Chapter 4

13 0 0
                                    

Christian.

 

“Dara ?!” tanong ko sakanya na gulat na gulat.

“Hi chris, alam mo ba kanina pa kami tumitingin ng mga baby pictures mo.” Sabi niya habang tumatawa kasama ang mama ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat.

“Ma! Bat mo naman pinakita ?!”tanong ko kay mama, ramdam ko ang hiya.

“Bakit naman hindi ? bestfriend mo naman tung si dara.”sabi niya habang tinatago na ang mga photo album.

“Cute ka naman eh, wag ka magalala.”patawa niyang sabi kay mama.

“Pero mas cute ka!” sabi ko bigla.

Awkward silence……

 

Tanga mo talaga Christian. “Osige na magluluto pa ako ng haponan, salamat sa oras dara.”pagligtas sa akin ni mama sa kahihiyan  na sinabi ko. Tapos lumabas na si mama ng pinto.

Naiwan kami ni dara doon, Nakatayo ako doon hindi siya matingnan at siya naman ay nakaupo pinaglalaruan ang kamay niya.

“Sorry.”sabay naming sabi ni dara.

“Ako ang unang nagsorry,”sabi naming ulit ng sabay, nagkaiwasan ng tingin ulit.

“Ladies first,”pagbali ko sa katahimikan.

Ngumit naman siya at huminga ng malalim.

“Sorry, dahil kahapon ko lang narealize na matagal mo na pala akong pinagsasabihin tungkol kay chad na niloloko niya lang ako at sasaktan ng paulit-ulit.”malapit na siyang umiyak. Nakatayo pa din ako doon, may distance samin ng konti.

“Sorry kasi sobrang tagal ko na palang nagpapakatanga sa isang lalaki na hindi naman deserve ng pagmamahal ko, kala ko kasi dadating yung araw na mamahalin niya ako kung paano ko siya minahal, pero hindi.” Nakita ko namang may tumulo na luha sa gilid ng mata niya.

“I believed na kaya akong mahalin ng isang taong minahal ko na ng sobrang tagal.” Tumingin siya sa mga mata ko nung moment na sinabi niya yun. Naramdaman ko na maluluha na ako, hindi dahil sa na aawa ako kay dara, kundi ganyan ang nararamdaman ko. Ganyan na ganyan. Ang pinagkaiba lang namin ay siya sinubukan niya kahit masaktan pa siya. Ako duwag ayokong masaktan kasi hindi naman dapat ako masaktan. Madami namang babae gan bakit sa lahat pa ng pwedeng mahalin bestfriend ko pa ?

Nilapitan ko siya at pinunasan ang mga luha niya gamit ang kamay ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako ng mabuti. Ang sakit na Makita siyang umiiyak ng ganto.

sorry kung nagpakatanga ako,” pabulong niyang sinabi.

“Ano ? Hindi…”binuhat ko siya at kinandong. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap.

“Hindi ka naman tanga, sadyang nagmahal ka lang talaga.”pabulong ko na sinabi sa tenga niya.

Niyakap niya ako at umiyak sa balikat ko. Binalik ko naman ito at hinayaan siyang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya.

I love you Christian.” Bulong niya sa tenga ko.

Hindi ko na napigilan ang pagluha,

Niyakap ko lang siya doon.

***

 “So, kamusta ang pakiramdam mo ?” tanong ko kay dara.

“Okay naman.”ngit  niyang sabi habang kumakain ng kabayan na binili ko.

“Ikaw ?”tanong niya habang innabot yung soft drinks sa coffee table at ininom ito.

Stuck In Her DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon