Ayaw man ay nagpunta si Robyn sa bahay ng mga magulang. Pinilit din kasi siya ni Joaquin, ayaw nitong maging dahilan ng pagkakagalit nilang mag-ina, yun ang sabi sa kanya ni Joaquin.
Gamit ang kanyang kotse ay sinamahan pa siya ni Joaquin sa bahay ng kanyang mga magulang. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Pero, yun ang akala niya.
Parang nalula si Joaquin sa laki ng bahay nila Robyn. Pagbaba nila ng kotse ni Robyn, ay napanganga talaga si Joaquin sa laki ng bahay nito.
Mukhang antique na ang mala mansion na bahay nina Robyn, at ang bakuran pa lang nito ay napakalawak na.
Napasipol si Joaquin, at ngumiti ng malungkot sa kanya si Robyn, “huwag kang masyadong humanga Joaquin, minsan bahay lang ang maganda” ang sagot ni Robyn.
Papalapit pa lang sila sa malaking pinto ng bahay nang bumukas iyun, isang mestisang matandang babae ang tumayo sa pintuan at hinintay sila.
Nang makalapit ay kita agad ang disgust sa mukha nito. Lalo na nang makalapit na sila.
Agad na lumapit si Robyn sa kanyang mommy at humalik sa pisngi nito. Pero hindi naalis ang inis sa mukha nito.
“Kanina pa kita tinatawagan, where have you been all this time?! We’re going to be late for misa de gallo” ang galit na sabi nito kay Robyn.
“May pinuntahan lang kami ma, ahm, siyanga pala si Joaquin po, estudyante ko sa University” ang pagpapakilala no Robyn kay Joaquin sa kanyang mommy.
“Magandang gabi po, Mrs. del Valle” ang magaling na bati ni Joaquin.
Pero hindi man lang ito sumagot kundi umismid lang sa kanya, tapos ay muling hinarap nito si Robyn.
“Robyn this is a FAMILY affair, EXCLUSIVE ang dinner para sa del Valle family” ang malakas na sabi nito kay Robyn, talagang ipinarinig nito kay Joaquin ang sinabi.
“Inihatid lang po ako ni Joaquin” ang sagot ni Robyn at nakaramdam siya ng hiya dahil sa sinabi ng ina.
“I’ll wait for you inside” ang sabi sa kanya ng kanyang mommy bago ito tumalikod at naglakad pabalik sa loob.
Agad na humarap si Robyn kay Joaquin, “Joaquin I’m sorry” she sighed, “sinabi ko na sa iyo na bahay lang ang maganda rito, ang nakatira hindi” ang sabi ni Robyn na nanginginig na ang boses.
Ngumiti si Joaquin, pero may kurot sa kanyang puso, napagtanto niya na napakalayo ng agwat nila ni Robyn. Isang ilusyon lang para sa kanya, ang pagkakaroon ng relasyon kay Robyn.
“Wala iyun Robyn, sige na pumasok ka na sa loob, papasok na rin ako, merry Christmas ” ang sabi ni Joaquin, saka siya tumalikod at naglakad papaalis.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Robyn, habang nakatanaw sa papaalis na si Joaquin. Plano pa naman niya na mag spend ng pasko kasama si Joaquin. Ang ibigay ang puso at sarili niya para rito. Pero nawala ng lahat ng balak niya.
Matamlay na pumasok si Robyn sa loob ng kanilang malaking bahay. Naroon na ang iba nilang kamag-anak, at binati siya ng mga ito. Halos mapuno ang kanilang bahay sa dami ng kamag-anak, pero, ang puso niya ay hungkag ang loob nito.
Sumama si Robyn sa simbahan, pero ni isang salita sa sermon ng pari ay wala siyang naintindihan. Ang tanging pumukaw ng atensyon niya, ay ng banggitin ng pari, na dapat raw sa araw ng pasko, ang ating pinakamamahal ang ating kasama.
Hanggang sa pagbalik nila sa kanilang bahay, ay di kumikibo si Robyn. Para siyang zombie na nasa gitna ng kasiyahan. Nakaupo na sila sa hapag ng biglang dumating si Luis.
Sa unang pagkakataon mula ng pumasok siya sa kanilang bahay nung gabing iyun, ay nakitaan ng emosyon at reaksyon ang kanyang mukha.
Napuno siya ng galit ng makita si Luis, na magiliw na nakipagkamay at humalik sa mga kamag-anak nila na nasa harap ng dining table.
At nang binati na nito ang kanyang daddy at mommy, Robyn had enough! That was so insulting for her already. Ang lalaking muntik na siyang molestiyahin ay nakuha pang papuntahin ng kanyang mga magulang sa kanilang bahay? Hindi makapaniwala si Robyn.
“What is he doing here?” ang galit at hindi makapaniwalang tanong ni Robyn, while she eyed Luis.
“Iha, he’s our family friend” ang takang sagot sa kanya ng kanyang daddy.
“After what he’s done to me?” ang galit na tanong ni Robyn.
“What is she talking about Amelia?” ang tanong ng kanyang daddy sa kanyang mommy, na tumikom ang bibig.
“You know what” ang sabi ni Robyn sabay tayo” this is too insulting for me, aalis na ako, Merry Christmas” ang galit na sabi ni Robyn, at nagmamadali siyang naglalakad palabas, habang naririnig niya ang galit na pagtanong ng kanyang daddy sa kanyang mommy at Luis.
At sa bawat hakbang niya ay parang may spring ang kanyang mga paa, naisip niya muli ang sinabi ng pari. Sa araw na ito dapat ang ating kasama ay ang taong pinakamamahal natin. Kaya nagmadali siyang sumakay sa kanyang kotse at nag drive papunta sa bar. Papunta kay Joaquin.
Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bar. Natagalan pa siyang makahanap ng pwede niyang pag-parkan ng kanyang kotse. At pagpasok niya sa loob, ay nagsimula na ang party.
Ang ibang ay dito nag celebrate ng kanilang pasko kasama ang kanilang mga kaibigan, partners, at pamilya. Kaya napakaraming tao sa loob.
Mukhang busy si Joaquin, ang sabi ni Robyn sa sarili. Sumiksik siya sa loob ng maraming tao, maya-maya ay natanaw na niya si Joaquin.
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha, napansin niyang halos siksikan na rin ang tao sa bar counter. Nakita niyang may kaharap na babae si Joaquin, at parang may sinabi ito sa kanya dahil nakita niyang nagsalita si Joaquin.
Maybe she’s asking for another drink, she thought, malapit na siya sa counter, nang biglang, hilahin ng babae ang ulo ni Joaquin at siniil ito ng halik.
She was shocked, she froze on where she stood. At parang nadurog ang puso niya at biglang nabura ang ngiti sa kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
The Accidental Callboy [ Completed] © Cacai1981
Romansa(for mature readers only! 18+) "Joaquin, I'm demanding you to not go any further" ang sabi ni Robyn habang naglalakad paatras at nakaturo ang kanyang index finger kay Joaquin. She's afraid of what she's feeling towards him. Para bang sasabog ang kan...