[Twelve] The Last Day Of Being Casanova

7.5K 98 16
                                    

Hi po sa lahat. May nagsabi na maganda daw tong story ko, kaso may nagcomment na parang sinasabi niya na mahangin daw ako ^_^

Sorry na po kung yun ang iniisip niyo, mahalay po ba? Hindi na po ako maghahangin promise. Hindi ko po inaasahan to na magkakaron ako ng readers kaya ganun ang ginawa ko, nag feeling sikat nalang ako.

SORRY NA POH TALAGA.

Nga pala next year baka gawin nang hollywood movie tong storya ko sa sobrang ganda. ^^

***

MARISON'S POV

Inayos ko lahat ng gamit ko, buo na ang loob ko at nagtext na ko sa nanay ko na uuwi nalang ako at baka magnegosyo nalang. Kaso hindi mawala sa isip ko ang mga kaibigan ko na minsan na nagpasaya sakin.

Dalawang mundo ang ginagalawan ko. Una ay ang mundo sa school na mga galante at respetado ang kasama ko. Pangalawa naman ay ang trabaho ko na hindi masisikmura miski ng mga kaibigan ko.

Hawak ko ang bagahe ko at umarkila ako ng taxi, naluluha ako habang umaandar ang taxi papuntang airport, parang gusto kong patigilin ang oras at the same time, nasasabik na akong makita ang pamilya ko sa Samar.

"Ma'am, parang may sumusunod satin." Sabi ng driver.

"Paano mo nasabi?"

"May babaeng sumesensyas na tumigil daw ako, hindi ko alam kung ako ba yung sinasabihan niya."

Tumingin ako sa likod at napansin ko si Grace, kotse ni Jamie yan, tropa namin.

"Mamang driver paki bilisan po."

Binilisan na niya. Pero wala eh, alam nila kung saan kami pupunta kaya pagdating namin sa destination ay nagbabaan sila sa kotse at lumapit sakin.

"Marison!" Tawag sakin ni Grace. Lumingon lang ako na parang hindi ako interesado na makita pa sila. Lumapit sila sakin.

"Aalis ka na ba?" Tanong ni Grace.

Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit hindi ko nakikita sa kanila yung pagkagalit sakin? Bakit pag aalala yung nakikita ko sa mga mukha nila?

"Kailangan ko nang umalis. Kinausap na kayo ni Saul diba?"

"Oo, siya ang nagsabi samin."

"Sige na, kailangan ko nang umalis." Humakbang ako pero tumakbo si Grace papunta sakin at niyakap ako.

"Marison, I'm sorry pero tingin ko kailangan mo na ngang umuwi."

"Alam niyo na ba ang lahat?"

"Oo Marison! Si Saul ang nagsabi samin."

"Ano ang alam niyo?"

"Alam na namin na prostitute ka!" Nag unahang tumulo ang luha ko galing sa dalawang mata ko, nakikita ko kasi na hindi sila galit sakin.

Lumapit si Anabel.

"Marison, hindi kami galit sayo. Wag mong isipin na sa maliit na bagay na yun eh babaliwalain na namin ang pinagsamahan natin." Umiyak na ako at niyakap ko sila.

"Sorry guys kung inisip ko na ikakahiya niyo ako, pero kahit anong mangyari ay kailangan ko nang umalis, ang totoo kasi ay wala naman akong pera na pang paaral sakin, wala kaming negosyo, I'm sorry guys kung nagsinungaling ako. Gusto ko lang talagang makatapos sana pero ngayon ko lang narealize na mahalay ang ginawa ko kaya hindi ko na itutuloy." Yumakap sila sakin.

"Marison, may paraan pa. Tutulungan ka namin."

"Nakakahiya naman."

"Diba nga pinakibagayan mo kami? May pera kami kaya sinabayan mo ang mga bagay na meron kami. Alam mo na sa mundo namin ay mundo ng mayayaman? Alam mo yan Marison, mas alam mo na may maitutulong kami sayo." Sabi ni Grace. Oo nga at marami silang pera pero nakakahiya parin.

College Prosti Breaks Casanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon