How Do i UnLove You?

124 7 10
                                    

STORY DEDICATED TO @Awishoi.

Nainlove ka na ba sa isang tao?

Yung tipong, Hindi ka mapakali pag di mo siya nakikita? Di ka maka-concentrate sa ibang bagay kasi siya iniisip mo? Magdamag kang nakatingin sa ulap at humihingi ng hiling sa bituin na sana mainlove din siya sayo?

Well. I have to admit ang corny ko para gawin yan bilang lalaki ako.

Pero pano? Sobrang inlove na talaga ako. Pano ba ko mag-momove-on? MOVE ON?!!

.

Nung una kitang makita hindi ko inakalang magiging Importante ka saakin.

Naghahanap ako ng school noon.

Kasi nagsara yung school pinag-aaralan ko nung 2nd year High school ako.Ewan ko ba dun. Nagtanong tanong ako. Hanggang sa pinilit ako ng pinsan ko na dun nalang raw sa school nya. Kesho atleast may kilala raw ako. Echetera ang tabil nya. Kaya pumayag nalang ako.

First Day of school bilang Third year umupo ako sa likod mo. hindi naman kita napansin dahil busy ako maglaro ng Rubik's cube kasi adik ako sa game na yon noon. And at the same time wala akong panahon para tumingin sa mga babae. Rubik's Cube at studies lang, Payt na

Nang dumating na yung Teacher natin, pinatayo nya ako. Magpakilala daw ako.

"Goodmorning ma'am. Im Felix Correm. I am a transferee from" bla bla bla masyadong mahaba yung sinabi ko.

Hindi ko talaga inisip na isang araw maiinlove ako sayo ng sobra.

Nasa canteen ka noon.

Kumakain ka ng burgers.

Pinansin mo ako. Tawag mo pa nga saakin non, 'transferee' malamang transferee nga ako nun.

Ngumiti lang ako kasi nahiya ako. Di pa kita kilala nun. pero yung mga bukambibig ng kaklase ko, "maganda yan" , "kaso maingay" , "mabait yan" , kaso "puro tawa lang alam" , di lang yan. Marami pang iba.

Oo, maganda ka...

Pero wala lang talaga sa vocabulary ko ang Love.

Wala eh. Inaasar mo lang ako. paminsan-minsan sabi mo, "Ang gwapo mo." Iba yung naramdaman ko. pero hinayaan ko nalang.

Maraming lumalapit saking mga babae. Lalo nung nag Acquaintance tayo, isa-isa ko silang sinayaw.

Isasayaw na sana kita nang matapos ko yung isang Kanta. Hinanap kita. Hinanap kita ng hindi ko alam ang rason. Dun ako nagtaka.

Eh ano kung di kita naisayaw? Ano kung hindi kita makita?

Hindi ko Alam.

Pinalipas ko yung gabing yun.

Siguro nga wala lang yun.

Sabi ko sa sarili ko.

Wala paring nangyari hanggang sa magbakasyon na tayo.

Maraming nagbago nun.

Nagmature ako.

Dun ko narealize.

Bakit namimiss kita? Bat hinahanap-hanap kita? bakit di ako mapakali? Bakit iniisip kita lagi? Iniisip mo rin ba ako?

Napatigil ako nun.

SHIT. INLOVE AKO.

Ginugol ko yung bakasyon sa pag iisip sayo. Pag iisip kung sasabihin ko ba? manliligaw ba ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOW DO I UNLOVE YOU? [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon