The end of anything

8 1 0
                                    

Abira's POINT OF VIEW

Ako ay isang masiyahing bata simula pa lamang noong akoy tumungtong sa primaryong lebel o sa elementarya. Ang aking natatandaan ay isa lamang hamak na ilusyon lamang para sa iba ngunit para sa akin ito ay isang di hamak na malinaw na ala-ala hanggang sa huli kong hininga.

"I-ina'y a-ayoko n-na p-po." tangis ko dahil sa mga palong natamo.

"Bobo ka! Hindi ka pa rin marunong mag-basa? Ni ultimong pangalan mo hindi mo masulat, puro ka lang laro at laro ng laro?" sigaw ng aking ina dahil hindi pa rin ako madunong sa gusto nyang mangyari.

Di hamak na isa lamang akong siyam na taong gulang at hindi makaintindi hindi gaya nya na mas hamak na may alam sa mundong ibabaw. Hindi ko alam kung bakit mali ang nakikita ko sa pag-papalaki sa akin ng aking Ina.

"Hindi ka kakain kapag hindi mo pa rin nasulat iyang pangalan mo." nanginginig ang aking mga kamay hindi dahil sa kanyang mga sinambit ngunit sa takot na hindi nga niya ako pakainin.

Takot, takot ang tumatak sa aking isipan patungkol sa aking Ina, ni hindi ko man lamang maalala na mayroon kaming masasayang alaala. Hanggang sa mag sampung taong gulang, ikalawang taon sa elementarya ay akala ko tapos na ang aking dinadanas ngunit isa lamang pala ito sa pag-kadami daming mga karanasan na syang sisira sa pag-katao ko.

Mayo 1, 1999

Sa isang malawak na lupain, maraming mga bulaklak na tanim at mga malalawak na taniman ng mais, bakasyon iyon, gabi na at inutusan akong bumili ng sardinas pag-kain para sa mga alagang aso ni Tita Lourdes. Ako ang nautusan dahil ako ang may alam ng tindahan dahil noong umaga ay dinala ako ni Tita lourdes sa tindahan para bumili ng 'crinkles' ngunit sa gabing ito ay mag-isa kong tinatahak ang madilim na daan tungo sa maliwanag na pamilihan.

"Ate pabili nga po ng isang town youngs." nagulat ako ng biglang tumawa ang mga tao sa labas pati na rin ang tindera.

"Young towns ba ineng?" baliktad pala kaya natawa na rin ako.

"Kanino kang anak?" tanong ng isang binatang di katangkaran at kayumanggi ang kulay at sa pag-kakatansya ko ay mas matanda ito sa akin ng limang taon ngunit maganda ang ngiti nito sa akin at tila gustong makipag kaibigan.

Hindi ako mahilig makipagusap sa mga tao kaya ngiti na lamang ang aking naigawad sa halip sagot sa kanyang katanungan.

Umalis ako dahil sa nagmamadali na nga ang aking Tiya para mapakain ang kanyang mga alaga.

Dahil sa takot ako sa dilim ay tumakbo na ako ngunit sa hindi magandang pag-kadapa ko ay hindi ako makalakad.

"Oh ineng ayos ka lang ba?" tanong ng binatang kanina nasa likod ko na.

"A-ayos lang po." nahihiyang tugon ko.

"Halika ka samahan na kita saan ka ba nakatira?"

"Tita ko po si Tita Lourdes." nakangiting sagot ko at inalalayan nya naman akong tumayo.

"Ah, ganoon ba edi dito na lang tayo dumaan para mas mabilis, shortcut kasi yan." dahil sa gusto ko nang umuwi ay sinunod ko ang sinabi nya ngunit may masama pala itong balak na hinding hindi ko makakalimutan.

"Huwag kang mag-susumbong dahil papatayin kita at ang pamilya mo!" sigaw nya at iniwan akong tulala at naiiyak sa pangyayaring iyon, sa isip isip ko bakit? bakit ko iyon nararanasan.

Umuwi akong masaya noong gabing iyon ngunit sobrang takot at lugkot ang nadarama at sabik nang umuwi sa aming tahanan.

"Saan ka ba galing kanina ka pa namin hinahanap ha?!" sigaw nang aking Ina, pigil luha kong sinagot ang tanong nya.

Against all OddsWhere stories live. Discover now