong problema,

Iyon

Ay

Kung

Kailan

Niya magpapansin ang pagmamahal ko para sa kanya...

Dahil sa kasalukuyan ay may ibang taong nilalaman ang puso niya,

At I know that, it's not me!.

Kasabay ang Pagpasok ng bola sa ring ay ang sigawan ng lahat ng kagaya kong studyante dito sa loob ng court. Maging ako ay napasigaw dahil si Jungkook ang nakashoot ng bola sa ring. He's Good when it comes to Basketball. Wala pa siyang laro na hindi naipapanalo kung kaya pagdating sa game leader championship ay siya ang palaging lead at pambato.
Well, he's my best friend at proud na proud ako sa kanya.

"He's so good."

"Sinabi mo pa! kay sarap niyang yakapin!"

"Iwww, mahiya ka nga!"

"Pakielam mo ba? Umalis ka na nga lang sa tabi ko. Panira ka ng moment ko."

Napangiti ako sa mga babaeng nasa likuran ko.
Jeon Jungkook Kailan ka nga ba tatantanan ng mga babae? Naramdaman kong lumapit sa tabi ko si Yoongi. Nakaitim siyang t-shirt at itim ding Jersey short. Isa rin siya sa mga malapit kong kaibigan. Pero,
Crush ko siya, huwag kayong maingay!.. Haha!.

Joke lang!.

"Matunaw ako,"

Nakangiti niyang sabi. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Lumingon muli ako kay Jungkook dahil nasa kanya na uli ang bola.

"Alam mo, Lalo kang nagiging cute sa tuwing namumula ka.."

Natatawa pa niyang biro kaya sinapak ko siya sa braso.

"Tigilan mo ako Min Yoongi!"

"I'm just saying the truth."

"Whatever!"

Inirapan ko na lamang siya. Kung hindi siya seryoso, madalas minsan lumalabas naman ang pagiging makulit niya.
Hindi ko alam kung bakit naging magkaibigan kaming dalawa,.
Sigawan at hiyawan ulit sa loob ng Court ng manalo ang team ni Jungkook sa Team ni Namjoon.

" Kyahhhhhh! Ang galing!"

"Tara, yakapin natin!"

"Ang galing talaga ng asawa ko,"

Abah!.

Hayun nga at tuluyan ng napuno ng mga estudyante ang buong ground ng Court.
Shimay!.
Tinitigan ko ang hawak-hawak kong bottled of mineral water, maging ang hawak kong panyo Dahil may nakauna na naman sa'kin. Balak ko sanang  ibigay kay Jungkook ang hawak ko pero inunahan na naman ako ni Kim Taehyung.
He's beautiful and Kind kaya kahit sinong estudyante sa loob ng University ay napapangiti niya. Ngunit hindi ko alam sa sarili ko kung bakit malayo ang loob ko sa kanya.
Siguro dahil hindi naman kami ganoon kalapit sa isat-isa.

"Bakit hawak mo lang yan? Lapitan mo na siya at ibigay 'yang hawak mo!"

Ngumiti ako kay yoongi. Kumakain na siya ngayon ng rice cake.

I Love You✔️(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon