Zach P.O.V.
Nasa cafeteria kami nang makita kong tutok na tutok sa cellphone at nakangiti pang si Jade.
Ang weird niya. Ganyan ba ang babae 'pag kinikilig?
Si Gal at Josh naman nag c-cellphone pero hindi naman nakangiti. 'Di tulad kay Jade.
Hindi ako chismoso pero parang may kung anong humihila sa'kin na tignan kung sino mang kausap niya. Nakakabakla man ay dahan dahan akong tumayo at nabasa ko ang text niyang ang haba. Napangiti ako sa nabasa ko. Expected ko nang sasabihin niya ito kay Marie. Babae talaga.
Uupo na sana ako nang makita kong nag reply si Marie. Natigilan ako.
Totoo ba 'tong nababasa ko?
Naramdaman siguro ni Jade na may tao sa likod niya kaya lumingon siya. Napatayo siya ng makita niya ako at lumikha ito ng ingay.
Nakatingin na sa'min lahat ng tao dito.
Ilang segundong nakatingin lang sa'kin si Jade at ang mga tao ay iba iba na ulit ang mundo.
Walang nagsasalita saming apat. Nagpapakiramdaman lang.
"N-nabas-sa mo b-ba?" Jade rattled.
Ngumiti lang ako at umupo na. Alam kong nakatingin lang si Jade sa'kin.
"Zach, usap tayo sa labas?" Ani Jade.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Joshua.
"Ang chismoso mo! Tungkol lang 'to sa surprise." Malumanay na saad ni Jade.
Nag-umpisa na siyang maglakad. Nakalimang hakbang na siya ng sundan ko ito.
Umasa lang pala ako. Umasa akong pareho lang ang nararamdaman namin. Pinaasa niya lang ako!
Masakit. Sobra. Gusto kong umiyak pero ayokong may makakita sa'kin.
Huminto siya kaya napahinto na din ako.
"Ayan ang napapala ng chismoso. Tsk tsk." Pag uumpisa niya.
So, bakit parang kasalanan ko pa? Bakit parang ako pa ang mali? Ako na nga ang naloko eh!
"Ako ang victim dito kaya 'wag mong isisi sa'kin," nakangiti kong saad. Kahit gusto kong umiyak ay hindi pwede. Mamaya na.
"Hindi naman niya sinabing hindi ka niya gusto. Ang sabi niya, ayaw niya ng commitment..." pinutol ko ang pagsasalita niya.
"Sabi niya nadala siya nung nag yes siya sakin. Hindi niya talaga gustong manligaw ako. I bet hindi niya din ako gusto. Oo na, malinaw na sa'kin lahat, umasa ako. Pinapaasa niya lang ako," nakangiti ko pa ding saad.
"Gusto ka niya, halata naman diba? Pero natatakot lang siya na magkaroon kayo ng commitment..."
"Natatakot? Bakit? Nakakatakot ba 'yon? Ang sabihin mo, malandi lang siya-" sinampal ako ng walang hiya.
"Hindi ko maramdaman. Sampalin mo pa ako! Sige lang. Nang matabunan yung sakit dito-" turo ko sa dibdib ko.
"Sorry. Pero hindi siya malandi! Ngayon ko nga lang yun nakitang ikaw lang ang kinausap eh. Wala siyang ibang in-entertain simula nung nakilala ka niya. Natatakot lang siya. Bakit hindi mo patunayang kaya mo siyang panindigan? Tanggalin mo yung takot niya. Trust me, mahal ka nun. Natatakot lang siya."
Mas nasampal ako sa mga sinabi niya.
"Magpakalalaki ka! 'Wag kang babakla bakla!" Sabi niya at iniwan na ako.
Bago niya ako talikuran ay nakita ko ang pag-aalala niya sa mata niya.
Hindi. Ayoko. Ayokong umasa tapos iiwan din naman. I'm done with this.
Pero, parang natauhan ako sa mga sinabi ni Jade. Pano kung natatakot lang talaga siya?
Aalisin ko ang takot niya. Susuyuin ko siya at papatunayan kong worth it na mag take siya ng risk sa'kin.
Sinundan ko si Jade at bago pa man siya makarating sa pwesto namin kanina ay pinigilan ko siya. "Wag mo munang sabihin kay Marie na nabasa ko yun. Please lang. Wag ka na muna mangialam. Kaya ko na 'to. Gagawin ko lahat," sabi ko at nginitian siya.
Tumango lang siya bilang sagot.
Lumapit at umupo na kami sa dalawa naming kasama. As expected, tinadtad nila kami ng tanong. Hindi namin sinabi yung totoo siyempre.