JEROME's POV
Pagkatapos kong pumirma ng kontrata, ay agad kong tinawagan si Anne.
"Pwede ba tayong mag-usap in person?"
"Sure. What time?"
"5 PM sa meeting place natin."
"Okay, see you there :)"
Ito ang araw na kung saan kailangan kong bitawan ang isang kaligayahan ko, alang-alang sa isa kong kaligayahan. Ito rin ang desisyon na sa tingin ko pagsisisihan ko sa huli. Alam kong masasaktan siya pero para maabot ko yung dream na gusto ko, kailangan kong gawin ito. Para makapag-focus ako. Hindi sa sagabal siya sa buhay ko, pero kailangan na hindi nahahati ang atensyon ko sa mga bagay-bagay.
Alas singko na ng hapon at kinakabahan na ako. Alam kong mahirap pero kailangan kong gawin para sa'min, sa'kin. Ngayon lang ako magpapaka-selfish para sa pangarap na gusto ko. Babalikan ko rin naman siya kapag nagawa ko na ang lahat.
Natanaw ko mula sa malayo ang babaeng minahal ko at minahal ako. Nangingilid ang luha sa aking mga mata nang makita ko kung gaano siya ka-saya nang makita ako. Napapaisip tuloy ako, kung itutuloy ko pa ba ang desisyon ko o ipaglalaban ang relasyon na meron kami.
"Hi, kanina ka pa?"
Shit! 'Wag ka ngang ngumiti please? Lalo akong nasasaktan sa gagawin ko, lalo akong magpipigil na gawin ito.
"Huy! Baka matunaw naman ako niyan?"
Tinititigan ko lang ang kanyang mukha. Huling araw na masisilayan ko ito na may matamis na ngiti sa labi.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Huling araw na mayayakap ko siya ng gan'to.
"Ayos ka lang ba?"
Humiwalay ako sa pagkayakap sa kanya. Muli, tinitigan ko ang kanyang mga mata kasabay ng paghawak ko sa kanyang mga kamay.
"Anne..." Tumigil ako sumandali at huminga ng malalim
"Maghiwalay na tayo." Unti-unting nawala ang mga ngiti niya sa labi.
Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging busina lang ng mga sasakyan ang maririnig.
"Bakit Jerome? Kulang pa ba ako? Ipaliwanag mo sa'kin, bakit?"
"May mga bagay na hindi na dapat ipaliwanag."
"Seryoso ka ba? Papayag nalang akong makipaghiwalay ka nang hindi ko alam ang dahilan?! Jerome naman, 'wag mo naman akong gawing tanga!"
"Ayaw kong saktan ka kaya ayaw ko nang ipaliwanag pa."
"Sinasaktan mo na ako ngayon Jerome. Bakit hindi mo pa lubusin?"
Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy, "Anne, sana maintindihan mo ako kung bakit pipiliin ko ang pangarap ko."
" 'Yan lang ba? Ang babaw mo naman! Pwede mo namang abutin yang pangarap na 'yan habang nasa tabi mo ako. Hadlang ba ang tingin mo sa'kin, ha?!" Unti-unti nang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.
"Hindi naman sa gano'n. Kailangan wala akong ibang iniisip. Kailangan mas isipin ko yung goal na maabot ang pangarap ko."
"Gano'n na rin 'yon. Napakaselfish mo naman. Bakit ako, naabot ko naman ang pangarap ko habang may relasyon tayo. Mahirap bang abutin yang pangarap mo?"
YOU ARE READING
Sacrifice
Short StorySacrificing love over career Play this while reading the story: https://youtu.be/9Fqszuma1zQ