Chapter 18: Taste of your lips

6.2K 351 52
                                    

Darren as Gunter

Gunter's POVHindi ko inaasahan ang biglaang pagpasok ni Ate Pritz sa aking kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gunter's POV

Hindi ko inaasahan ang biglaang pagpasok ni Ate Pritz sa aking kwarto. Sa ayos namin ngayon ni Lance ay iisipin niyang may ginagawa kaming masama. Wala akong nagawa kundi ang magpanggap na naghaharutan lang kami ni Lance. Inaangat ko ang aking binti para kunwari ay sisipain ko ang kaniyang hinahaharap pero dahil sa taranta ko ay napalakas ang pagsipa ko na ikinaungol niya sa sakit. Habang hawak-hawak niya ang kaniyang hinaharap ay bigla akong tumayo para itumba siya sa kama at dinaganan siya na para bang nagre wrestling kaming dalawa.

"Hoy loko ka Gunter masakit yun!" sigaw ni Ate Pritz.

"Wala yun ate, sanay na kami sa ganitong harutan ni Lance" sabi ko habang tinatapik ang braso ni Lance.

"Ayos ka lang ba Lance?" tanong ni Ate Pritz. Kasalukuyang nakatalikod si Lance kay ate kaya hindi niya makita ang reaksyon ni Lance. Tanging pagsenyas gamit ng kaniyang kamay ang ginawa ni Lance para sabihin okay lang siya pero ang totoo ay namimilipit siya sa sakit.

"Hindi maganda yang harutan nyong ganyan at nagkakasakitan na kayo!" pagsaway niya sa amin. Naawa ako sa kalagayan ni Lance pero kailangan ko pa rin ipagaptuloy ang pagpanggap ko na naghaharutan lang kami ni Lance dahil ayokong maghinala sa amin si ate.

"Oh siya tigilan nyo na yan dahil baka magkapikunan pa kayo. Gaya nga ng sabi ko bumili ka ng broccoli mamaya sa palengke dahil magluluto ako ng beef broccoli mamaya dahil dito daw matutulog si Lance" sabi ni Ate Pritz at ako nama'y tumingin kay Lance na kasalukuyang pinipilit ang pagngiti.

Pagkalabas ng kwarto ni Ate Pritz ay bigla na lang hinablot ni Lance ang braso ko. Mabilis ang naging reaksyon ko kaya naman dumulas ang kamay niya sa braso ko. Napatayo ako sa kama at nang aakma siyang abutin ako ay tumalon ako sa sahig para di niya ako maabot. Nang makita kong patayo siya sa kama ay nanakbo ako sa harap ng pinto at humawak sa door knob. Napahinto siya sa kaniyang kinatatayuan habang hawak-hawak ko ang door knob. Alam niyang hindi na niya ako pwedeng harutin dahil parehas kaming mapapagalitan ni Ate Pritz kapag nakita niya kami.

"Mamayang gabi ka sa akin" sabi niya habang nakangiti pero mas nangingibabaw sa mukha niya ang pagkainis kaya naman nilabas ko ang aking dila para mabanas siya lalo at tumawa ako palabas ng kwarto.

Inabot sa akin ni ate ang pera pambili ng mga sangkap at kaagad akong nagtungo sa palengke. Habang naglalakad ako sa palengke ay panay ang tinginan ng mga babae sa akin. Isang patunay na hindi pa rin nawawala ang charisma ko kahit na nakapangbahay lang ako. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ngayon ko lang ulit naranasan ang pagtinginan ng maraming babae. Hinayaan ko na lang silang magpantasya sa kagwapuhan ko kahit na ang ilan sa kanila ay tipo ko. Nang makompleto ko ang mga sangkap na pinabili sa akin ay bumalik ako sa daan kung saan maraming tindera at babaeng nakatingin sa akin. Kahit na malayo pa lang ako sa kinaroroonan nila ay rinig ko na kaagad ang kanilang tilian sa aking pagbabalik.

"Ayan na ulit siya" sabi ng isang dalagang may suot ng apron. Kahit na pang tindera ang suot niya ay mapapansin mo pa rin ang kaniyang kagandahan. Napangiti na lang aot na ko sa kaniyang sinabi.

"Mukha siyang artista mamang" sabi ng isang bakla sa kasama niyang tindera ng gulay. Pakiramdam ko tuloy artista talaga ako pagdumadaan ako dito.

"Mas gwapo kaya siya kapag wala siyang suot na shades?" tanong ng isang babae habang kinikilig.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko at napaisip dahil wala naman akong suot na shades kaya naman bigla akong lumingon sa aking likuran. Nakita ko ang lokong si Lance na nakasuot ng shades at suot suot pa rin ang polo niyang black na pinaresan ng pants ng black din. Mukha siyang kasama sa casting ng MIB sa suot nya. Sino ba naman ang pupunta sa palengke na ganito ang suot? Noong una ay nagpanggap pa siyang hindi ko siya napansin at kunwaring tumitingin sa mga paninda. Naglakad ako para iwanan siya pero mabilis niya akong hinabol.

"Eto naman hindi mabiro, akin na ako na magbibitbit" sabi niya habang nakangiti at kaniya kaniyang tilian ang mga babaeng nasa paligid namin. Sa sobrang kahihiyan ko ay binigay ko lahat ng pinamili ko sa kaniya at naglakad nang mabilis.

"Hoy antayin mo naman ako!" sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon at nanakbo na ako pauwi sa bahay.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon