Chapter Fifty-Five
DAHIL kagagaling lamang sa sakit, minabuti ni Julianna na kausapin ang teacher ni Saschia para makapagpahinga pa ito ng dalawang araw. Isa pa, sa nakikita niyang pagkasabik nito na makasama ang ama ay mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin itong pumasok na ng eskuwela.
"Where are we going, Daddy?"
Naisip ni Julianna, naunahan lang siyang magtanong ng matabil na anak. Araw iyon ng Martes at biglang nagyaya si Sachi na may pupuntahan daw sila.
"Are we going to the mall, Daddy?" pangungulit pa ng anak.
"No, angel. It's a surprise."
"Oh, I thought we're going to the mall. You said you'll buy me a new Teddy."
"Of course, hindi ko naman nakakalimutan 'yon, anak. Pero after this surprise na inihanda ko para sa inyo ng Mommy mo, baka makalimutan mo si Teddy."
Binuksan ni Sachi ang pinto ng Bentley Continental GT nito upang paupuin sa backseat ang anak. Ito na rin ang nagkabit ng seat belt ni Saschia hanggang sa komportableng makaupo ang bata.
"Do you want to watch a movie para hindi ka mainip?" tanong nito sa anak.
"Nope. Will you sit beside me, Daddy?"
"Magda-drive si Daddy."
"Then can I just sit on the front seat?"
"You can't. Bawal pa 'yon sa edad mo. Gusto mo bang hulihin ng pulis si Daddy?"
Mabilis itong umiling.
"Good. So, behave, okay? Kapag malaki ka na like Mommy, puwede ka ng maupo sa front seat."
Napanguso ito. "That's too long."
Sachi chuckled and kissed her pout. "Mabilis lang 'yon, angel."
Pagkuwa'y si Julianna naman ang iginiya nito sa passenger seat. Naunahan pa nito sa pag-abot ng seat belt si Julianna. Nang maikabit ay kaagad nitong sinakop ang mga labi ng nobya. Mainit at mapusok na kamuntik na nitong ikalimot.
"Daddy, stop. Don't eat Mommy's lips!" tili ng munting anghel sa backseat.
Natatawang lumayo si Sachi. Tinampal naman ito ni Julianna sa dibdib. Alam ng may kasama silang bata hindi nag-iingat.
"Sorry. Akala ko kasi candy ang lips ni Mommy. Ang tamis," tumatawang sabi nito. Mabilis itong umikot sa kabila at naupo sa driver's seat.
"It's not. Don't do it again, Daddy."
"Yes, Ma'am," pabirong sinaluduhan ni Sachi ang anak saka pinatakbo na nito ang sasakyan.
Nangingiti lang si Julianna sa usapan ng kanyang mag-ama.
"Saan nga ba tayo pupunta?" hindi nakatiis na usisa niya sa kasintahan.
"Mag-nanay nga kayo. Parehong makulit."
Napasimangot siya. Ngumiti lang ito sabay kindat sa kanya.
"Surprise nga po, mahal na kondesa."
Hindi naman naging kainip-inip ang biyahe dahil walang trapik at hindi rin rush hour.
"Hindi mo yata kabuntot ngayon si Kuya Sig," tukoy niya sa bodyguard nito na ang pangalan ay Sigmund.
"Pinauna ko na siya sa pupuntahan natin. Isa pa, kung ako ang tatanungin ay ayaw ko na rin namang magkaroon pa ng bodyguard. Kaya lang naman ako pumapayag dati dahil ayaw kong mag-alala sina Mama at Papa kapag bigla na lang akong nawawalan ng malay."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
Любовные романыIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...