"Baklaaaaaaaa!" haynako ang ingay talaga ng baklang 'to.
"Bakla! Ang ang ingay mo!" sagot ko sa kanya.
Ako nga pala si Carmen at sya ang bestfriend kong bakla na si Julius.
Mahal na mahal ko siya pero hindi bilang bestfriend. Mahal ko na siya simula palang dahil sa araw araw na magkasama kami eh nainlababo na ako sa kanya kahit bakla siya. Masaya siyang kasama sobra at kung hindi nagbakla 'to, sigurado akong habulin 'to ng mga babae. Ang Pogi kaya nya! Sayang nga siya eh.
"Eh kasi naman tignan mo to!" sabay pakita sakin ng cellphone niya. Picture ni Daniel at Kathryn together.
"Odiba Bakla! Ang swerte ni Kath! Haynako, Ang pogi talaga ni fafa daniel." sabi ng baklang 'to. Adik siya kay Daniel. Ang pogi daw kasi at ang lakas ng dating. Well, totoo naman.
"Hay nako bakla! Itulog mo na lang yan." at binato ko sa kanya yung unan. Andito pala kami sa kwarto ko. Kahit kay Daniel nagseselos ako. Grabihan lang!
"Aray ko be! Grabe ka naman makabato masisira beauty ko. hmp!"
"Gaga! Wala kang beauty!".
BINABASA MO ANG
Bakla, Mahal kita.
Teen FictionNaranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mo? Tapos BAKLA pa siya? Anong gagawin mo?