jelai lives on her own

760 40 10
                                    

maagang gumising si roni kahit halos ilang oras pa lang din ang tulog niya. nangako siya sa asawang si borj na bago sila gumising ni bonnie ay nakauwi na siya....hindi na ginising ni roni jelai, pero nag iwan siya ng note sa side table ng kaibigan..

"jelai uwi na ako ha, kasi nangako ako kay borj bago sila magbreakfast ni bonnie nasa bahay na ako... ingat ka dito ha, call me if you need anything.."-roni

sa isang buwan na pagtuturo ni borj kay roni mag maneho ay natuto din ito, at nakakuha na din siya ng lisensiya niya kaya ang regalo g kotse ni borj ay siya na mismo ang nagmamaneho pero siyempre dahil buntis siya doble ingat ang pagmamaneho ni roni...

nakarating siya sa bahay nila ng 6:30am, tulog pa ang mag amang borj at bonnie... si yaya medel naman gising na at nagluluto na ng almusal nila ng datnan ni roni..

"yaya ako na po magluluto...!"-roni

"roni ako na magpahinga ka muna jan.. baka makasama sa baby niyo ang kilos ka ng kilos..."-yaya medel at kasalukuyang nagprito ng itlog

"yaya hindi naman po, siyempre kailangan ko din kumilos baka mamamanas ako ng husto kapag maghapon lang ako nakaupo or nakahiga di ba..."-roni

"matatapos na ito roni sige na ako na.."-yaya medel

"sige po kayo bahala..."-roni

umakyat na lang sa kwarto si roni upang silipin ang mag ama..sa kwarto ni bonnie nakatulog si borj... at natawa si roni ng makita ang mag ama..

"naku ang likot talaga matulog ni bonnie, halos sinakop na ung buong kama niya..."-roni

gilid na gilid ang pwesto ni borj sa kama at isang galaw na lang niya ay mahuhulog na siya. samantalang si bonnie naman siksik na siksik sa kili kili ng daddy niya at yakap na yakap dito...lumapit si roni sa asawang si borj at hinimas ang buhok nito.... naalimpungatan si borj at napagalaw, kaya nahulog ito sa kama.... kaya natawa ng husto si roni

"aray...."-borj

"ayan bakit kasi gumalaw ka nahulog ka tuloy sa kama..."-roni na tawang tawa

"anjan ka na pala roni..."-borj

"oo borj kaya nga nakita ko kung paano ka nahulog sa kama eh hahahaha.."-roni

"grabe likot matulog ni bonnie... tignan mo siniksik pa ako ng husto ang luwag naman ng space niya...."-borj na napakamot na lang sa ulo niya

"hay naku borj ganyan talaga matulog si bonnie basta may katabi sisiksikin niya ng husto...."-roni

tumayo si borj mula sa pagkakaupo sa sahig...hinila niya ang asawang si roni papunta sa kwarto nila... at doon humiga ulit si borj at niyakap ang asawa... wala naman nagawa si roni kundi ang tumabi sa asawa at yumakap din

"namiss kita roni..."-borj

"OA mo borj ahhh..nahulog ka lang sa kama eh..."-roni

"ahhh ganun..."-borj at mas lalo niya niyakap ng mahigpit ang asawa

sa condo ni jelai:
naalimpungatan si jelai... wala na si roni at nabasa na niya ang note na iniwan ni roni...bumabgon si jelai at sumilipi sa biranda ng condo niya.....napaisip siya saglit...

"totoo nga... mag isa na lang ako...pero kaya ko ito!! go lang jelai kayanin mo... wala kang ibang aasahan ngayon kundi ang sarili mo lang...fight lang jelai..!"

muling pumasok si jelai at nilingin lingon ang paligid niya... medjo makalat..

"ok jelai go, mag umpisa ka na....!" sambit niya sa sarili..

nagtungo si jelai sa kusina upang magkape muna...

pagkatapos magkape ay tinalian niya ang buhok at nagumpisa sa kusina.. hugas plato...dahil hindi na nila nahugasan yung mga ginamit kagabi kaya natambak ito at ngayon wala siyang choice kundi ang maghugas...ng matapos niya ang mga hugasin sinunod naman niyang iligpit ang iba pang mga kalat sa kusina.... maya maya ay tumawag si junjun..

reality ever after! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon