Chapter 1

6 1 0
                                    

Ako si Kea, minsan maganda, madalas echosera. Dalawampung taong gulang. Konting kembot pa, sa March lalarga na. Hindi ko alam kung para saan ito... followers, ayun! Para magka-followers ako.

Simpleng buhay lang ang meron ako. Pumapasok sa paaralang ginusto ko dahil 'yun lang ang kaya ng budget ng magulang ko. Kumakain ng tatlong beses isang araw, minsan apat, minsan lima. Depende sa kung ilan ang maburaot ko. School, bahay, bahay, school lang ang ruta ko. Minsan may segue, naglalakwatsa ako. Di naman masasabing salat sa kaibigan, kahit sino naman kasi kaya kong pakibagayan.

Syempre, bawat istorya may iniikutang drama. Wala namang exciting sa buhay ko. Pero nagbago ang lahat nung makasalubong ko siya sa Patio, sakto alas-3 ng hapon, mga sampung hakbang pagkagaling sa banyo.

Simula noon, nagbago ang ikot ng mundo ko (cliché) at dahil dun nagbalik si Pluto. Nagsimulang guluhin ng istupidong kupido ang puso ko. Napupuno ng rosas ang paligid ko kapag siya ang nakikita ko...

Ang sarap ng rosas...

"Oo, masarap!" Aba! May sumagot sa pagmumunimuni ko. Pero may nalalasahan din ako.

Hinawakan ko ang bibig ko.

"Rose?! Ano to? Saan to galing?" sabay tingin sa mga tao sa harap.

"Sharap?"

Tinamaan ka nga naman ng magaling. Kaya pala ang sarap ng rosas. Sinubuan ako ng mga hampaslupa.

"Oo, masarap! Try nio" akmang isusubo ko sa kanila pero naiwasan na nila.

"E kanina ka pa kasi nakatunganga! Daydreaming lang te?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon