Isekai part 3

242 25 6
                                    

kc pov

"naghahanap po ba kayo ng trabahador?"tanong ko kay manong na nagbabantay ng tindahan mga nasa edad 30.

ngumiti siya sabay sinabing"oo iho,kailangan ko ng makakatulong sa pag-tanim at pag-ani ng mga gulay at prutas,lalong lalo na sa pag-kausap sa customer" maganang sagot ng matanda halatang approachable ito.

ayaw ko talagang makipag-usap sa customer,pero wala na akong pagpipilian ito na ang huling trabaho"mamasukan po ako,puwedi po ba"nakayuko kung bangit.

mahinahon siyang nagsalit"oo naman kung gusto mo,magsimula ka na ngayon,mag bantay muna tayo dito sa tindahan,malapit nang mag-tanghali siguradong magiging busy na naman nito"tugon niya.

"maari ko bang maitanong ang pangalan niyo?"para malaman ko itatawag sa boss.

"mang andok nalang ang itawag mo,ikaw naman iho anong pangalan mo"nakangiting sagot niya.

"kc po"sagot ko.

"halika kc samahan mo akong magbantay"sambit na parang isang matalik na kaibigan nag-aya.

masayahin ang itsura ng matanda para bang napakagaan ng buhay sa aura na inilalabas niya.

tumayo kaming dalawa ni mang andok sa harap ng tindahan.

ilang minuto lang ay pinagpawisan  ako at medyo nainip.

sigh! ano ba itong napasok ko.

kailangan kong tiisin to para kumita ng pera,upang mabili ang card.

napansin ito ni manong"masyado kang tense iho,easy ka lang sa buhay wag mung problemahin ang lahat,pasensiya ka na napansin ko kasing nakababa ang bou mung katawan,lalong-lalo na balikat na para kang binagsakan ng langit at lupa sa bigat ng iyong problema"kalmado niyang sambit.

nangigil ako"ano bang pakielam mo"nasabi ko ng hindi nag-iisip.

napa-usog siya at kampanteng binigyan ako ng space kita sa mukha niyang di siya nagtanim ng galit
"pasensiya na iho,,pero hindi magbabago kung ano man ang dinadala mo,kung patuloy na ganyan ang inaasal mo,lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo"mahinahong nagbibigay ng payo.

hindi ako nagtrabaho dito para matutong mag-relax,tinikom ko ang bibig ko at hindi na sumagot kailangan ko talaga ang trabahong ito.

hindi na ako kumibo sa matanda,hangang umabot ng tanghalian.

isa-isang naglabasan ang mga tao sa halos sira-sirang mga bahayan.

sobrang naging busy nang paligid.

sa pagkakataong iyon nakangiti lang at nakikipagkwentuhan si mang andok habang nagbebenta.

Fragile PhantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon