Section A

48 5 2
                                    

PROLOGUE

Tumatakbo siya sa isang madilim na iskinita. Hinahabol ng dalawang lalaki. Hindi siya makalayo. Natagpuan niya ang sarili na nakahandusay sa kalsada. Kung tinulak o nadapa ay hindi niya alam. Sa di kalayuan ay natanaw niya ang maliwanag na mga signboard at mga taong naglalakad. Kaunti na lang ay ligtas na siya ngunit parang napakalayo.
Napakalayo...
Unti-unti na lumapit ang dalawang lalaki. alam na hindi na siya makakatagpo ng kaligtasan. Madilim ang iskinita, maingay sa paligid. hindi siya maririnig.
"Huwag po. Maawa po kayo. Heto na ang bag at alahas ko! Kunin niyo! Just please, don't hurt me!"
Hindi umimik ang dalawang lalaki.
Ngunit napatigil sila ng may dumating. tila ba lumabas sa dilim.
-its my dark savior! Stepping from the shadows to save me!-
Tumunog ang alarm.
Napabalikwas sa pagbangon si Pia. Isang panaginip. Palaging tungkol sa kanyang dark savior. Ilang beses na niya napapanaginipan ang misteryosong tao na yon. Lagi siyang sinasagip sa tiyak na kapahamakan.
Tumingin siya sa orasan. Alas otso ng gabi na. Kailangan na mag ayos para sa girls night out nilang magkakaibigan.

CHAPTER1

Unang araw pa lang sa kolehiyo ay alam na ni Pia na hindi sila magkakasundo ni Veyn. Isang paniniwala na lalong nabigyang kasiguraduhan ng minsan ay nagkamali siyang humingi ng bond paper sa naturang lalaki.
"Nakakainis talaga ang bading na yan! Humingi lang ako ng bond paper kanina.." Ani Pia sa kabarkada niyang si Kathy.
"Bakit? Hindi ka binigyan? Sinungitan ka?"
"Hindi naman. Pero grabe siya makatingin. Para bang binabasa niya ang kaluluwa ko. Ang tagal tumitig sa mata ko. Tapos, walang imik na inabot ang papel." Sabi ni Pia habang sinusuklay ang kanyang buhok na maikli.
"Pia naman.. Baka type ka." Biro ni Maureen. Isa pang kabarkada.
"Ano ka ba Mau? Wala akong balak pumatol sa weirdong bakla na yan!"
"Ssst! Tahimik na! Padating na ang theology prof natin." Sita ni Kathy.
Ang pinag uusapan nilang lalaki ay nasa bandang likod ng silid-aralan. Nakaupo. tahimik. Nilalaro ang mga singsing at kwintas na suot habang naghihintay ng guro. Paminsan minsan ay tinitingnan ang kuko na kinulayan ng itim na cutex.
Kung naririnig niya ang pinag uusapan ng tatlong babae sa harap niya ay hindi siya halata.
Pagdating ng guro ay inayos na niya ang pagkaka upo para sa isang oras na lecture. Malapit na ang alas dose. Kaunting hintay na lang at uwian na. Tambay na naman.


CHAPTER 2

"Ayoko na! Hindi ako makagawa ng maayos! Ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ni Pia sabay hampas sa drafting table.
Si Mau na naglilinis ng kuko ay tumingin kay Pia..
"Iwanan mo muna yan Pia. Next week pa ang deadline ng plate nating yan para sa architecture. Kita mo si Kathy, relax na relax lang at nanunuod ng TV."
Nasa sala ng inuupahang condo ang tatlong magkakaibigan. Naisipan nilang mag sarili gawa ng mas nakakapagod ang araw araw ay umuwi sa kani kanilang tahanan. Palibhasa ay mga may kaya and pamilya, hindi sila nahirapang kumbinsihin ang mga ito.
"Gimik tayo mamaya. I need to unwind. Baka makakuha ako ng inspiration sa Malate."
"Inspiration? Pia ha? Kinakati ka na naman." Pabirong hirit ni Kathy.
"Sira!" Sabay bato ng eraser kay Kathy.
"Sa akin, ok lang. Tara! Lilinisin ko na ang kotse."
"Sige Mau, habang naglilinis ka, tatawagan ko na si Mike."
"Hep, hep, hep Kathy.." Sinampay ni Pia ang braso sa balikat ni Kathy.
"Huwag mo na isama yang si Mike. We' ll make it a girl's night out! No boys. Dun na lang tayo hahanap ng ka date."
"Tama. Lugi kami ni Pia na walang boyfriend."
"Kasi naman Mau, sagutin mo na yang si Louie. Bagay naman kayo e." Biro ni Kathy at pinag dikit ang dalawang hintuturo.
"Tse! Tulungan niyo na lang ako maglinis ng auto ko."
Habang nagbubuhos ng tubig so Kathy sa maroon na mitsubishi ni Mau ay napatigil siya.
"Pia.."
"Bakit Kat?" kasalukuyang binu brush niya ang front wheel. Nakaluhod ito at lumuluwa ang dibdib sa neckline ng maluwag na t shirt.
"Tingnan mo." Tumuro ang labi ni Kathy. Tinatanaw ang kalsada.
"Ano ba yun?" Tanong ni Maureen na natigil din sa pag wipe ng windows.
"Di ba Pia si Veyn yan?"
Si Veyn nga. Naglalakad at may kasamang babae. Naka alalay ang braso. Ang babae ay naka uniporme ng SPC-QC. Maganda, may kapayatan at medyo mahaba ang buhok.
Nang makalampas ang dalawa ay nagsalita si Kathy.
"Naku Pia! Baka mapunta pa sa iba si Veyn. Ligawan mo na. Di ba vibes kayo?"
"Bastos!" Binuhusan ni Pia ng isang tabong tubig si Kathy habang humahalakahak ito.
"Kunyari ka pa! E ikaw itong nanghihingi sa kanya ng papel gayong meron naman ako."
Sambit ni Mau na mangiti ngiti.
"Isa ka pa Mau ha?" Naka pamewang na sagot ni Pia.
"Bakit ba hindi?" Mukha namang mabait si Veyn eh. Hindi ko nga alam kung bakit kumukulo ang dugo mo sa kanya." Ang sabi ni Kathy na basang basa.
"Oo nga Pia. Kahit itanong mo pa kay Mike. Alam ko, nakakakuwentuhan nuon si Veyn. Ano ba ang nasabi sa yo ni Mike , Kathy?"
"Well.. sabi ni Mike.."
"Hindi! Ayoko marinig! Hindi ako interesado!" Pag bara ni Pia.

Traydor ang Pag IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon