Moonlight

26.9K 892 53
                                    

Chapter Fifty-Nine

"HAPPY?" tanong ni Sachi habang nakayapos ang dalawang braso nito sa beywang ng asawa mula sa likuran.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Julianna at marahang tumango.

"Yes, very happy," nakasandal siya sa dibdib ng asawa habang pinapanood nila sa di-kalayuan ang anak na enjoy na enjoy sa paglangoy sa mababaw na parte ng dagat. May swimming ring itong gamit at naka-antabay rito ang kasamang yaya. "Kung hindi lang masisira ang bakasyon natin, gusto ko ng bumalik ng main land para ma-confirm natin sa doktor kung buntis nga ako."

"Tsk, sigurado ako. Ako pa?"

"Yabang," malambing niyang kinurot sa braso ang asawa.

"Proven naman, di ba?"

Natawa siya. "Oo na nga. Sana hindi maging kasing-bratty ng panganay natin."

"Hindi 'yan. Dalawa naman tayong didisiplina kaya sigurado akong magiging maayos ang paglaki ng mga anak natin."

"I'm thinking about quitting my job for a while. Siguro naman ay maiintindihan 'yon nina Daddy."

"Sa akin, pabor na pabor ako sa desisyon mong 'yan. Dahil ibig sabihin no'n ay magkakaroon ka ng maraming time para sa aming mag-ama. Pero mas maganda kung kakausapin mo muna sina Mommy at Daddy. Put into consideration na rin na buntis ka kaya mas maganda kung nasa bahay ka na lang muna."

Napangiti si Julianna dahil sa himig ng pagsasalita ng asawa ay siguradong-sigurado na talaga itong buntis siya.

Nang gumagabi na ay niyaya na nilang umahon si Saschia. Sa tabing-dagat na rin sila kumain kung saan gumawa ng bonfire si Sachi at tuwang-tuwang nag-ihaw ng marshmallow ang kanyang mag-ama. Every moment was very memorable. At masaya si Julianna na kunan ng video at pictures ang mga ito. Hindi siya sigurado kung kailan mauulit ang sandaling iyon, pero titiyakin niyang sa bawat pagkakataon sa kanilang buhay ay magkaroon sila ng bonding time na buong pamilya.

Pagkatapos nilang maghapunan ay bumalik na sila sa kanilang cottage. Kusang sumama si Saschia sa yaya nito dahil tatapusin pa raw nito ang ginagawang necklace mula sa pinamulot na sea shells. Ngunit sa tagal ng paglalaro nito sa tubig ay may palagay siyang makakatulog ito kaagad.

"Care to dance?" malambing na tanong ng asawa pagpasok nila sa kanilang silid.

"Dance? Wala namang tugtog," pero kahit sinabi iyon ay ikinawit niya ang dalawang braso sa leeg nito habang ito naman ay ipinaikot ang dalawang bisig sa kanyang beywang.

"E, di kakanta ako."

"Hm, sige nga."

Hindi man tipong pang-Christian Bautista ang boses ng asawa niya ay passable naman at hindi tunog-lata.

"This very moment, right here and now. Begins the journey of my dreams. On to forever, hand and hand. With the one who matters most to me. I have tomorrow to look forward to, for God has given me to you."

Biglang nagbara ang lalamunan niya sa emosyon. Iyon ang kantang sinayaw nila sa reception ng kanilang kasal. And it's very fitting. Pakiramdam niya ay isinulat ang kantang iyon para ilarawan ang lahat ng nararamdaman niya, ang damdamin nila para sa isa't isa.

"To have and to hold, to cherish and to honor. To love and call my very own. To share all I am with. Body, heart and soul. You are mine as I am yours, to have and to hold." 

"How long have you known this song?" naiiyak na tanong niya sa asawa.

"I memorized it after hearing it for the very first time sa reception no'ng kasal natin."

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon