Chapter Fifty-One
NAKANGITING sinalubong si Sachi ng attending doctor ng kanyang anak nang lumapag ang kinalulunan niyang chopper sa helipad ng IMC. Hindi na siya dumaan pa sa mahabang proseso ng pagtatanong kung ano ang pakay niya sa malaking pagamutan dahil mukhang may ideya naman ito kung sino siya.
"How is my daughter, Doc?" Tanong niya sa magandang doktora.
"She's okay. Mabuti na lamang at wala siyang allergy sa gamot. Mabilis na umepekto sa kanya ang medication."
"I'm relieved to hear that."
Bumaba sila sa floor ng kinaroroonang suite ni Saschia. Hindi na pumasok sa loob ang doktora dahil kagagaling lamang daw nito roon para i-check ang pasyente. Ang nadatnan nilang bantay ay si Yaya Magenta. Na kaagad bumakas sa mukha ang tuwa pagkakita sa kanya.
"Tuloy ka. Nakatulog na ang mag-ina mo sa pagkukuwentuhan."
Nang mapatingin siya sa higaan ng pasyente ay magkasama nga roon ang kanyang mag-ina.
"Ah, bababa muna ako sa cafeteria para makapagmiryenda," pagpapaalam ni Yaya Magenta upang marahil ay mabigyan siya ng privacy sa reunion nilang mag-anak.
"Sige ho."
"Sa rooftop na rin muna ako, Sir. Makapag-yosi," paalam naman ni Reyes.
Tinanguan lamang ito ni Sachi. Magkasunurang lumabas ng silid ang dalawa. As if in a trance, maingat siyang lumapit sa kinahihigaan ng kanyang mag-ina. May IV na nakakabit kay Saschia. Mula roon ay bumaba ang kanyang tingin sa payapa nitong anyo habang natutulog. Nakahiga sa tabi nito si Julianna at mahimbing na natutulog habang hawak ang isang kamay ng anak. They both look so lovely. Ang kanyang mag-ina.
His heart swell while staring at the lovely pair before him. He wouldn't trade that sight for anything in the world. Sumakit ang lalamunan niya at bahagyang nagsikip ang dibdib sa tila nag-uumapaw na kaligayahan doon.
Maingat siyang naupo sa gilid ng kama. Hindi niya napigilan ang sariling hagurin ang buhok ng natutulog na anak. Tila ito isang anghel, maamo at tila walang kamuwang-muwang.
"Daddy..."
Sa isang saglit, pakiramdam ni Sachi ay huminto ang pintig ng kanyang puso. Napakasarap marinig ang tawag na iyon mula sa kanyang anak.
"You're here, Daddy," bakas sa mukha ni Saschia ang katuwaan.
"Y-yes, angel. D-Daddy's h-here," his voice cracked.
"What took you so long?"
"Uh, ahm," nag-alis siya ng bara sa lalamunan. "Traffic?"
"Do you have a cellphone?"
"O-of course," mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone. "See?"
"You're not poor, right, Daddy?"
"Ah, ayos lang. Pero may work naman si Daddy, anak. Kayang-kaya ko kayong buhayin ni Mommy kung iyon ang inaalala mo. Kahit pumasok pa akong janitor sa hotel ng Lolo mo maitaguyod lang kayo ay gagawin ko."
"Then, can you stay with me and Mommy? Mommy said we can't call you because there's no cell site at your place."
Parang lalong sumikip ang kanyang dibdib sa sinabi ng anak. Sigurado siyang sinabi lamang iyon ni Julianna dahil ang alam ng nobya ay patay na siya.
"I'm not going anywhere, anak. Never again. Hinding-hindi na ako aalis sa tabi niyo ni Mommy."
"Pinky swear?" Marahan nitong hinila ang ang kamay mula sa pagkakahawak ng ina para makipag-pinky swear sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...