Robyn woke up the next morning, at narealized niyang sa sofa pala siya nakatulog. Napansin niya ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan, and she smiled.
Then she saw Joaquin, na nakaupo sa isa sa cushioned armchairs niya. Nakasandal ang ulo nito sa backrest ng upuan at nakahalukipkip ang mga braso.
Tumayo siya, naalala niyang Sabado at wala siyang klase, weekdays lang ang klase niya.
Bitbit ang kumot ay tahimik siyang umakyat sa itaas para magpunta sa kanyang kwarto. She took a quick shower and went down para maghanda ng almusal.
Nakita niyang tulog pa rin si Joaquin, naisip niya kung gigisingin ba niya si Joaquin para patulugin ito sa isa sa mga kwarto sa itaas, or sa sofa o hayaan na lang niya ito sa ganuong sitwasyon, dahil baka kung gisingin na niya ito ay umalis na ito para umuwi.
The thought made her heart sad. No, ayaw niya munang umalis si Joaquin. Napansin niyang wala na ang tray ng mga kape, at nakaayos rin ang laptop sa ibabaw ng center table. Inayos muna siguro ni Joaquin, pagkatapos nitong gumawa kanina, she thought.
Mabilis siyang nagpunta sa kusina para gumawa ng almusal, she get some bread and put it in a toaster para uminit. Then, brewed some coffee. She then get some ham and eggs inside her fridge, and she also decided to make some hash brown.
She got busy in the kitchen, and the house started to smell the delicious aroma of food. She almost jumped nang batiin siya ni Joaquin mula sa likuran niya.
Nagising si Joaquin dahil sa masarap na amoy, unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Napagtanto niya na nasa bahay pa rin pala siya ni Robyn. Nakatulog na pala siya ng tuluyan. Balak lang sana niyang umidlip sandali, bago siya umuwi sa inuupahang kwarto.
Naupo siya at sinuklay ng mga kamay ang buhok gamit ang kamay. Napabuntong-hininga siya, he shouldn’t be here. Dapat madaling araw pa lang ay umalis na siya, ayaw niyang may makakita sa kanya na mga kapit bahay ni Robyn na may lalaking lumalabas sa bahay nito, lalo na at alam na dalaga ito at isang teacher.
Tumayo na siya at naglakad papunta sa kusina, magpapaalam na sana siya kay Robyn, pero natigilan siya, nang makita ito.
Nakatalikod ito sa kanya, at abala sa pagpiprito. Naka t-shirt ito at shorts. At nakapusod ang basa nitong buhok.
And then, it hit him, gusto niya ng ganitong senaryo, araw – araw sa kanyang buhay. Na sa paggising niya sa umaga, si Robyn ang una niyang makikita. At napagtanto niya ng mga sandaling iyun, na mahal na niya si Robyn.
Isang ngiti ang namuo sa kanyang mga labi, tahimik siyang lumapit dito at binati niya sa Robyn.
“Good morning!”
“Joaquin!” ang gulat na sabi ni Robyn, “nagising ba kita?” ang tanong niya.
“Oo ang sarap kasi ng niluluto mo” ang nakangiting sagot ni Joaquin.
“Maupo ka na at maghahain na ako” ang sabi ni Robyn.
“Wag na, tulungan na kita” ang sagot ni Joaquin, saka nito tinulungan si Robyn na maghain sa lamesa.
“Pasensiya ka na kung, di ako nakaalis agad ng bahay mo” ang sabi ni Joaquin, habang humihigop ng kape.
“Bakit naman?” ang tanong ni Robyn, habang pinapahiran ng butter ang kanyang tinapay.
Napabuntong-hininga si Joaquin, “alam kong gusto mo lang akong tulungan Robyn, pero, ayaw ko namang, mapasama ka, at maging tampulan ng tsismis, kapag may nakakita sa akin na galing dito sa bahay mo, lalo na at dalaga ka at isang propesor” ang sagot ni Joaquin.
Kumunot ang noo ni Robyn, “bakit ko ba iisipin ang sasabihin ng ibang tao sa akin?” ang galit na balik tanong ni Robyn.
“Ako Robyn, iisipin ko iyun, ayokong mapasama ka dahil sa akin” ang sabi ni Joaquin, alam niyang mahal na niya si Robyn, kaya ayaw niyang maging dahilan ng ikasasama nito.
Ibinaba ni Robyn ang hawak na tinapay at inilapag sa kanyang plato.
“Anong balak mo?” ang tanong ni Robyn.
Napabuntong-hininga si Joaquin, “halos patapos na rin naman ako, sa computer shop ko na lang tatapusin ang thesis ko” ang sagot ni Joaquin.
“Kung iyan ang gusto mo, hindi kita pipigilan, nagmagandang loob lang naman ako na tulungan ka” ang inis na sagot ni Robyn.
Napansin ni Joaquin ang inis sa boses ni Robyn, kung alam lang sana nito, na gustong – gusto niyang parati silang magkasama. Pero, hindi pupwede, alam niyang bawal at ayaw niyang mapasama si Robyn.
At tulad nga ng sinabi nito, na nagmagandang loob lang ito sa kanya, ayaw niyang umasa at magkamali ng akala sa ipinakita nito, ay kawang gawa lamang sa tulad niya at hindi pagmamahal.
Nasasaktan man ay tinanggap ni Robyn ang desisyon ni Joaquin, naintindihan naman niya ang punto ni Joaquin. Pero ayaw na niyang mamuhay ng base sa kung anong sasabihin ng ibang tao.
Pero hindi niya pwedeng pilitin si Joaquin, alam niyang, sa kabila ng lahat, ang welfare pa rin niya ang iniisip at inuuna ni Joaquin, kaya mas lalo siyang humanga at minahal ang binata.
“Mangako ka Joaquin ha, na, tatapusin mo ang thesis mo bago ang sembreak ngayong Christmas break” ang sabi ni Robyn.
“Yes ma’am, pangako ko po” ang sagot ni Joaquin na nakangiti.
BINABASA MO ANG
The Accidental Callboy [ Completed] © Cacai1981
Romansa(for mature readers only! 18+) "Joaquin, I'm demanding you to not go any further" ang sabi ni Robyn habang naglalakad paatras at nakaturo ang kanyang index finger kay Joaquin. She's afraid of what she's feeling towards him. Para bang sasabog ang kan...