Bakit kahit anong iwas ko?
Bakit kahit anong layo ko?
Patuloy akong napapalapit sayo?
Tadhana ba ang may gusto?
O pinamumukha lang sa akin kung ano ang pinakawalan at iniwan ko?
JASMINE
Nagmamaneho na ko ngayon papunta sa office ni Tita Ange. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Tuwing lalabas ako, tuwing may gagawin ako, laging nakahabol ang mga pesteng paparazzi sa buhay ko. Parang mas lalong gumulo ang magulo ko ng mundo. Habang nasa Edsa ako ay nakita kong tumatawag si Breeana sa akin.
"Hey..." sagot ko.
"Hi Jas, I am coming home!" sagot niya sa kabilang linya.
"You are?Akala ko next month pa?" sagot ko.
"Minamadali na ko ni Daddy. I am coming home next week. Wag ka na lang maingay sa iba, ikaw lang muna ang pinagsabihan ko dahil alam kong nakauwi ka na." sagot niya.
"Magtatampo si Miley at Amber nito. You should tell them as well." sagot ko.
"Yeah I know. I will tell them soon. Pag nakauwi na ko." pilyang sagot niya.
"Baliw ka talaga! Why did you call up?" tanong ko.
"I heard the news between you and Artie. Okay lang ba kayo?" sagot niya. Omgeee. kahit sa ibang bansa nakalabas na ang balita. I roll my eyes.
"Grabe, hanggang diyan nakarating na ang mga balita? Hindi ko kinakaya ang media! Gusto ko ng magtitili sa pagkaasar ngayon." sagot ko. Narinig kong tumawa siya.
"Is your heart okay?" Tanong niya. "Artie change when you two broke up." sagot niya.
"I am okay, pero kung tatanungin mo ang puso ko, i don't know. Kumplikado ang lahat." malungkot na sagot ko.
"You two deserve a second chance, may misunderstanding lang kayo pero sana this time maayos niyo na." sagot naman niya.
"Tell that to the marines! malabo yang sinasabi mo. Eh kapag nagkikita kami, kulang na lang magpatayan kami sa pag-aaway namin eh." sagot ko. Narinig kong napabuntong hininga siya. "What about you? Kaya na ba ng puso mong makita siya?" tanong ko.
"The hell I care about him! We're done! Wala akong paki kahit magkita pa kami ulit!" mataray na sagot niya sa kabilang linya.
"Are you sure, I think you deserve a second chance with him too." sagot ko.
"What the hell jas! That's ridiculous! Me? Being with him again? That's absurd! Kayo ni Artie may chance pa, kami wala na talaga. Kapag may pambabae ng involve, wala ng balikang nagaganap." sagot niya.
"Para namang hindi din ako pinalitan ni Lance ng ganun kabilis. May babae din namang involve." sagot ko.
"Well, you should talk to him about that. Hindi ako ang dapat magsabi sayo. Anyway, I miss you Jas but I have to go. I will see you next week okay." sagot niya at nawala na sa kabilang linya. Tingnan mo yung babaeng yun, nagstay lang sa France naging krung-krung na din. Ano kaya yung di niya dapat sabihin tungkol sa pambabae ni Lance noon? Tungkol kaya yun sa bigla niyang pakikipaghiwaly sa akin at noong nachismis sila ni Kimberly? Maliwanag pa sa akin hanggang ngayon yung oras na sumuko na ko. Noong panahong sumuko na ko sa paghabol sa kanya.
Flashback
Nakipaghiwalay sa akin si Lance pero hindi ako sumuko na makipagbalikan sa kanya. He kept on ignoring me. Kahit magkasama kami sa set ng show naming dalawa ay hindi niya pa din ako pinapansin. Pinapansin niya lang ako kapag kailangan niyang makipagplastikan sa akin. He is being annoying most of the times and being rude to me. He change a lot. Ang daming nagbago sa kanya matapos mamatay ang daddy niya and I want to blame myself because I am not around to comfort him during those times na kailangan niya ko.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
Roman d'amourAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...