Love, Tadhana, henerasyon, Manloloko at Self

0 0 0
                                    

Love, ano nga ba ito?
Sadyang nakakalito
Pilit iniintindi ang isa't- isa
Pili kinakapitan ang isa't-isa

Love, hindi ka ba napapagod?
Na may taong nagpapakapagod
Na iayos ang lahat
Na bigyang solusyon ang lahat
Pero di pa pala sapat

Love, maging fair ka naman
Pwede bang pagtagpuin mo nalang
Ang faithful sa faithful
Ang manloloko sa manloloko

Bakit napakadaya mo
Kailangan bang pahirapan ng ganito?
Upang matukoy ng isang tao
Na nagmamahal siya ng totoo?

At ikaw naman tadhana
Bakit pinagtatagpo mo
Ang hindi dapat makilala
Bakit napakalupit mo

Sa henerasyon na ito
Mahirap maghanap ng tunay
Sa henerasyon na ito
Di na madadama ang pagmamahal na tunay

At kayong manloloko
Ano nga ba ang nakukuha niyo?
Nakakataas ba ng pride at ego?
Masaya ba sa pakiramdam?
Na may tao nanaman kayong niloko

At ikaw, oo ikaw
Bakit mo hinayaan na maloko ka
Bakit mo hinayaan na kunin ang kasiyahang meron ka
Bakit mo hinayaan na durugin ka
Maganda ka
Worth it ka
Valuable ka
Karapat dapat kang mahalin ng tunay
Walang mali sayo
Sadyang may mga taong hindi makuntento

Kaya Love?
Sa susunod ako na muna
Tadhana?
Iiwasan ko lahat ng pinagtatagpo mo sa akin
At sa sarili ko?
Alamin mo worth mo at mahalin mo muna sarili mo para mahalin ka pabalik ng karapat dapat na pagmamahal na matanggap mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

asdfghjklTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon