Hi everyone! It's been a while since the last time I wrote a story in my wattpad. And this is the first time that I'll be writing in Filipino. So sana po ma enjoy nyo as much as I enjoyed writing it. 😊
P. S. Pls forgive my French grammar. I've been using Google translator for the French words but I don't really speak French. Also this is a fanfiction so I'm gonna use some popular people in my story. I'll be using Liza Soberano as Margaux here.
VILLA RAUX - RAUX FAMILY'S HOUSE
(CREDITS TO THE OWNER OF THIS PIC)
Liza Soberano as Nicolette Margaux Raux
(Credits to the owner of this pic)
Sa isang luma at malapalasyong mansion sa Paris, France, nakatira ang isang prominenteng pamilya ng mga Raux. Ang mag asawang sina Antonette Francoise Raux at Gilbert Raux ang may ari nang isang sikat na sikat na kumpanya ng clothing, shoes and bags, ang Raux Vetements. Isa itong luxury store sa buong France at kilala ito sa magandang kalidad nang mga ibinebentang produkto.May nag iisang anak ang mga Raux na napakagandang batang babae at matalino rin. Ang 10 taong gulang na si Nicolette Margaux Raux. Bilang isang anak nang napaka yamang pamilya, mala prinsesa si Margaux kaya nakukuha niya lahat nang magagandang bagay sa mundo maliban sa isang bagay. Ang makaranas nang normal na pamumuhay tulad nang ibang tao.
"Bonjour, mademoiselle! Votre petit déjeuner est prêt." (Magandang umaga po, Miss! Handa na po ang almusal niyo.) sabi ni Yaya Hilda, ang Pilipinang yaya ni Margaux.
"Bonjour nounou Hilda!" tuwang tuwang bati ng bata habang paupo na sa isang napaka habang mesa sa loob nang malawak at punong puno nang mga carvings na kusina.
"Où sont maman et papa?" (Nasaan sila mama at papa?) tanong niya kay Hilda.
"Naku, sorry anak. You know naman my French is not getting gooder. Paki translate mo nga anak." Sabi nito na sinusubukan ang lahat nang makakaya niya para maintindihan siya ng alaga niya.
"Ah, désolé nounou." (Ah, sorry yaya.) sabi nya sabay translate nang sinabi nya. "Where is Mama and Papa?" Sabi niya habang kumakain nang paborito niyang luto ni Yaya Hilda na longganisa, itlog at sinangag sa umaga.
"Anak umalis na sila kanina pa. Kailangan ata sila sa opisina may meeting daw." sabi ni Hilda. Tumango naman si Margaux dahil naintindihan naman niya yung sinabi ng Yaya niya. Medyo nakakaintindi na rin siya nang Tagalog dahil dito.
"I see Yaya. Have you eaten your breakfast already?" tanong niya.
"I'm good na anak. Kumain na ko. O sige you finish finish your eating na para maligpit ko na yang plato mo."
"d'accord, nounou." (Okay, Yaya.)
Binilisan niya ngang kumain habang nanonood naman si Hilda sa alaga niyang kumikislap ang mata sa sarap nang pagkain.
"Merci, nounou. La nourriture est vraiment vraiment délicieuse." (Salamat, Yaya. Sobrang sarap talaga ng pagkain.) sabi ni Margaux.
"Naku anak walang anuman yon alam ko namang paborito mo yan at handa akong ipagluto ka nang kahit anung gusto mo." sabi ni Hilda na may halong ngiti at kilig.
"But yaya, can you come with me later? I want to go to Opera Garnier to watch theater play."
"O sige tutal your Mama made payag payag naman na mag go out ka wherever you want."
"Yey! Merci, nounou!" (Yey! Thank you, yaya!) nagtatalon si Margaux sa sobrang tuwa. Mahilig kasing manood ng play o kahit anong may kinalaman sa theater at classical music concert ang bata. Mahilig rin siyang magbasa ng mga libro.
"De rien! De rien! O sige na anak mag ayos ka na para makaalis na tayo." nagmamadaling sabi ng Yaya.
"Opo, Yaya." sabay akyat na ni Margaux sa kwarto niya para mag ayos.
OPERA GARNIER
"Je vais vous vaincre dans la compétition à venir ici même." (Tatalunin kita sa darating na competition dito mismo sa lugar na to.) bulong ni Martin kay Margaux habang nanonood ng concert ng isang sikat na French pianist. Pianista din kase si Margaux at kapareho rin ni Martin na ka-edad din niya. May competition kasing magaganap sa susunod na linggo at si Martin Beaumont, isa ring anak ng mayamang pamilya at nag mamay-ari ng kalabang kumpanya, ang Beaumont France na tulad ng Raux Vetements ay kilala rin sa buong bansa.
"Shh... Tais-toi et juste écouter le concert." (Tumahimik ka at makinig na lang sa concert.) tinarayan niya ang mortal niyang kaaway na nagkataong katabi pa niya sa upuan sa theater.
Tahimik na silang nanood hanggang matapos ang palabas. Ayaw na rin ni Margaux magkaroon pa nang interaction kay Martin na kinaiinisan niya.
Hi everyone! I hope you enjoyed the first part of the story. Susubukan ko pa mag update as much as possible. Let me repeat myself. This is a fanfiction only. 😊
BINABASA MO ANG
Margaux
FanfictionMakukuha kaya ni Margaux ang normal na buhay na gusto niya? At ano kaya ang magbabago sa kanya pag nakilala niya na ang sikat na sikat at napaka guwapong figure skater na si Yuzuru Hanyu?