PROLOGUE
I've been inlove with my bestfriend since hmmmmm.. 6 years ? uhh no. Almost 7 years na pala eh kasi naman hanggang ngayon lakas pa din ng tama ko sa kanya ee. haha
Matagal na kaming magkaibigan ni Raven. Yes, my bestfriend's name is Raven Eli Mcdo. Naging friends kami since we were in grade 3. Asar masyado yan ee. Ang lakas mang-asar ee pag gantihan ba naman napipikon. tsss
Asar na asar ako noon dahil ikaw ba naman pagtulungan kang asarin ng mga kaklase mo na pandak. Matutuwa ka ba naman nyan? syempre hindi diba. Tawagin ka ba namang pandak, maliit, at ang worst bonsai. -.- ang saya diba.
Dahil galit na galit na ako nun may isa akong kaklase na lalake na lumapit sa ibang mga kaklase ko sabay sabi "ang iingay nyo naman. Alam nating bonsai sya kaya wag na nating ipaalala sa kanya. Sige, kayo din baka di rin kayo tumubo.". Aba't di porket matangkad tong mayabang na to eh ganyan na kung magsalita ! urrghh.
Humanda ka sakin ...
-------------------------------------
A1
Sooooo Sleepy"anak, gising na. malelate ka na naman oh!" - mom
"hmmmmmmm. ee ang aga aga pa mom oh. i'm still sleepy" (-.-,)
"sige na naman Ellie gumising ka na. Magagalit na naman ang kuya mo sayo dahil matagal kang gumising"Niyuyugyog na nga ako ni mommy pero still I'm very sleepy. Ee kasi naman napuyat ako kagabi no kasi pinagawa lang naman ng magaling kong bestfriend ang project niya saken. Ang bait bait niya no? tss. Di niya kasi daw magawa kasi may lakad siya. Sus. If I know manchichix na naman ang gago. Di ko lang talaga siya matanggihan ee. Mahal ko. sssshhh.
"Ellie ! gigising ka ba o hihilahin kita pababa ng stairs !?"
(O_O,) patay. si Kuya Kurt galit na.
"isa!" (O_-)
"dalawa!" (-_O)
"tatlo!" (-_-)
"ayaw mo talaga ha!" nang bigla kong naramdaman ang pagbagsak ko sa floor galing sa bed ko. (O_O)
Napatayo ako bigla. "Kuya naman ee! oo na maliligo na ko. Ang brutal talaga. tss"
"may sinasabi ka ba?" - kuya
"sabi ko maliligo na ko.tsk" Sht naman to oh. Kabanas inaantok pa yung tao ginugulo. tss
@YinYang Academy
*yawn* papikit pikit pa akong naglalakad dito sa hallway. Grabe talaga. Bitbit ko pa tong miniature house na project ni baliw na pinagpuyatan ko kagabi. ambigaaaat. help. ToT
Nang may biglang umakbay sakin na siya namang bumuhay sa tulog kong kaluluwa. haha
"Hi bestfriend" - Raven
ang ganda ng ngiti ng gago. Kung alam mo lang oy! Pagod ako. tsss
"-.-" - me
"oy baliw. Nagawa mo ba project ko?" sabay tingin sa akin.
"eto oh. una na ko bye."
"what happened my dear bestfriend?" - Raven
"Your welcome huh?"
"Thank you !" sabay yakap sakin. "ambait mo talaga Ellie baliw. Una na ko. bye!"
haaaaay. Antok talaga ako ee. Makapunta na nga sa klase ko. Sana naman walang quiz ngayon. Pagkapasok ko sa loob ng room namin ay sinalubong agad ako ng mga close friends ko.