Chapter Fifty-Two
PARANG nasa ulap ang pakiramdam ni Sachi habang kapiling ang kanyang mag-ina. At tila nakaunawa naman ang mga tao sa paligid nila. Tanging si Yaya Magenta lamang at si Reyes ang pasulpot-sulpot sa suite kapag may kailangan silang iutos. Ang mga magulang nila ay dadalaw na lamang daw kapag nakalabas na ng ospital si Saschia.
"Are you going to live with us, Daddy?"
Kalong ni Sachi ang anak at kasalukuyan silang kumakain ng pananghalian.
"Of course, angel. Where else would I be but with you and your Mom."
"But our house is very small."
"Saschia," pinandilatan ni Julianna ang anak.
"But it's true, Mommy. Lying is bad, remember?"
"And I didn't say you have to lie about it. Besides, kahit maliit ang bahay natin kakasya tayo roon kasama ang Daddy mo."
"Do you want to live in a big house?" ani Sachi sa anak.
"Yes, Daddy. I want a big house like Grandpa's and Grandma's house."
"Ganoon kalaki ang gusto mo?" Bahagyang napangiwi si Sachi. Naalala niya kasi kung gaano kagara at kalaki ang mansion ng mga Madrigal.
"Uh-huh? Can you buy us a house like that one, Daddy?"
"Uh, puwede naman siguro, anak. Mag-a-apply na rin akong security guard at bellboy sa hotel ng Lolo mo." Binalingan ni Sachi ang nobya. "Paano ba 'yan, mahal, mukhang twenty-four-seven akong magta-trabaho para makabili ng mansion."
Umirap ito sa kanya. "Ayoko ng mansion. Tama na sa akin kung ano lang ang makakayanan mo. Saschia, do you want Daddy to work all the time so he can buy us a big house?"
"No, Mommy."
"Then don't ask for a big house. Because right now, we can't afford it yet."
"Hm, okay. But can we at least have a pool?"
Magsasalita pa sana si Julianna ngunit mabilis ng pumagitan si Sachi.
"Sure, angel."
Isang hindi-kompormeng ngiti ang ibinigay sa kanya ng nobya. Mabilis niya itong kinudlitan ng halik para mabura ang simangot sa mga labi nito. Wala siyang hindi gagawin para sa kanyang mag-ina. Gasino na ba ang mansion? But at the back of his mind he's cringing. Mukhang kakailanganin niyang maningil sa tatay niya para maibili ng mansion ang kanyang munting anghel.
After lunch ay dumating ang doktor ni Saschia.
"Puwede na siyang lumabas bukas," nakangiting wika nito matapos suriin ang kanyang anak. "Her test are all clear at puwedeng sa bahay na lang din ituloy ang meds niya hanggang sa makumpleto niya ang seven days."
"Thanks, Doc."
Matapos ang ilang pleasantries ay nagpaalam na ito.
Nag-request si Saschia na manood ng Mirror Mirror. Kaagad itong pinagbigyan ni Sachi. Magkakatabi silang naupo sa mahabang couch na nakaharap sa 55" curved TV. Kung wala ang ilang medical equipments doon ay para lamang silang nasa marangyang sala ng isang bahay.
Komportableng nakahiga si Saschia sa mga hita ng ama habang si Julianna naman ay nakasandal sa kabilang side ni Sachi. Paminsan-minsan ay hinahagkan ni Sachi ang ibabaw ng ulo ni Julianna at ito naman ay sinusubuan siya ng pop corn. Ipinabili pa niya iyon kay Reyes para may makukukot sila habang nanonood.
Comedy ang tema ng movie. At tawa nang tawa si Saschia. Pero siya ay medyo inaantok na. Nakakalimutan niya lang ang antok niya sa tuwing susubuan siya ni Julianna ng pop corn. Hinuhuli niya kasi ang kamay nito atsaka pasimpleng sinisipsip ang cheese flavor na nakadikit sa mga daliri nito. Impit itong napapaungol sa tuwing gagawin niya iyon. He missed her moans and cries of pleasure in the heat of their love making.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...