Chapter 5
Alone
It's been two years since I've decided to live here in U.S, at sa isang taon na yon ay marami na ang nangyari. Pinagpatuloy ko dito ang pag-aaral ko ng college, and the first five months of my stay here in U.S, a talent scout of a big Network here offered me a contract which I gladly accepted. He said that he saw me singing and dancing in a competition in our school.
I am now part of a famous girl group here in U.S with the name of "Starlight" and we have an upcoming album to be released hopefully this month.
Kailangan kong magtrabaho dahil hindi sasapat ang perang natira sa kompanya para tustusan ang pag aaral ko at ang mga gastusin sa bahay. Hindi ko masyadong ginagalaw ang pera sa bangko dahil hindi lang naman akin 'yon, hati kami ni Ate Xyla.
At ngayon nga ay nakatayo ako ilang metro ang layo sa dati naming kompanya. Mas gumanda ito ngayon kumpara noon at hanggang ngayon hindi ko parin kilala kung sino ang bagong may ari ng dati naming kompanya. Ilang beses ko ng tinangkang alamin kung sino ang bagong may ari pero walang makapagsabi sakin kung sino.
Umalis na ko sa kinatatayuan ko dahil baka hinahanap na ko ni Ate Xyla.
Hindi natuloy umuwi si Ate Xyla nung araw na yon at nagdesisyon na dito na rin pansamantalang manirahan kasama ko. Nagresign sya sa pagiging pulis nya sa Pilipinas at kasalukuyang nagtatrabaho ngayon bilang isang call center agent.
Isang taon na din ng mahold up ako at si Ate Xyla ng taxi driver na sinakyan namin nung araw na dapat ay aalis sya papuntang Pilipinas.
Nawalan kami ng contact sa Pilipinas at tuluyang nawala ang koneksyon namin ng mahack ang lahat ng socil media account namin. Lahat ng social media account namin ay nakaonline sa cellphone na nakuha samin.
Wala na kong balita kahit isa sa mga kaibigan ko maski kay Tyra. Sinubukan kong gumawa ulit ng social media account para sana magkaroon ako ng connection kay Tyra pero lahat ng social media account na alam kong ginagamit nya dati ay hindi ko na mahanap, malamang ay nakadeactivate o kaya ay deleted na.
Narating ko na ang bahay na tinutuluyan namin, sa bahay na 'to dati nakatira si Tito Xyrus. Hindi namin 'to pinagbili dahil ito na lang ang ala-ala ni Tito Xyrus at ni Papa sa amin.
Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang tahimik at madilim na palagid. Mabilis kong sinindihan ang ilaw sa takot na baka ninakawan na pala kami pero hindi ko inaasahan na sa pag liwanag ng paligid ay makikita ko ang mga kaibigan ko sa University na pinapasukan ko kasama na ang Bestfriend kong si Tyra.
Nalalaki ang matang napatakip na lang ako sa bibig ko dahil sa sobrang gulat.
"Congrats Briiiiiii". Nakangiting sigaw nilang lahat. Naguguluhan man ay lumapit ako sa kanila. Una kong niyakap si Tyra na kanina pa umiiyak pagdating ko pa lang.
"Namiss kitang Bruha ka'". Kahit umiiyak ay nagawa pa rin nito sabihin, sinabi ko rin rito na namiss ko rin sya.
"Ano bang meron?". Naguguluhang tanong ko. Ngumiti lang naman silang lahat at tumingin sa likod ko kung nasaan banda ang kusina.
Unti unti akong lumingon sa tinitignan nila. Isa isang lumabas sa kusina ang mga kagroup ko sa Starlight, si Sidry, Leaf, at si Winowa. Panghuling lumabas ay ang manager namin na may hawak na tarpaulin.
"Starlight On fire". Basa ko sa nakasulat sa Tarpaulin na may nakalagay pa na picture naming apat. When everything sink into me, I started saying congratulation to them as well before we start the celebration.
Starlight on fire is the most awaited concert of our fans around the Asia. That concert will be our biggest break that will showcase our newest album.
"Hoy Bri, gising na". Yumugyog ang balikat ako kaya naalimpungatan ako. Pagmulat ng mata ko ay bumungad sakin ang mukha ni Ate Xyla.
"Bumangon ka na kung gusto mo pang maabutan si Tyra".
Nung narinig ko ang pangalan ni Tyra ay napabalikwas agad ako ng bangon.
"Shit!". Mabilis akong pumasok sa banyo at naghanda. Ngayon kasi ang flight ni Tyra papuntang Pilipinas, nalaman kong nagbakasyon lang pala sya rito sa U.S ng isang linggo and she accidentally saw my Billboard.
Nagdalawang isip pa nga daw sya kung ako talaga yung nasa billboard kasi iba yung pangalan na nakalagay pero para makasigurado ay ginamit nya ang koneksyon ng pamilya nila para kumpirmahing ako nga ang nasa billboard.
Rid Valle is my screen name at ang billboard na nakita ni Tyra ay ang billboard ng isang clothing line na isa sa inimodel ko.
I'm wearing a black A-line dress match with black two inches heels and a light make up. Pagkatapos kong maghanda ay nagpaalam na ko kay Ate Xyla. Narating ko ang hotel kung saan nakacheck in si Tyra. Nagsuot muna ko ng maroon na cap at shades para hindi ako makilala ng mga tao bago bumaba ng taxi, pagbaba ko ay agad kong nakita si Tyra na nakangiting naghihintay sakin.
"Tara na?". Magkasabay naming sabi kaya pareho rin kaming natawa. Sumakay kami ng taxi papunta sa isang Restaurant na sikat na sikat dito sa U.S.
Pagkarating sa Restaurant ay umorder na agad kami. Habang naghihintay na maiserve ang order namin ay nag kwentuhan muna kami.
Kinuwento sakin ni Tyra na si Kuya Tyron na ang naghahandle ng company nila at mas lalo pa itong lumago sa paglipas ng panahon.
Pagka serve ng order ay kumain na agad kami. Maaga ang flight ni Tyra papuntang Pilipinas kaya kahit gustuhin man naming magtagaly ay hindi pwede.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko na si Tyra sa Airport. Mabilis din naman syang nakasakay agad.
Pagkahatid ko kay Tyra ay dumiretso na ko sa studio ng Starlight dahil may practice kami for our upcoming concert.
"You are two minutes late Rid".
Salubong sakin ng manager namin. Medyo nagulat pa ko ng bahagya sa biglaan nitong pagsasalita. Mahigpit talaga sa oras si M.A short for Manager Aurora. She used to call me Rid short for Astrid.
"I'm sorry M.A. I ran some errands before I went here". I said while flashing my most enchanting smile to her.
"Fine, but don't be late again. Remember that this concert will be your biggest break"
Nakangiti na nitong sabi. Alam kong pangarap ni Ms. M.A na makapaghandle ng isang isang sikat na girl group around the world kaya ganyan sya kahigpit samin.
"Go inside now".
I smiled before finally entering the room where we are practicing for our upcoming concert.
Gabi na ng natapos ang practice at kasalukuyan akong nasa tapat ng pinagtatrabahuhan ni Ate Xyla. Madalas ay late na kong umuuwi dahil sa dami ng mga projects na nakalign up sa Starlight kaya dinadaanan ko na rin si Ate Xyla sa kanyang trabaho. Night shift kasi sya at siguradong mahihirapan syang mag abang ng taxi kapag ganitong oras na.
Mayroong service ang mga YG entertainment company para sa mga talents nila at yon ang sinasakyan ko ngayon pauwi. Pasalamat na nga lang at available 'to ngayon, minsan kasi ay hindi.
Pagkauwi sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan para makatulog ng maaga. Pagkatapos mag half bath ay nahiga na agad ako pero hindi pa man ako matagal na nakahiga ay narinig kong sumigaw si Ate Xyla mula sa baba. Mabilis akong lumabas ng kwarto para tignan kung anong nagyayari at ganun na lang ang sigaw ni Ate Xyla.
Pagkababa ay mabilis kong nakita si Ate Xyla na nakatayo at gulat na gulat ang mukha na nakatingin sa TV. Tinignan ko ang tinitingnan ni Ate Xyla at ng makita ko ay nablanko ang utak ko fahil sa pagkabigla. Ang tagal ko ng gustong malaman kung sino ang bagong may ari ng dati naming kompanya. Ang liit nga naman ng mundo, yung taong matagal ko ng gustong makilala ay matagal ko na palang kilala.
The beastness tycoon, Mr. Caliber Zee Montreaz is rumored to be the unknown savior of the most fastest growing company, the VH Chain of Hotel and restaurant after spotted getting out of the said company.
BINABASA MO ANG
HIS
General FictionRid Britany Hexon is a brave girl living on her own. She has the epitome of beauty that every women will definitely die just to have. A body that will surely make every men drool. But despite of those beautiful characteristics is the truth that she...