Chapter 14: Can you be my Partner?

1.7K 50 0
                                    

Lexi's Point of View

"So ano? Masaya ba silang kasama? May ginawa bang masama sila sayo? Pinahirapan ka ba nila?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Danica.

Well, Monday lang naman ngayon at narito ako ngayon sa hotseat. Halos sila inienterview ako tungkol sa pagsama ko sa XBANG kahapon lang. Halos lahat ng babaeng kaklase ko ay nakatingin sa akin at tila ba naghihintay ng sagot mula sa akin. Samantalang yung mga lalaki naman ay hindi mahanap-hanap.

"Alam mo girl, ang swerte mo. Muse ka na ng XBANG, nakasama mo pa sila." tugon ng kaklase namin na si Andrea.

I smiled at her.

Pinaalis na ni Danica ang mga babaeng nakapalibot sa amin. May ilang naiirita pero alam kasi ni Danics na ayaw niyang naiisue ako at ayaw ko ng atensyon. Kaya naman dahil sa pinaghalong kasungitan ni Danica at Kristelle ay nagsialis na rin ang mga chismosa. Hay! Salamat naman!

Pumwesto na si Danica sa harap ko habang si Angel at Lori ay sana right side ko at nasa left side ko naman si Jeselle at Kristelle.

"Now. Magsalita ka na." untad ni Danics.

Kumunot ang noo ko. "Wala pa kayong tinatanong tapos magsasalita na ako?"

Jeselle sighed. "Kailangan pa ba namin magtanong. Bilis na, Lexine.." anito na parang batang nagmamakaawa. Napailing na lamang ako at nagsimula ng magsalita.

I smiled habang inaalala ang nangyari kahapon. "Una, masaya silang kasama. Hindi ka talaga mabobored kapag sila ang kasama mo. Pangalawa, mukha silang mga timang at isip-bata. Akalain mo yun, bigla nalang akong hinila papuntang Quantum." I paused. Narinig ko ang mahinang tawa ni Angel at Lori at nahagip rin ng mga mata ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nina Danica, Kristelle at Jeselle.

"At pangatlo, hindi sila maarte. Dinala nila ako sa Barbecue Shop ni Mang Isko. Ofcourse at first I was shocked. They are damn rich at kakain lang sila sa isang barbecue shop? No way. Kung iba atang mayayaman yun ay hindi ata sila aapak sa lugar na iyon pero iba sila. One of them said, hindi nila binibase sa estado nila ang gusto nilang gawin. Kung gusto nila, gagawin nila. Kahit pangangalakal ay gagawin nila basta ba't nag-eenjoy sila." pagtatapos ko sa usapan. Hindi ko na kailangang sabihin ng detalyado ang nangyari kahapon dahil sa sinabi ko palang ngayon ay makukuha na nila kung anong nararamdaman ko nung makasama ko ang XBANG.

At saya yun. Saya yung naramdaman ko.

Lori smiled. "May ganyan din naman pala silang attitude."

"I think.. I wanna be with them too." si Jeselle.

Wala pang isang minuto ay nagreact na naman ang madaldal. "Duh. You wanna be with them because of my brother-dear, Jeselle." aniya at umirap. Tumawa na lamang kami.

"Ang yeah, I already feel that happiness when I'm with them, 3 years ago." wika ni Kristelle at may lungkot na kumislap sa mata niya. Oo nga pala. 3 years ago nung nagbreak si Vince at Kristelle. Syempre nakasama niya na din ang XBANG. Wait.

Tumingin ako kay Kristelle. "Telle, have you been to Zoey and Zandy's Boutique?" I asked.

She nod. "Yes. Why?"

"Pumunta din kasi kami doon. Doon kami bumili ng Jersey at doon na rin ako bumili ng Gown na susuotin ko mamaya para sa Aquaintance Party." wika ko.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now