Simula

59 4 1
                                    

     Wahhhhh si mayluvs nakatayo sa harapan ko maygoshhhh  . Hala bakit papalapit sakin siya sakin. Maygoshhhh nakangiti pa , konti nlng geh lapit paaaaa mayluvs ayan naaaaaaaa konti nalng makakayakap ko na siyaa----
"Xyraaaa bangon na!!"
*blag*
"Wahhhhh mama naman ehhhhh" sigaw ko pabalik kay mama pagkatapos kung tumayo sa pagkakabagsak , ehh kasi naman ehhh konting konti nalang talaga ehh makakaharapharapan ko na ang mayluvs ko ng malapitan at mayayakap ko na ehh..
"Nakung bata ka! Maligo kana" sagot naman ni nanay pabalik sa mapang-asar na tono..
Ayy oo nga pala ipapakilala ko ang sarili ko habang naliligo ako . Ako nga pala si Xyra Jane Lavendi  18 years old , maypagka baliw ,may pagka clumsy , at happy go lucky na babae, minsan naman nag huhugot kapag dinadapuan na ng kabaliwan ,tawag ng iba saakin ay emoji , ewan ko ba sakanila kung bakit emoji tawag nila saakin ehh .Atsaka yung mayluvs ko ay si D.O ng EXo kpop boy group., nakuuu idol ko talaga sila lalong lalo na siya kasi naman ehh..O siya tama na ang daldalan at malalate na talaga ako.
"Xyra mag-ingat ka sa daan ha?" Paalala ni nanay saakin, yan yung palaging paalala niya sakin parati kasi kung di ako matitisod ng bato sa daan ehh mahuhulog ako sa kanal, ayy ewan ko ba. Maswerte nalng ako kung makakapunta ako sa school ng walang dumi o galos sa katawan.
" Opooo nay, byeee lovee u much!" Sagot ko naman sakanya sabay halik sa pisnge at patakbong tinahak ang daan patungong school.
So itutuloy ko ang pagkekwento. Si tatay tricycle driver habang si nanay naman tindera ng maliit na tindahan namin sa bahay , may kapatid akong lalaki si Peter 15 years old , naku~ palaging kumukulo ang dugo ko sa kapatid kong yan. Ehh kasi naman ehh palaging nang aasar.O nga pala pareho kami ng school na pinapasukan. Nung bata nga kami palagi kaming may palo galing kay nanay kasi nagsusuntukan kami o di kaya nagkakarate sa isa't isa  at kapag nakita kami ni nanay nag gaganyan , ayy naku palo agad ang ibubungad niya sa amin hahahaha. May mga kaibigan akong mga baliw rin katulad ko buahahahah pero mas baliw ako hahaha.
*tugsss*
"Aray ko po!" Ang sakit nun ahh, sinong taena ang pumatid sakin.
" Ah ikaw palang bato ka" sabi ko sa sarili ko nang makita ko ang salarin , at linapitan ko to at pinapatid yung batong  pumatid saakin.
"Tae ka ang sakit ng ginawa mo sakin ahh!"sigaw ko sa bato kahit alam ko naman sa sarili ko na ako yung may kasalanan kasi di ako tumitingin sa dinadaanan ko . Wala akong pake kung tawagin man akong baliw makaganti lang ako sa batong to.
*Tugss*
"TAEEEE kang bato kaaaa!" Sigaw ko , kasi namn ehh napatid ulit ako wahhh.
"Hala paktay late na talaga ako!" Natataranta kong sabi sa sarili ko habang tumitingin sa aking relo , kaya dalidali akong tumakbo patungong school.
Pagdating ko sa harap ng classroom namin ay rinig ko na ang aming guro sa first subject , nakuu naman masungit pa naman to , yung bato kasi ehh wahhh.
Kaya dahan dahan akong lumakad sa likod habang nakayuko at tinatanaw kung nakatingin ba si Ms.Pait ay este Ms. Capaitan pala.
*bogshhh*  taeng bag yan tinisud ako
"MS.LAVENDIIII!!" hala patay , wala na finish na , You have been slained
"Yes Ms.Pai--Ms.Capaitan? Hehe" Sagot ko pabalik sakanya pagkatapos kong tumayo sabay kamot sa ulo ko at may ngiting alanganin.Nakatingin naman ang buong kaklase ko sakin.
"Late kana naman at inistorbo mo pa ang klase ko !!.
At bakit late kana naman ?!" Sigaw nito habang lumalaki ang botas ng ilong nito dahil sa galit.
" Kasi ma'am yung bato kanina pinatid ako kaya ginantihan ko rin at pinatid ko din siya kaya di ko namalayan na late na pala ako hehe" madalian kong sagot kay ma'm habang may alanganing ngiti.
