Nandito ako sa gilid ng entrance ng school namin...nag-aantay... kanino? Edi sa taong mahal ko...
At heto na nga nakita ko siya kasama ang mga kaibigan niya. Agad akong lumapit sakanya at inabot ko ang isang paper bag na regalo ko para sakanya laman nito ay ang checkerd na polo.
Agad niyang tinanggap ang aking regalo at binuksan ito. Gumuhit ang magandang ngiti sakanyang labi sa unang sulyap sa polo. Halata mo agad na nagustuhan niya ito.
****
Kinabukasan muli kaming nagkita sa gilid ng entrance ng school kung saan kami lagi nagkikita. Hawak kamay kaming naglakad. Magdedate kami ngayon. Sa gitna ng aming paglalakad nakita ko ang sasakyan ni Daddy. Agad kong hinatak palayo ang taong mahal ko para hindi kami makita ni Daddy.
Sana hindi niya kami nakita.
To make the explanation short gusto ni daddy na makapangasawa ako ng mayaman na gaya namin. Pero ang buhay ni John ay simple lang. Kaya ayaw sakanya ng daddy ko.
John's POV
Nandito ako sa aming kitaan ng Mahal kong si Gracia pero wala siya rito. Matagal tagal na din akong nag aantay sakanya ng sa wakas ay makita ko siya. Ngunit ang daan niya ay hindi patungo sa akin kundi sa isang lalaking mayaman. May kotse. At ayun sumakay na nga siya. Kasama ang lalaking maaaring bagong nais niya.
Umuwi na ako sa bahay. Nakatulog ako dahil na rin sa pagod at lungkot.
Nagising ako at maya maya ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa aking Mahal.
From: Mahal ko
Mahal magkita tayo sa mamihan kain tayo dun gusto kitang makasama.
Natuwa ako sa kanyang sinabi at dali dali akong lumabas ng bahay at nagtungo sa mamihan.
Wala siyang iba. Ako pa rin pala. Siguro ay agad ko lang talaga siyang hinusgahan...
Gracia's POV
Katatapos lang namin kumain ng Mahal ko ng mami. Namiss ko siyang kasabay umuwi. Wala kasi akong nagawa kanina dahil utos ni Daddy na sumama ako kay Kennedy ang taong gusto ng aking ama para sa akin.
Lumapit na sa amin ang maniningil sa bayad ng lahat ng amining kinain.
Nakita kong nagbibilang ng pera ang aking mahal upang ibayad sa ale. Ngunit napatingin siya sa akin dahil kulang ang pera niya. Natawa ako ng katamtaman at naglabas ng pera at ibinayad sa ale.
Nagpaalam nako sakanya dahil baka hinahanap na ako ni Daddy tumakas lang kasi ako upang makita siya.
***
Nasa bahay na ako ngayon.Sa pagtapak ko sa sala namin ay agad akong nakatanggap ng malakas na sampal mula sa aking ama.
"Hindi ba't sinabi ko na sayo na makipag hiwalay diyan sa lalaking yan? Napakatigas ng ulo mo! Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin?!" sambit niya.
"Pero Daddy Mahal ko siya!" Pagsagot ko.
"Mahal? San ka pupulutin niyang pagmamahal na yan? Hindi ko hahayaan na ang isang hampas lupang lalaki ang sisira sa reputasyon ng pamilya natin!"
"Sarili mo lang ang iniisip mo Daddy! Hindi mo manlang iniisip kung ano ang nararamdaman ko!" Pasigaw kong saad sakanya. At muli nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sakanya.
"Palalampasin ko yang mga sinabi mo. Kailangan mo ng maghanda para sa engagement party nyo ni Kennedy." Huling sinabi niya bago siya maglakad palayo at tumungo sa kanyang office.
Hindi ko na kaya toh! Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko naman Mahal!
Dali-dali akong umakyat sa aking kwarto at nagimpake.
Tumungo ako sa bahay ni John. Pagkabukas niya ng pinto ay agad na tumulo ang aking luha. Niyakap niya ako at pinapasok niya ako sa kanyang nirerentahang bahay at pinaupo ako sa isang silya.
Inabutan nya ako ng tubig at tinanong niya kung ano ang nangyari. Kinwento ko sakanya ang lahat.
Sinabi niya na dito na daw muna ako makitira sa kanyang munting bahay.
Hindi ako masyadong sanay sa gantong kapaligiran na masikip at maingay. Rinig na rinig ang bawat tsismisan ng kapitbahay.
***
Isang linggo na din akong naninirahan dito sa bahay ng aking Mahal. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi manlang ako sinusundo ng aking ama. Sigurado akong ipapahanap ako non.
Pero mabuti na din yun dahil ayoko din namang umuwi sa bahay. Ikukulong lang naman nila ako doon. Kapag dumating ang araw na ipakasal ako ni Daddy kay Kennedy siguradong wala na akong kawala non.
Hindi ko na muna inisip masyado si Daddy. Sabado ngayon at tulog pa si John.
Naisip ko na magluto muna bago siya magising.
Nagpiprito ako ng hotdog ng makaramdam ako ng hilo. May naramdaman din ako basa sa aking ilong. Hinawakan ko ito at nakita ko sa aking kamay na may dugo ito. Lumalabo na ang paningin ko hanggang sa mandilim na ang paningin ko.
***
John's POVKagigising ko lang ng mapansin kong wala na si Mahal sa tabi ko. Agad akong kinabahan sa takot na baka kinuha siya ng kanyang ama.
Laking gulat ko ng makita siyang nakahilata sa sahig at may dugo sa ilong at kamay. Agad ko siyang binuhat at dinala sa ospital.
Nandito lang ako sa labas at nag aantay sa sasabihin ng doktor. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko bang ipaalam ito sa tatay niya?
Pero hindi, hindi maaari kapag ginawa ko yun ay parang ipinamigay ko na din siya.
Nanatili akong kalmado habang nakaupo sa labas ng kwarto kung nasan ang Mahal ko.
Nagulat ako ng may humatak sa kwelyo ko. Ang kanyang ama....
"Anong ginawa mo sa anak ko?" Singhal niya. "Sinasabi ko na nga ba't hindi ka makakabuti para sa anak ko!"
"Sir, wala po akong ginagawang masama sa anak niyo. Hindi ko rin po alam kung ano ang nangyari. Sana po ay patawarin ninyo ako. At sana din po ay hindi niyo siya ilayo sa akin." Pagmamakaawa ko.
"Pagkatapos ng nangyari ay aasahan mong hindi ko siya ilalayo sayo? Aba! Simula ngayon hindi mo na makikita ang anak ko! Siya ay magpapakasal sa taong makabubuti sakanya." Aniya saka patulak na binitawan ang kwelyo ko.
Nang akmang tatalikod na siya ay agad kong hinawakan ang kamay niya.
"Pero sir-" agad niya akong pinutol at nagsalita kasabay ng pagsampal sakin ng masakit na katotohanan.
"Hindi ka bagay para sa anak ko. Bakit? May salapi ka ba para tustusan ang pagpapagamot niya? Wala hindi ba? Dahil isa kang walang kwentang lalaki na pinagsisiksikan ang sarili sa prinsesang gaya ng anak ko!"
Tumalikod na siya.
Tama siya.
Wala nga akong kwenta.
Ni isang mangkok na mami ay hindi ko mabili sakanya. Pagpapagamot pa kaya.
Mahal na Mahal ko siya pero anong gagawin ko kung ang pagmamahal na ito at ang tanging magpapahirap sa Mahal ko.
Sakripisyo.
Yan ang kailangan kong gawin.
Para sa aking Mahal.
Dahil kung tunay mong Mahal ang isang tao handa kang magsakripisyo para rito kahit kasiyahan mo man ang kapalit nito...