ABAKADA. (Spoken Word Poetry #1)

44 0 0
                                    

iaalay ko ang tulang ito para sa mga taong nastrangerzone
yung mga taong biglang iniwan
yung mga taong biglang iniwasan sa di malamang dahilan

umpisahan natin sa a
a, "ayawan na, talo kana" paulit ulit kong naririnig mula sa mga kaibigan ko. mga katagang pilit kong iniiwasan kasi a, ayaw ko pang tumigil, ayaw ko pang tanggapin na talo na ko dahil sa sitwasyon na ito patuloy pa din akong a, aasa na maibabalik natin ang ating nakaraan. na maibabalik ang dating pagkakaibigan kasama ang saya lungkot at tuwa sa ating mga mata. a, aasa pa din ako na balang araw masasagot mo ang mga tanong kong ba, bakit. bakit mo ko iniwan? bakit mo ko iniwasan hindi ba wala sa bokabularyo mo yan? bakit mo pinaasa ang taong walang ginawa upang bigyan ka ng pag asa sa mga panahon na ika'y nanghihina. uto uto din pala ko no? naniwala kasi ako sa kanta ni barney na "iloveyou, youloveme" pero ang totoo pala "iloveyou, youloveher". ka, "kasama kita hanggang sa pagtanda" mga katagang paulit ulit na bumabalik sa aking isipan. mga katagang nagiging dahilan ng aking paglaban. kasama nga ba kita hanggang sa pagtanda? e ngayon nga lang bata pa tayo wala ka na. haha ang saya diba? ang dami mong pangako na ngayo'y napapako pero eto ha? da, dadalhin ko eto hanggang sa kamatayan ko. dahil etong mga pangako mo ang dating nagpangiti sa aking mga labi. etong mga pangako mo ang naging inspirasyon ko dahil naramdaman ko dito ang pagmamahal na dati ko pang hinahanap sa ibang tao.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now