"HAHAHAHAHAHAHA TANGINA LAUGHTRIP KA TALAGA XYRA"
"HAHAHAHAA GRABI PATI BATO PINATULAN"
"GAGO HAHAHAHA"
"HAHAHAHAHA AYAN KASI DI TUMITINGIN SA DINADAANAN"
tawa at komento ng mga kaklase ko matapos kung sagutin ang tanong ni ma'am.  Ang wierd talaga nila , wala namng nakakatawa , ehh totoo naman talaga ahh hayst minsan talaga di ko sila maintindihan.
"QUITE!!!" sigaw ni ma'am na halatang galit na talaga
"Xyra nakung bata ka wala kana talagang matinong sagottttt!! . Hala sige umupo kana. Next time na malate ka pa di na kita papapasukin sa klase ko understood?!!"
"Yes ma'am" sabay salute sakanya at nagmartsa na patungo sa aking upuan.
Pagkaupo ko ay siya namang pagpatuloy ng klase at natahimik na rin ang mga kaklase ko
"Okay lets continue blah blah blah blah..."
*Kringgggg*
Hay sa wakas tapos narin ang klase
"Oiii Xyra tara recess na tayo!" sigaw ng mga kaibigan kong nasa labas na, akalain mo nga naman oh , nauna pa saking lumabas.
" Papunta na!" sagot ko at lumabas na
Habang papunta kami sa canteen ay nakita namin si crush
"Xy si Jason ohh" malakas na pagkakasabi ni Marian saakin , nahalata naman agad ng iba pa naming kaibigan kayaaaa
"Ayyyieeeeeeeeeeee" ang ingay nila maygosh buti nlng malayo siya samin , kasi kung hindi, naku nakakahiya yun kung ganun
"Tumigil nga kayo mga bal-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nadapa ako
"Oi Xy anong nilalangoy mo diyan wala namang tubig?" tanong ni Jackie habang pinipigil ang tawa
"Hahahahahahaha" tawa  nila Marian, Rosie, Aira at Julie. Mga walangyaa tinawanan pa ako, buti nalng walang masyadong tao kaya dalidali akong tumayo na parang walang nangyari at nagpatuloy na sa paglalakad pero mabilis na
"OI XY HINTAY" sigaw nila sakin at tumakbo
"Di ko kayo kilala "sagot ko sakanila habang nakabusangot ang mukha
" Ay nagtampo" tawangtawa na sabi nila sakin
_______Research time 4:00 - 5:00_______
Habang nakatambay kami sa classrom , wala kasi kaming teacher sa oras na ito kasi busy.
Nakita ni Rosie si Jason kaya dali dali akong lumapit sakanya
"Asannnn?" Tanong ko sakanya na may pagka excite sa tono mg aking boses
"Ayun ooohhh"sambit niya sabay turo kay Jason na nasa katabing classroom namin na may kausap na babae at hindi lang basta nag uusap , nagtatawanan pa. Sa kasamaang palad umandar ang bibig ko---
"SANA ALLLLL" sigaw ko , pero di ko inaasahan na titingin siya samin kaya dali dali akong nagtago at hinigit si Rosie pero bago pa kami makapagtago alam ko sa sarili  ko na nakita niya kami ni Rosie.Makalipas ang ilang minuto ay umalis na rin siya .
"Hala nakakahiyaaaaa" nakangusong sambit ko pagkatapos kung umupo dahil umalis na siya
" hahahahahahaha" malakas na tawa ni Mariane at Julie
"Buti nga napansin ka ni Jason ehh" sabi naman ni Rosie saakin at di rin napigilan ang sarili na tumawa
"Napansin nga pero sa nakakahiyang paraan" dabog ko at nakabusangot parin ang mukha wahhhhhhhhh di ko yun matanggap..
" Di ko matanggap🎶🎵🎼♩ ang hirap magpanggap🎶🎵♩🎼" ayan napakanta tuloy ako
"Tumahimik ka oi baka umulan" taeng yan di ako sinabayan, nagdadrama ako ehh
"My earsss" sigaw na di malakas ni Jackie habang tumatawa at tinatakpan ang tenga
"Kumuha kayo ng masking tape" sabi naman ni Aira na umaakting na parang may mangyayaring masama kapag nagpatuloy ako
"Ayy ang samaaaa" nakanguso kong sabi at tumahimik nalang.
Napuno naman ng tawanan ang buong klase.
"Crush ka ba ng crush mo?" Biglang sabi ni Julie sakin aytt
"Aba malay ko! Ehh ikaw gusto kaba ng taong gusto mo ?" Balik ko namang tanong sakanya
"Ayownnn ohh sapollll" pangaasar ng kaibigan namin. Napatawa nalang kami sa mga pinagsasabi namin at nagkwentohan nlang...

Sana All!Where stories live. Discover now